Entry #4

607 32 6
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Recap: Inaya ni Andrew si Allie na magdinner sa labas sapagkat mayroon daw siyang mahalagang sasabihin dito. Dinala niya ang dalaga sa isang lugar sa resort. Doon ay nagkaroon sila ng simpleng picnic hanggang sa tinanong ni Allie kay Andrew ang sasabihin nito. Sinabi ng binata na mayroon siyang brain tumor. Iniwan niya ang dalaga ng isang tanong - tanong na nananatiling walang sagot.

***

Entry #3

Hindi ko alam ang dapat sabihin, hindi ko alam ang tamang isasagot kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"A--Allie?" bulong niya.

"Sssh. Mula ngayon, kasama mo na si Amber Lynn Santiago sa pag-alam ng mga nilalaman ng iba pang kabanata."

At naramdaman kong ang pagyakap niya rin sa akin.

**

"Ice cream?" tanong ko.

"Masama 'yan. Ang taba-taba mo na po," sagot niya.

"Cute naman!"

Nandito kami ni Andrew sa bahay ko. 'Yung two weeks ko sa resort? Oh, 'wag niyo na isipin 'yun. Nag-check out na kami kahapon. Lumayas na ako. I mean, kami. Sumama naman 'yung mga pinsan ko eh. Saka... gusto kong samahan si Andrew hanggang sa... huli.

"Musta naman condo?" tanong ko ulit.

"Ayos naman. Mabait ako eh," sabi niya.

D'un muna namin siya pinatuloy sa condo na ginagamit namin ni Rianne pag may pasok. Eh summer naman, so walang gumagamit n'un. Payag naman si Rianne. Actually, ayos lang naman sa kanila eh, lalo na nung nalaman nila 'yung kondisyon niya.

Welcome rin siya dito sa bahay. Magaan ang loob sa kanya ni Mama, pati ni Kuya, so wala namang masyadong alalahanin. Pero alam nyo 'yung mas matinding problema? 'Yung gusto ko na kahit saan ako magpunta kasama ko siya. Obsessed na nga siguro ako pero ayokong tanggalin siya sa paningin ko. Minsan kasi pakiramdam ko, pagpumikit ako, pagdilat ko baka wala na siya.

"Uy, Andrew, tara sa park," pag-aaya ko.

"Grabe 'to. 'Di uso sa'yo na magplano muna 'di ba?" sarcastic niyang tanong.

"'Di ako kagaya mo na gusto may ending na agad eh."

At mukha mali ata nasabi ko dahil bigla nalang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Nilapitan ko siya at hinawakan 'yung wrist niya.

"Uy ano ba! Kaya nga nauso ang plot twists 'di ba? O kaya naman kaya nga gumagawa ng second book. Kasi pwede pang mabago ang ending. Wag ka nang simangot diyan."

Tumayo siya at nagpilit ng ngiti, "Tara nalang sa park."

Sumunod lang ako sa kanya. Walking distance lang naman 'yung park. Hindi ko nga alam na alam pala niya kung saan 'yun eh. Gusto ko kasing ma-experience niya 'yung mga maliliit na bagay na alam kong makakapagpasaya sa kanya. Kasi sa ngayon, 'yung ngiti lang niya ang nagbibigay ng peace of mind sa'kin.

Pagdating namin sa park ay lumingon siya sa'kin, "Anong gagawin natin dito?"

Tiningnan ko siya, at ngumiti, "Tara magpalipad ng saranggola!"

Ewan ko pero ngayon ko lang ulit naramdaman na ganito ako kalaya... kasaya. Tiningnan ko siya habang tumatakbong parang bata. If we could only stay like this. If he could only stay like this. 

Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Nakatingin lang sya paglubog ng araw. Habang ako ay nakatingin sa ngiti nya. Tahimik lang kami pareho hanggang sa kumanta siya. 

"Girl, can I tell you a wonderful thing? I can't help but notice you're staring at me. I know I shouldn't say this, but I really believe, I can tell by your eyes that you're in love with me."

Tapos tiningnan niya ako at nag-smirk.

"Anong kanta 'yan? Baliw ka," sabi ko habang nakangiti pa rin.

"Terrible Things," sagot niya. Uh... bakit gan'on 'yung title, "Parang kinukwento nung tatay sa anak nya 'yung love story nila nung nanay sa kantang 'to."

Ngumiti ako. Balang araw, kakantahan din niya 'yung mga anak namin.

"Tuloy mo," sabi ko.

Nag-fade ang ngiti niya.

"Sigurado ka?" nag-aalinlangan niyang itanong na parang ayaw na ituloy ang kanta, pero tumango ako.

"Now most of the time we'd had too much to drink. And we'd laugh at the stars, and we'd share everything. Too young to notice, and too dumb to care. Love was a story, that couldn't compare."

Ngumiti ako. Pero habang kumakanta siya, parang ayaw na niyang tumuloy pa. Pero ginawa pa rin niya.

"I said, 'Girl can I tell you a wonderful thing? I made you a present with paper and strings. Open witch care now, I'm asking you please. You know that I love you, will you marry me?"

Hindi ko alam ang ibig sabihin ng bagabag sa mga mata niya, pero sana umabot kami sa panahong gan'on... 'yung ikakasal.

Unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya.

"Itutuloy ko ba?" tanong niya.

Tapos mumulat siya at tiningnan ako. Hindi man sigurado ay tumango pa rin ako.

Huminga siya ng malalim saka tinuloy ang pagkanta.

"Girl, can I tell you a terrible thing?" tumigil siya saglit, at tumingin sa'kin na para bang ako 'yung tinatanong niya.

Can I tell you a terrible thing. Isang masakit na bagay.

Nagpilit siya ng ngiti at tumuloy sa pagkanta.

"It seems that I'm sick and I've only got weeks."

Tumulo ang luha ko. Ito na naman siya. Ito ba 'yung kahahantungan ng kantang 'yun? Ito ba?

Niyakap ko siya at narinig kong pabulong niyang kinanta ang mga susunod na linya.

"Please don't be sad, now I really believe, you were the greatest thing that ever happened to me." 

***

A/N: I've been recently addicted to Mayday Parade that's why I came up with this chapter with that very sad, beautiful and tragic song. The song is on the right side. You might want to listen.

Next entry will be a happy one! I promise! Thank you for reading this. Keep on supporting. Vote, Comment, Recommend and Be A Fan. Love you, guys!

I A M M I S S R E D

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon