PAMBARA 36: Chapel

79.3K 1K 64
                                    

ILANG linggo na ang nakalipas simula ng inoperahan si Scarlette. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed at hawak hawak pa din ang sulat.

Nagulat siya ng pumasok si Priscilla sa kwarto niya.

“Scarlette, okay ka na ba?” tanong nito. Napairap na lang si Scarlette dahil inis parin siya dito.

“Nakita mong kakaopera ko lang, tapos tatanungin mo na kung ayos ako? Tanga ka ba?” derechang sabi ni Scarlette kay Priscilla na kinalungkot naman ng dating kaibigan niya.

“S-sorry…”

“Sorry, puro na lang sorry. Anong tingin mo sakin, uto-uto? Umalis ka nga dito!” pagtataboy nito.

Sakto naman na pumasok si Iya sa kwarto ni Scarlette.

“Priscilla, lumabas ka na… hindi makakabuti sakanya ang magalit,” seryosong sabi ni Iya.

Pagkalabas ni Priscilla ay umupo si Iya sa tabi ng kama ni Scarlette at nginitian ito.

“Kamusta ka na?”

“Isa ka pang tanga. Kita mo ng hindi ayos e,” sabi ni Scarlette at hinigpitan ang hawak sa sulat. Halos basa na ang sulat dahil sa dami ng patak ng luha ang pumatak dito… halos hindi mo na nga mabasa.

“I mean… okay ka lang kahit wala nasiya?”

“Hindi ko alam… Hindi ko naman ata siya ganun kamahal…”

“Pero mahal ka niya… sobra,” sabi pa ni Iya at kumuha ng mansanas sa may maliit na table malapit sa kama ni Scarlette.

“Isa lang naman ang tinuro niya sakin e… true love never expect anything back.”

 

PAGKALABAS ni Priscilla sa kwarto ni Scarlette ay tumulo nanaman ang luha niya. Ilang araw niyang pinagdadasal n asana ay mapatawad na sila ni Scarlette… kaso… hindi e… naging bato na ata ang puso ng dalaga.

Sakto naman na dumaan sa kwarto ni Scarlette si Yohanne.

“Ayos na ba siya?” tanong ni Yohanne kay Priscilla.

“Oo…”

“Ano nga pala yung sasabihin mo sakin, Priscilla?”

Napalunok naman si Priscilla. Oo nga pala, balak niyang sabihin kay Yohanne na may anak na siya kay Scarlette… kaso parang mali naman kung siya ang magsasabi diba?

“Ay.. wala yun,” sabi nito at umiling pa ng ilang ulit.

“Ah ganun ba… sige alis muna ako.”

“San ka pupunta?” tanong ni Iya na kakalabas lang sa kwarto ni Scarlette.

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now