Entry #11 -- Epilogue

697 51 8
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Entry #11 -- Epilogue

Naupo ako sa may dulo ng resort kung saan kami unang nagkita. Tanaw na tanaw mula dito ang unti-unting pagpapalit ng kulay na langit. Napakagandang kulay, siguro ito na ang paborito ko, pero hindi kasing saya ng kulay na ito ang nararamdaman ng puso ko ngayon.

Mag-tatlong linggo na rin mula nung araw na 'yun. Hindi na ako umiiyak, alam kong hindi niya magugustuhan kung gagawin ko 'yun. Pero kahit na wala ng mga luha na tumutulo dito sa mga mata ko, alam ko sa sarili kong may isang malaking butas pa rin sa puso ko. 'Yung butas na noon ay pinuno niya, pero iniwan din niya.

Masakit, sobra. Pero ganun talaga siguro. Mahirap, pero mas lalo silang mahihirapan kung makikita nila akong nahihirapan.

Matatapos na ang summer ngayon. Ayon sa balita, bukas daw, officially ay tapos na ang summer. Parang kahapon lang, sinisigawan ko sya matapos niyang sabihin sa'kin ang mangyayari sa isang libro. Tapos biglang umiiyak ako sa harap ng kung sino-sinong tao habang binabasa ang eulogy na hindi ko man lang nagawang tapusin.

Kanina ko lang nakuha 'yung box na tinutukoy nung araw na binitawan niya ang mga kamay ko.

Dahan-dahan ko itong binuksan. Mayroong tatlong hardbound copies ng Delirium series na may nakataling puting ribbon at may note sa gilid.

Wala akong ibang mapapagbigyan. Kahit may kopya ka na, pwede naman sigurong itago mo rin ang copy ko?

Sa gilid ay mayroong isang nakatuping papel, at isang maliit at manipis na box. Inuna kong kunin at buksan ang box. Mayroong maliit na frame sa loob. Tapos may picture naming dalawa noong nandito pa kami sa resort na 'to. Ewan ko kung saan niya ito nakuha, wala naman akong alam na picture namin. Pero masaya ako na may ganito. At least maaalala ko siya... kami.

At huli kong kinuha 'yung papel sa loob, at pagka-unfold ko ay nakilala ko agad ang sulat niya.

'Allie,' binasa ko ang unang salita, iniimagine ang boses niyang binabanggit ito.

'Kamusta ka na? Umiiyak ka pa rin ba?' Hindi na, Andrew. Pero kahit gan'on, alam mo, nasasaktan pa rin ako. 'Sana hindi na. Alam mo namang ayaw ko na umiiyak ka 'di ba?'

Pero sa halip na hindi na talaga ako umiyak ay naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko. Pero pinigilan ko ang mga luha sa pagbagsak. Gusto kong tapusin ang pagbabasa. At ayokong masira ng mga luha ko ang huling alaalang magkakaroon ako kasama siya.

'Wag mo akong kalilimutan, okay? Kahit isang maliit na parte lang ako ng summer mo,' Hindi ka maliit lang na parte, Andrew. Ikaw ang pinakamagandang parte ng summer ko, pati ng lahat pa ng mga panahon na mararanasan ko.

'Gusto ko ring sabihin na hindi kita malilimutan, pero hindi ko alam kung pagdating ba sa langit ay may alaala pa rin ako. Pero maalala man kita o hindi, pag nalulungkot ka, tumingin ka lang sa taas, at mula dito, may ngingiti para sa'yo.'

Nakaramdam ako ng urge na tumingin sa itaas. Kulay kahel ang langit, senyas na kaunting oras nalang ay lulubog na ang araw.  Mayroong isang malamig na hangin na tumama sa mga pisngi ko.  At alam kong siya 'yun.

'Sige na, ayoko nang pahabain pa ito. Gusto ko lang malaman mo na masaya ang buhay. Enjoy-in mo ang lahat ng panahong lilipas na buhay ka. Kasi ako, na-enjoy ko naman ang buhay ko... ng kasama ka.' Oo. Para sa'yo, magiging masaya ako. Wala na ang lahat ng sakit, at tanging ang ngiti mo nalang at ang boses mo ang natitira.

'Paalam na, Allie. I love you,'

Ako si Amber Lynn Santiago, at natapos ang summer ko sa tatlong salita ng pag-ibig na kasabay ng paglubog ng araw.

fin.

***

A/N: OMG. Summer's Sunset just ended. I am literally crying. This has been one of my favorite stories so far. Andrew, why do you have to go? :(

Anyway, sorry! This is late! I have been preoccupied by UPCAT reviews and kind of forgot I have this story to finish. Hehe. Sorry. But here it is! I really hope you'll like this... ending. Though, it really is tragic. You know me, I have this thing for tragic stories. Don't worry, we'll find Allie a new lovey dovey.

So, I'll end this here, eh? Thank you for all your support! Thank you for waiting for my late updates. Thank you for trying to understand my lame excuses. Thank you for sharing your time with me, Allie and Andrew. This means so much for me! I love you, guys!

I A M M I S S R E D.

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon