PAMBARA 33: Compatible

80K 1K 134
                                    

“True love is real when you never expect anything back”

Note: Dudurugin ko ang puso niyo. =((

--

MABAGAL na naglakad si Yohanne palabas ng ospital noong umaga. Kailangan niya munang magpahinga. Buong gabi silang hindi nakatulog.

Flashback:

 

 

“Masakit?” tanong ni Iya kay Yohanne habang nakatingin gamit ang transparent na part nung bintana (yung parang salamin lang)

 

 

Tumango naman si Yohanne bilang sagot. Hindi ito ang tamang panahon para magsinungaling, sabi niya sa sarili niya.

 

 

“Ikaw kasi e...”

 

 

Binigyan ni Yohanne ng isang ‘hindi-kita-naiintindihan’ look si Iya. Ngumiti naman si Iya at tinapik ang balikat ni Yohanne gamit ang kaliwa niyang kamay.

 

 

“Iniwanan mo siya noong nahuhulog siya. Eh kilala mo yun, tanga... ayaw lang aminin...”

 

 

“Hindi ko siya iniwan at hinding hindi ko siya iiwanan,” madiin na sabi ni Yohanne kay Iya at tinignan ito;ngunit hindi parin inaalis ni Iya ang tingin niya sa loob.

 

 

Tumawa ng mahina si Iya sa sinabi ni Yohanne. “Eh bakit hindi ikaw ang kasama sa loob?”

 

 

Tila natikom ang bibig ni Yohanne sa sinabi ni Iya. Tama, kung sana naging selfish siya ngayon at iniwan ang kapatid niyang baliw, edi sana siya parin ang kasama ni Scarlette. Kung sana...

 

 

 

“Mababawi ko siya sakanya,” sabi pa ni Yohanne (tinutukoy niya si Drew)

 

 

“Pano kung ayaw niya na magpabawi? Bumitaw ka na Yohanne... Alam ko na gusto din ni Scarlette si Drew... Yohanne, tama na,” sabi ni Iya na naging dahilan ng pagkagalit ni Yohanne sakanya.

 

 

“WALA KANG KARAPATAN NA SABIHIN ‘YAN!”

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon