Entry #7

522 26 1
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Recap: Hinayaan ng doktor na makausap na ng magpipinsan si Andrew. Sa hindi malamang dahilan ay nagmamadaling umuna si Rianne. Lumabas ito ng umiiyak. Sumunod si Clei nang dahil na rin sa hiling ni Andrew. At pagkatapos ay si Denisse. Pagkatapos na pagkatapos ni Denisse ay umuwi na sila sapagkat ayaw na ring magpaabala ni Andrew. Dahil hindi nakausap ni Allie si Andrew ay nag-iwan na lamang sya ng sulat dito.

***

Entry #7

Andrew's POV

Nakapikit lang ang mga mata ko, inaantay na may pumasok sa kwartong ito. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kwarto ko. Si Allie siguro 'yun. Napangiti ako sa thought ng maganda niyang mga mata.

"Andrew," narinig ko ang isang boses, na sigurado ko ay hindi kay Allie.

Pag mulat ko ng mga mata ko ay isang pamilyar na mukha ang nakita ko - si Rianne.

"Uy Rianne," sabi ko habang umuupo, sinusubukan alisin ang disappointment sa tono ng mga salita ko.

"Kamusta ka?" tanong niya.

Ngumiti ako.

"Ayos! Buhay na buhay pa," masigla kong sagot.

Hindi siya nagreply. At di ko rin naman alam ang sasabihin ko.

"Andrew," muli niyang binanggit ang pangalan ko.

"Hm?" maikli at simple kong sagot.

"Alam kong 'di natin alam ang mga p'wedeng mangyari sa susunod na mga araw, at ayokong may pagsisihan sa huli," sabi niya.

Tiningnan ko siya. Pinipilit kong basahin ang iniisip niya. Anong ibig n'yang sabihin d'un?

"Gusto kita," bigla niyang sinabi.

Gusto? Gusto...

"Gusto rin kita. Kapatid ata tayo." sagot ko.

"No. Gusto as in I like you in a romantic way."

Ewan ko. Paano ba dapat mag-react?

"Pero Rianne..." sabi ko, halos hindi alam kung paano susundan ang simpleng pangungusap na 'yun.

"Alam ko. Si Allie naman 'di ba?" sagot niya na mayroong pilit na ngiti.

Dahan-dahan akong tumango.

"Sorry," sabi ko.

Ngumiti siya.

"Ayos lang. Ayoko lang talaga na magsisi sa huli," mahina niyang sinabi.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. At narinig ko nalang ang mahina niyang mga hikbi.

 "Ang swerte-swerte ni Allie sa'yo," sabi niya.

Tumango ako, "Mas swerte yata ako."

Parehas kaming kumalas dun sa yakap at may kinuha sya sa bulsa niya.

"Eto oh," inabot niya sa'kin.

Tiningnan ko 'yun at napansing isang digital camera.

"Ewan ko kung anong naisip ko at binigay ko 'yan sa'yo. Feeling ko kailangan mo?" sabi niya tapos ngumiti.

Nginitian ko sya.

"Salamat, Rianne. Salamat sa lahat."

Ngumiti rin sya pero halata ang lungkot. Tumayo na sya.

"Uy. Una na ako ha," sabi niya.

Malapit na sya pinto pero pinigilan ko sya. Ewan ko kung anong naisip at naiisip ko pero ayos din siguro 'to.

"Rianne p'wede patawag kay Clei?" sabi ko.

"Ha? Uh. Si Clei?" tanong niya pero bago ako sumagot ay nagsalita ulit sya, "Ah sige sige. Bye,"

"Uh Rianne," sabi ko. Lumingon sya, "I love you."

At ngumiti sya. Isang malungkot na ngiti. Dahil alam kong alam nya na pagmamahal na para sa isang kapatid lang 'yun. 

*

Maya-maya ay pumasok si Clei sa kwarto. At pagkatapos ay si Denisse. Di ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko. After ni Denisse sinabi ko na wag papapasukin si Allie.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin pero gusto kong sanayin siya na wala ako. Gusto kong matanggap niya ang pagkawala ko. At higit sa lahat, gusto kong alamin ang gagawin niya kung wala ako.

Habang nandun ako sa kwarto at inaayos ang mga dapat ayusin ay may napansin ako sa may pinto. Mayroong papel. Tumayo ako at pinulot yun. 

Bumalik ako sa kama at inunfold 'yun papel.

"Hi Andrew! I was really upset na hindi man lang kita nakausap. Pero hayaan na. Magpahinga ka ng ayos ha? Call me when you need me. Kumusta ka ba? Basta take care, okay? Nandito lang ako lagi. Hinding-hindi ako mawawala. Sige. God bless you and I really miss you! Forever and Always, Amber Lynn."

Napangiti ako sa nabasa ko,and at the same time nalungkot. Parang mas lalo ko lang syang na-miss. I also smiled at how beautiful her handwriting is, at how lovely her real name sounds.

At dun sa likod ng papel, nagsimula akong magsulat ng isang bagay na alam kong para sa kanya lang.

***

A/N: Hi guys! Sorry! This is really late. Forgive meeee! I was supposed to upload this yesterday, but I did a lot of editing in this chapter. I don't know why. TT___TT But here it is! I hoped you enjoyed it. Keep supporting. Vote, Comment and Be A Fan! Love you, guys.

I A M M I S S R E D. 

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon