CHAPTER 3:

18.1K 489 9
                                    

Naalimpungatan sya nang may tumatapik sa balikat nya.

  "Patty? Patty? Wake up, we're already here in the Philippines."

Sabi ng isang boses.

  "Huh?"

Pupungas-pungas syang dumilat.

  "Patty, gising na. Nandito na tayo sa Pilipinas."

Si Lucas pala ang gumigising sa kanya. Dinilat na nya ng tuluyan ang mga mata.

  "Finally gising ka na. Nandito na tayo."

Natatawang sabi sa kanya ni Lucas.

  "Hala! Sorry kuya Lucas, nakatulog ako. Akala ko kasi matatagalan pa ang byahe natin."

Tumayo na sya at inayos ang sarili.

  "Hindi na kasi tayo nag stop by, kaya naman nakarating tayo agad."

Kinuha na nya ang bag nya. Lumabas na sila sa eroplano. Nasa hangar ang private plane. Naramdaman nya ang ihip ng hangin at init ng araw. Napapikit sya.

  "Welcome back to Philippines Patrice."

Sabi sa kanya ni Lucas at tinapik ang balikat nya. Natawa na lang sya.

  "Amoy polusyon na naman ako neto."

Bulong nya sa sarili. Bumaba na sila para kunin ang bagahe nila. Habang naghihintay silang marelease ang bagahe nila ay nagsalita si Lucas.

  "May magsusundo ba sayo Pat?"

  "Ah meron Kuya. Tumawag ako kay mommy at daddy na uuwi ako ngayon."

Sabi nya kay Lucas. Kinuha nya na ang bagahe nga, ganoon din naman si Lucas.

  "Tulungan na kita Pat."

Sabi sa kanya ni kuya Lucas na akmang kukunin ang bagahe nya.

  "Wag na kuya, kaya ko naman na eh."

Sabi nya sa dito. Nagulat naman sya nang bigla nang may yumakap mula sa likod nya.

  "Ay baka!"

Nagulat syang napatingin sa likod nya para tingnan kung sino ang yumakap sa kanya.

  "KAMBAL! I MISS YOU!! YOU'RE HERE!!"

  "Nathan?!"

Opo, si Nathan ang yumakap sa kanya. Yumakap ulit si Nathan sa kanya.

  "Kambal!! I miss you!"

Kahit paano ay namiss nya ang damuhong ito.

  "Oy namiss mo ako? Talaga?!

Tanong nito sa kanya. Tumango sya.

  "Teka? Paano mo nalamam na ngayon ang uwi ko?"

Kumalas na sya sa pagkakayakap dito.

  "Ah-eh."

Napakamot ng ulo si Nathan. Tumingin naman sya kay Lucas.

  "Kuya Lucas, ikaw ba ang nagsabi sa kanya na ngayon ako darating?"

Tanong nya dito.

  "Pasensya na Patty, nangungulit kasi tong lokong ito eh, di ko naman matiis. Sorry Pat."

Hinging pasensya sa kanya ni Lucas.

  "Bakit ayaw mo bang ako ang susundo sayo?"

Sabi sa kanya ni Nathan at nagpout. Sinampal nya ng mahina ang pisngi nito.

  "Itigil mo nga yang pagpapout mo Nathan."

  "Sus! Nagagwapuhan ka lang sa akin eh."

Biro nito sa kanya. Napansin nya ang suot nito.

  "Oh? Nakachef uniform ka pa. Sana nagpalit ka muna."

  "Wala na akong time magpalit."

  "Pero sa mga babae mo may panahon kang mapalit at mag-ayos."

Inirapan nya ito.

  "Ayoko kasing ma-late sa pagpunta dito. Gusto kasi kita makita agad."

Lambing nito sa kanya.

  "Kayong dalawa, tama na iyan. Nathan ikaw na ang maghatid kay Patty, mauuna na ako dahil may gagawin pa ako sa opisina."

Sabi sa kanila ni Lucas.

  "Eh kuya Lucas, kagagaling mo lang ng Italy, pupunta ka kaagad sa opisina? Di ka muna magpahinga?"

Tanong nya dito.

  "Oo Patty, I still have meetings to attend. Thanks for the concern."

Sabi ni Lucas.

  "Hay nako Patty! Hayaan mo na si kuya, gusto pa nyang magpayaman, pareho sila ni kuya Ezekiel. Takot maghirap."

Sabi sa kanya ni Nathan.

  "I need to go guys. Nathan, take care of Patty."

Sabi ni Lucas kay Nathan at naglakad na palayo ang lalaki. Bumaling sa kanya si Nathan.

  "Bakit ka concern kay kuya Lucas? May gusto ka sa kanya no?"

Tukso sa kanya ni Nathan.

  "Ha? Hindi no! Baliw ka ba?"

  "Oo baliw sayo."

Sinuntok nya ito sa balikat dahil sa sinabi nito.

  "Aray ko ha? Akin na nga yang bagahe mo."

Kinuha nito sa kanya ang bagahe nya.

  "Alam mo, amoy kalansay ka kambal."

  "Ano?!"

Pinandilatan nya ito.

  "Ehehe. Wala po."

Sabi nito at kinurot ang ilong nya.




A/N: oy!! Concern daw si Patty kay Lucas! Ahahaha! Abangan ang mga susunod na kaganapan mga kababayan. Bakit nga ba nakikiepal este nakikigulo sa kwentong ito? Hay! Sorry Lucas! I love you! Wahihi! ;)

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks ;)

(Luke: I love you too miss Author! Wala akong magawa eh, pwede bang sa puso mo na lang ako makikiepal? ;) hahaha!)

FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon