Entry #3

698 34 6
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Recap: Nag-aalmusal ang mag-pipinsan nang nagkita sina Allie at Andrew. Inaya ni Andrew si Allie na mag-swimming at pumayag naman ang dalaga. Nang nasa may pool na ang dalawa ay napansin ni Andrew na may kakaiba sa mga mata ni Allie. Sinabi niya (Allie) na ito ay dahil sa pagpupuyat nya sa pagbabasa ng Delirium. Tinanong ni Andrew kung dahil ba sa kanya kaya muli itong binasa ni Allie, at matapos ang kulitan (kilitian) ay napaamin din si Allie na dahil nga iyon sa binata.

***

Entry #3

"Hey, dinner later? Sunduin kita sa room mo. May sasabihin ako sa'yong mahalaga. See you!"

Pinakinggan ko ulit 'yung voicemail ni Andrew. Hay. May sasabihin na mahalaga? Ano namang sasabihin nito?

Actually, fifth day ko na ngayon dito sa resort. Sobrang close na kami ni Andrew. Siya na siguro 'yung "bestfriend" ko since wala naman akong ka-close talaga. Don't get me wrong, close as in friends lang, but I didn't say I don't like him. Kidding. Well, I like him, but I never would risk friendship for that little infatuation.

So yes, we're gonna have dinner tonight. First time na magdidinner kami na kaming dalawa lang. Madalas kasi kasama mga pinsan ko eh.

Simple lang naman sinuot ko. Yellow na strapless, summer dress na may floral print.

Umupo ako sa bench sa may labas ng rooms habang binabasa ang Pandemonium (Delirium's second book). Medyo thrilled ako sa nangyayari. May bagong love interest si Lena. Paano nalang si Alex? He can't be dead, you know!

"Alex will come back at the last part."

Napalingon ako. Who else gives spoilers? None other than the not-so-famous Andrew del Rosario.

I smiled at him, "Yay! That means I don't have to be stressed out thinking about the Alex-Lena love team!"

"Seriously? Since when did you love spoilers?" tanong nya habang naka-smirk.

"Just now, Mr. Spoiler," sagot ko naman.

"So I shall give you more of that now, Ms. Delirium." At tumawa nalang kami.

I thought na sa restaurant dito kami mag-didinner, but I was very wrong. Nandito kami sa... wait saan ba ito? Ewan ko kung saan ito. Basta mayroong bench sa gilid. Tapos may duyan naman dun sa kabilang gilid. Tapos mayroong maliit na lamesa na mayroong picnic basket.

"Bakit dito?" tanong ko. Curious lang naman ako.

"Mas kumportable kaya dito," sagot niya, "Tsaka nakakasawa na dun."

Umupo ako dun sa duyan, habang siya ay dumeretso dun sa may lamesa. Binuksan niya 'yung basket at kumuha ng dalawang food box. Inabot nya sa'kin ang isa at umupo sa tabi ko kaya medyo na out of balance yung duyan.

"OMG. Ala, malalaglag ata ako. Hahaha. Wait," sabi ko sabay ayos ng upo.

"Malikot ka kasi!" sagot niya.

"Ako pa ngayon?" sabi ko, "Kung ako nahulog."

"Sasambutin naman kita, kung saka-sakali."

Tumingin ako sa kanya sandali, hanggang sa naramdaman ko na nag-hiheat up ang mukha ko. Am I blushing? OMG. No. Ewan ko, pero I think I saw him smile? Imagination lang siguro. 

Binuksan ko nalang 'yung food box at nagsimulang kainin 'yung spaghetti at garlic bread.

Sobrang tahimik. Ang awkward naman kasi nung reply niya. 

Pagkatapos kong kumain ay pinatong ko ang aking pinagkainan sa lamesa, umupo ulit sa tabi niya at nagsimulang ituloy ang Pandemonium.

"Babasahin mo pa rin kahit alam mo na ang ending?" tanong niya.

Kahit medyo weird 'yung tanong niya ay tumango ako.

Nginitian niya ako na sinuklian ko ng isa ring malawak na ngiti.

Hindi kami nag-iimikan hanggang sa naalala ko na mayroon nga pala siyang mahalagang sasabihin sa akin ngayon.

"Uy, ano nga pala 'yung mahalaga mong sasabihin?" tanong ko.

"Ah, ano kasi..." sagot niya.

"Hmm?" senyas ko na tumuloy lang sya.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito sa beach-resort na 'to nang mag-isa?"

Ano daw? Di ko alam ang isasagot kaya umiling nalang ako. Bakit nga ba?

"Ayaw sa'kin ng pamilya ko. Pinaalis nila ako. Hindi nila ako gusto. Alam na kasi nila ang katapusan kaya ayaw na nilang alamin pa ang mga kabanata sa gitna."

Hindi ko siya naintindihan kaya nanahimik nalang ako at naghintay ng susnod.

"Ayaw nilang lahat sa'kin. Wala akong mapuntahang iba kaya dito ako napunta sa lugar na ito. Ewan ko kung gaano ako katagal mamamalagi dito. Siguro hanggang matapos na din lahat ng ito. Pero bago matapos ang kung ano mang meron ako ngayon, may gusto akong sabihin sa'yo. Gusto kita, Allie. Gusto kita sa paraang gusto kita. Gustong-gusto kita."

Napatigil ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya na gusto niya ako? Gusto rin niya ako?

"Andrew? G-gusto rin kita," mahinang sagot ko.

Ngumiti siya ng bahagya hanggang sa may napansin akong luha na tumulo mula sa mata niya.

"May brain tumor ako, Allie."

At pati ata paghinga ko at pagtibok ng puso ko ay tumigil sa sunod niyang sinabi. Nakita ko nalang ang sarili ko na mas lumuluha pa kaysa sa kanya.

"Pwede na akong mamatay kahit anong oras at araw, Allie. Pwede na akong mamatay ngayon," sabi niya.

"Hindi. Hindi pwede. Joke na naman 'to 'di ba, Andrew?" desperada kong tanong.

"Hindi ito joke, Allie. May taning na ang buhay ko."

Hindi ko alam ang isasagot kaya tiningnan ko nalang siya.

"Gusto mo pa rin ba ako? Ngayong alam mo na kung paano magtatapos 'to, gugustuhin mo pa rin bang alamin kung anong maaaring mangyari sa ibang kabanata? Sasamahan mo ba ako?"

***

A/N: Yaaah! Sorry if this is a bit late. Well, it's still Tuesday, right? I'll be posting the fourth entry maybe tomorrow or Thursday. And also, I have decided that after this story, I shall remove "Writing A Love Story" on hiatus and start updating it again. Yehey. So keep supporting for this and my toher stories! Vote, Comment, Recommend, and Be A Fan.

P.S. Wish my bestfriend, Carissa, a happy birthday!

I A M M I S S R E D. 

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon