Entry #9

527 29 5
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Recap: Pinapunta ni Andrew si Allie sa hospital para samahan siya. Sobrang natuwa ang dalaga dahil miss na miss na niya ito. Pag dating nya doon ay tinugtugan siya ni Andrew ng isang kanta na pinangalan sa kanya. Labis na natuwa si Allie kanya kaya may naisip ang dalaga?

***

Entry #9

"Saan tayo?!" tanong niya habang kinukuha gitara niya.

"Sa dulo ng walang hanggan!" pabiro kong sagot.

Tumawa siya ng mahina at lumabas na kami ng kwarto niya.

"Daniel!" sagot ko habang tumatawa.

"Katarina!" reply naman nya.

Tawa lang kami ng tawa habang umaakyat ng hanggan.

"Tama na nga. Tapos na ang Walang Hanggan eh!" sabi ko, at sakto naman ay nasa may pintuan na kami ng rooftop.

"Rooftop? Allie ha, ano 'to Ina, Kapatid, Anak?" pang-aasar nya.

"Ewan ko sa'yo, Andrew! You watch too much drama!" sabi ko sabay palo ng mahina sa may braso niya.

 Pagpasok namin naramdaman ko agad ang malamig na hangin.

"Hmm," sabi ko.

"Hmm? Tatayo ka ba d'un sa may edge? Tapos sisigaw?" pang-aasar niya.

"Mas maganda ako kay Margaux!" sagot ko tapos umirap sa kanya.

"Sabi mo eh!" sagot niya.

Umupo kami d'un sa may parang bench doon.

"Bakit mo'ko dinala dito?" tanong niya.

"Hmm. Bakit nga ba?" tanong ko na parang nag-iisip, "You asked me to take you away. I don't have any idea where to take you. We can't go out, you know."

"Eh bakit dito? May garden naman 'di ba? P'wede ring tambay lang sa hallway," sagot niya. 

"I just thought, maybe I'd bring on top of the world," sagot ko.

"Sabi ko nga," sabi niya, "So anong gagawin natin dito?"

Ano nga ba? Ang shunga shunga ko naman kasi eh. Dadala-dalahin ko kasi siya dito tapos 'di ko alam gagawin namin dito.

"What do you want me to do for you?" tanong ko nalang sa kanya.

"Tumigil ka sa pag-iEnglish!" pang-aasar n'ya.

"Okay. Titigil na po!" sagot ko, "Pero seryoso, ano nga?"

"I want you to sing my favorite song. And... I'll take a video of it," sagot niya tapos pinakita sa'kin 'yung phone niya.

"Tumigil ka sa pag-iEnglish!" sabi ko, na ginagaya siya, "Okay. Ano favorite song mo?"

"Uhmm, pang-lalaki eh," sagot niya.

"Game! Kahit ano," sagot ko.

"Kaya mo sa gitara ang It Will Rain?" tanong niya.

"Uhm... Bruno Mars? Yah!" masaya kong sagot.

Kinuha niya 'yung gitara tapos inabot sa'kin, "It Will Rain, it is!"

I looked at him para sa signal na mag-start na ako.

"One, two, three, go!" he said.

I started strumming. Medyo nagkamali pa nga ako eh. 'Di ko na master 'to.

"If you ever leave me, baby, leave some morphine at my door. 'Cause it will take a whole lot of medication to realize what we used to have, we don't have it anymore."

Nakatingin ako sa kanya. Intindihin mo, Andrew na pag iniwan mo ako... ganito ang mangyayari sa'kin. So please, wag.

"'Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. Just like the clouds, my eyes will do the same, if you walk away, everyday, it'll rain."

Nakatingin din lang siya sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung tama pa ba 'yung pagkaka-video nya kasi di naman nya tinitingnan.

 "Oh don't you say goodbye, don't you say goodbye. I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding, if that'll make it right."

Pagkatapos kong kumanta ay iaabot ko sa kanya 'yung gitara nang may pumatak na tubig.

Hanggang sa dumami... ng dumami.

Nilagay ni Andrew 'yung phone niya sa bulsa nya tapos lumapit sa'kin.

"'Cause there'll be no sunlight, if I lose you, baby. There'll be no clear skies, if I lose you, baby. Just like the clouds, my eyes will do the same, everyday, it will rain."

Kinanta n'ya 'yung chorus part habang nakatingin directly sa mga mata ko.

Nag-lean forward siya, at nakita ko nalang ang sarili kong pumikit.

I just had my first kiss under the rain. 

***

A/N: Hi guys! Sorry! It's late, I know. I just had tons of assignments in accounting! Anyway, help me with the ending of this story! I still haven't made up my mind. Huhuhu. And dedicate my your stories! I would love to read them! Ok ok. Bye bye! Vote, Comment and Be A Fan. Love you!

I A M M I S S R E D. 

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon