Chapter 29 Revelation: Heartaches

3.9K 87 0
                                    

Chapter 29 Revelation: Heartaches


***ANALINE POV***

"NOW that everything is okay between the two of you..." kapwa kami napatitig ni Mom kay Tita Sabrina. Nakikita ko rin ang kasiyahan sa anyo niya kaso naroroon din ang pag-aalala. "Let's talk about your children Annie."


Doon na nalipat ang buong atensiyon ko. Para bang nakalimutan ko na may kasalanan pa ako kay Mom, na dapat bumawi ako pero... sa pagkakataong ito, kailangan ko munang intindihin ang mga anak ko. They need me.


"Where are they?" kinakabahang anas ko. "Kasama mo na ba sila?" Uminit na naman ang mga mata ko sa sobrang kaba. Crying lady na yata ang peg ko, kanina pa ako iyak ng iyak.


Nang umiling siya, nakaramdam ako ng labis-labis na panlulumo. Muli na namang bumagsak ang mga luha ko. Hanggang ngayon ay hindi parin na-e-expired.


Okay na sana e, nagkakasundo na kami ni Mom kaso ang mga anak ko naman. Hindi ko matanggap ang napakapait na katotohaan, na wala parin kambal ko, ang mga anak ko.


"Nasaan na ba sila? Bakit sila nawawala? Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?!" nahihirapan kong wika. Bumabalik na naman ang panghihina na kanina ko pa nararamdaman.


"They're been kidnap Annie." Sa sinabi niyang iyon, para akong pinagbagsakan ng heaven and earth.


Kidnap talaga? Ang lupit naman, sa lahat ng kukunin ang mga anak ko pa, ginawa pa nilang dalawa! Naghihirap na nga kami may pa-kidnap-kidnap pang nalalaman ang mga hunghang na iyon?! >__<


"Tita..." mahinang angal ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Ang mga kidnapers... tumawag na ba? Ano ba ang kailangan nila?" >__<


Malamang pera, iyon naman ang laging hinihingi. Kung magiging malaki man ito, wala akong pakialam. Mangungutang ako sa ama ng mga anak ko. Marami siyang pera kesa sa akin. Pauutangin naman ako nun.


"Yes."


"Ano raw ba ang gusto nila? Magkano ba?"


"They don't need our money Annie..."


"What?" naguguluhang tanong ko. Nangidnap sila hindi dahil sa pangangailangan ng pera? Kung hindi iyon, ano naman? "I don't get it, linawin mo nga Tita."


Ang gulo niyang kausap, pwede namang e-explain ng husto, hindi iyong guguluhin pa ang utak kong litong-lito na.


"Tita!" angal ko, hindi kasi niya ako sinasagot. Ang mga mata niya ay nasa kay Mom na, na tila ba nanghihingi siya ng permeso sa kung ano man.


"Daughter...." my Mom holds my hands.


BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now