PAMBARA 34: Someday We'll Know

78.7K 1.2K 232
                                    

“Si Yohanne Santa Cruz.”

 

 

Iyan ang apat na salita na nakapagbago ng takbo ng mga puso ng bawat isa sakanila. Lahat sila gulat. Hindi makapaniwala kung ano ang dapat nilang maramdaman sa narinig, lalo na si Drew.

AFTER A MONTH.

“BAKIT ang lata mo ngayon, dad?” tanong ni Scarlette kay Drew. Si Drew lang ang pinapayagan niya pumasok sa kwarto niya. Kahit ang magulang nya. Bakit? Dahil ayaw niya na makita siyang lagas na ang buhok at hinanghina.

“P-pano kung sabihin kong... hindi na kita kayang protektahan?” tanong ni Drew at iniwas ang tingin tungo sa may pintuan.

Nagulat naman si Scarlette sa narinig. Ngayon pa ba siya aayawan kung kelan siya nanghihina... kung kelan siya ang taya... kung kelan naiinlove na ata siya sa binata. Hoy wag kayong magdiwang dyan mga Drewlette.

“Ano ka ba! Ikaw ata ang a-asungot ko! Kailangan mo akong protektahan~” sabi ni Scarlette at tinignan ang puting kisame. Leche. Puro yan na lang ang nakikita niya.

“Pano kung hindi pala ako ang dapat prumotekta sa’yo?”

“tatawagin ko si Juan dela Cruz,” natatawang sabi ni Scarlette. Kahit pilit.

“Baliw. Yan ang dulot sayo ng TV sa ospital e,” nailing na sabi ni Drew at napangiti. Kaso sa loob niya ay nalulungkot siya na hindi siya ang compatible na donor. Nangangamba siya na tanawin iyon ni Scarlette na utang na loo bang pagligtas ni Yohanne sa buhay niya. At baka mawala si Scarlette sa tabi niya...

“Ano na ba ang pinakalatest na balita sa sakit ko?” tanong ni Scarlette at nawala ang ngiti sa labi niya. Pero natanggap niya na ata na mamatay na siya.

“A-ayun, may donor ka na...”

 

 

 

“At sino namang tanga ang magbibigay ng bone marrow sa’kin? Ikaw?”

 

 

“Hindi,” tipid na sagot ni Drew at halatang nalungkot din siya.

“Eh sino?”

 

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now