Entry #2

758 36 4
                                    

Summer's Sunset by iammissred.

***

Recap: Napilit si Allie ng mga pinsan niya na sumama sa kanila sa isang resort dahil sa sinuhulan siya ng mga ito ng libro. Habang nasa kwarto si Allie at binabasa ang libro ay mayroon isang lalaki na sumilip sa kanyang bintana at sinabi sa kanya ang mangyayari sa librong kanyang binabasa. Nainis si Allie kaya tinigil niya ang pagbabasa at lumabas ng kwarto. Sa paglabas niya ay nakita niyang muli ang lalaki na nagpakilala bilang si Andrew. Nagkausap sila saglit tungkol sa libro kung saan sinabi ng binata na mahalaga pa rin na mabasa ni Allie ang nasa gitna ng libro kahit na alam na naito ang magiging katapusan.

***

Entry #2

"Allie? Anong nangyari sa'yo? Have you been crying? Natulog ka man lang ba?" tanong ni Rianne pag kakita sa'kin bago kami mag-almusal.

"Ayos lang ako."

 "Eh anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong pa niya.

"Napuyat," simple kong sagot.

"May iniisip kang lalaki 'noh? Sa wakas, may boyfriend ka na?" pang-aasar pa ni Denisse.

"Ewan ko sa inyo."

At sabay-sabay nalang nila akong tinawanan. Ang tindi din ng sira ng mga ito eh.

Siguro nag-wowonder kayo kung anong nangyari. Well, binasa ko ang Delirium kagabi. Pinagpuyatan ko 'yun eh. Grabe 'yung pinagdaanan ni Alex at Lena. Sana magkita ulit sila. Sana sila pa rin hanggang sa third book.

"Good morning, Ms. Delirium!"

Napatingin ako sa gilid ko, at nakita si Andrew. Hanggang dito ba naman sa restaurant ng resort eh makikita ko ang mokong na ito?

"Hey," bati ko.

Tiningnan ako ng mga pinsan ko na parang tinatanong kung sino si Andrew.

"Andrew, mga pinsan ko nga pala," sabi ko. "Sina Clei, Rianne at Denisse."

"Hello Andrew, " bati ni Clei. Tapos ngumiti lang 'yung dalawa.

"Hi po," sabi niya, "Uy Allie, swimming tayo mamaya."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba sya?!

"Sure. Punta ka sa room ko maya-maya. Magbibihis pa rin ako eh," sabi ko.

"Sige. See you later, Ms. Delirium," tapos nag-wave siya.

I, therefore, conclude that I made a cute friend.

Pag-alis niya agad akong inintriga ng mga dakila kong pinsan.

"Sino 'yun?" tanong ni Clei.

"Andrew. Pinakilala ko na siya 'di ba?" sagot ko naman.

"Ano mo siya?" tanong naman ni Rianne.

"Kaibigan," deretso kong sagot.

"At kailan ka pa nagkakaibigan ng ganon ka-hot?!" banat naman ni Denisse.

"Hot? Oo, cute siya pero hindi hot," sabi ko naman.

"HOT KAYA!" sabay-sabay nilang sinabi.

"Okay fine! Pero h'wag niyo na akong interview-hin. We met yesterday dahil sa Delirium tapos nakausap ko sya ng medyo matagal nung nawala kayo," pag-eexplain ko.

"Eh? Sana pala ako nalang nagbasa nung Delirium na 'yan," sabi ni Clei.

**

"Tara dito!" pag-aaya ni Andrew sa pool.

"Ayaw ko. Ikaw nalang," sagot ko.

Nandito lang ako sa may gilid. Ayoko talaga mag-swimming eh. Ayoko mangitim.

"Ang KJ mo naman!"

Umahon siya tapos tinabihan ako.

"Anong nangyari sa mata mo?" tanong niya.

"Ah. Wala," sagot ko.

"Magkakaganyan ba 'yan kung wala?" sabi niya.

"Nagbasa ako ng Delirium kagabi," sagot ko.

Ngumiti siya. As in sobrang lawak na ngiti.

"Akala ko ayaw mo nang basahin?" tanong niya habang nakangiti pa rin.

"'Di ba p'wedeng nagbago ang isip?" tanong ko.

"Dahil ba sa'kin kaya nagbago isip mo?" sabi niya nang naka-smirk.

"Ewan ko sa'yo."

Tatayo na sana ako at aalis pero hinila niya ako at kiniliti.

"Andrew!" sabi ko sa gitna ng mga tawa.

"Dahil sa'kin kaya mo binasa? Yie," pang-aasar n'ya habang nangingiliti pa.

"Tama na. OMG," sabi ko habang pinagsisisipa pa siya.

"Aminin mo na!"

"Oo na nga. Oo na!" And I gave up.

Umayos na ako ng upo, at gan'un din siya.

"Pero seryoso, salamat," sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Kasi sinabi mo na basahin ko 'yung Delirium," sagot ko, "Kasi dahil d'un nalaman ko kung paano sila nagkahiwalay. Kasi kahit papaano... happy ending pa rin naman."

At kung posible pa ay mas lalong lumawak ang ngiti niya.

At napangiti rin niya ako.

***

A/N: Yah! This is my second entry for Summer's Sunset. I don't know if I'll be able to update tomorrow, but I'll try my best to. I'll be doing something for my bestfriend's birthday on Tuesday, so I won't be home. But even if I won't be able to update the next day, I promise to do it on Tuesday.

So yeah, thank you for reading! Keep on supporting this story. Don't forget to vote and leave your comments because they mean so much to me. I love you all! Bye bye! *waves*

I A M M I S S R E D. 

Summer's SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon