PAMBARA 27: Cookies and Revenge

87.3K 1.1K 445
                                    

Nasa mansion si Drew at si Scarlette noong narinig niyang umiyak ang kambal. Nasabi ko na bang madaling araw na? Kawawa...

Tumayo na si Drew papunta sa cribs ng bata. Sa sofa siya natulog dahil ayaw siya patulugin ni Scarlette sa kwarto niya. Tss. Eh sa Australia lagi naman silang magkasama sa kwarto... MAGKAHIWALAY NA KAMA HOY! Isang kwarto nga lang.

“Hay nako Hansel. Ano ba nararamdaman mo?” sabi niya habang tinatapik si Hans na makatulog. Ang hirap sa kambal, kapag umiyak yung isa, iiyak din yung isa. JUSKO! Doble pasakit.

 

“Ah goo goo gaga mimi mumu hihi.”

 

Napabuntong hininga naman si Drew. Ano ba yung sinabi ni Hans? =__=

“Ikaw naman Ice, wag kang gagaya sa nanay mo ha.”

 

“Ah gegege goo jujeje.”

 

Kumunot ang noo ni Drew. Hindi kaya jejemon si Ice paglaki? =___=

Noong sa wakas ay napatulog niya na ulit ang kambal, natulog na din siya. Bago niya patayin ang ilaw, napabuntong hininga siya. Bakit ba kasi hindi na lang siya ang ama?

 

--

 

“SCARLETTE! Bumangon ka na dyan! Ready na breakfast!” sigaw ni Drew sa ika anim na pagkakataon. Napabuntong hininga siya. Hindi parin bumabangon si Scarlette.

Pagkatapos ng ilang minuto, hindi parin bumababa si Scarlette. Tulog mantika talaga. Ts

Napagdesisyonan niya ng akyatin si Scarlette sa kwarto nito.  Kanina pa umiiyak si Ice at si Hans dahil hindi pa nakakapag gatas. SI Scarlette kasi ang duty na magtimpla ng gatas. Ayaw ng breastmilk. Masakit daw. LOL

Pagpasok niya sa kwarto ni Scarlette, agad na winelcome siya ng malamig na aircon. Jusko. Kaya pala tulog mantika ang bruha. Lumapit siya sa aircon at papatayin niya sana ito.

“Y-yohanne...”

 

Nabaling naman ang atensyon ni Drew kay Scarlette na nanaginip ata.

“Scarlette, huy gumising ka na,” umupo siya sa kama ni Scarlette at sinundot sundot pa yung pisngi nito habang natutulog. Napansin ni Drew na basa ang pisngi ni Scarlette.

Umiiyak nanaman ito.

Agad na pinunasan ni Drew ang basing muka ni Scarlette gamit ang kamay niya at nagsalita, “Sana ako na lang si Yohanne... Edi sana hindi ka umiiyak.”

 

Tinignan niya ng mabuti muli si Scarlette. Sa dalawang taon na kasama ang babaeng ‘to, sino ba naman ang hindi magkakagusto?

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon