PAMBARA 20: BACK!

101K 1.2K 65
                                    

[Yohanne]

Nakatingin ako sa picture ni Scarlette sa facebook. ‘Di ko mapigilang mapangiti dahil pogi ako at bagay kami.

6 months kami sa America. Tagal? Buti na lang tapos na.

Nadamay kasi ako sa pesteng kapatid ko na ang ginagawa lang ay mang-inis at manira ng araw kong pogi.

 

Parents? Nah, wala ako nun. Matagal na. They died when I was 17 dahil sa plane crash kaya ang ate ko na ang nasusunod.

At ang threat niya sakin para mapunta sa America?

‘Di niya daw ibibigay sakin ang mana ko kapag nag 21 na ako.

Syempre kailangan kong sundin dahil, ano ang ipapakain ko sa anak namin ni Scarlette diba?

 

BWAHAHA. Anak talaga. Agad agad XD

Pero look at the bright side, dadami ang pogi at magagandang lahi sa mundo diba.

Hay Scarlette, ang pogi ko parin, tandaan mo sana ‘yan.

Na-startle naman ako dahil may tumatawag sakin through Skype. Si Mekayla ‘di ako tinatawagan *poging pout*

Si Priscilla pala.

Si Priscilla at Bianca ay iisa. Kalokohan ng ate ko na ibahin ang pangalan ng hinire niya for a million (every month—ganyan kami kayaman).

“Oy Priscilla,”

 

Nginitian niya ako. Close kaya kami. Siya ang nagbabalita kung ano ang nangyayare kay Scarlette. Odiba? Kaso I worry na baka masaktan si Scarlette na malaman na for hire lang ang ‘bestfriend’ niya.

Pero look at the bright side, kapag natapos ang contract pwede silang maging friends ulit.

“Oy Yohanne,” sabi niya.

“Pogi ko? Alam ko naman e,” conceited ba ako?

Hindi kaya! I’m just telling the truth. *wink*

“SIRA! Kaya bitter sayo bestfriend ko e!” natatawa niyang sabi.

“Bitter?”

 

“Oo. Grabe. Ang yaman nung babaeng yun pero ‘di niya naisipan na pumunta na lang sa America ng magkita kayo,”

She's the Pambara Queen [Published by LIB]Where stories live. Discover now