Chapter 10 Seduction

4.8K 111 1
                                    

Chapter 10 Seduction


***ANALINE POV***

NASAPO ko nang hindi oras ulo ko. Parang nakakaramdam kasi ako ng hilo. Bahagya akong umatras at umupo don sa upuan.


"What's wrong Analine?"


Napatingin ako bigla kay Jheff, siya kasi ang nagsalita. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pilit akong ngumiti sa kanya.


"It's nothing... gutom lang yata ako..." >__<


"Kumain ka na don sa inyo." *Jhoey


"Yap, tapos magpahinga ka na rin. Mukha kasing ang tamlay mo na." nag-aalalang sabi ni Jhude.


Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko. May punto itong si Jhude, nananamlay ako dahil sa sobrang pagka-miss ko sa mga angel ko. Hindi ko na sila makakausap ng harapan kundi through phone na lang. Mag-wa-one week na silang wala sa akin. Ang bilis no? Sobrang bilis ng panahon, parang kahapon lang masaya kaming nagbabangayan ng bubwit ko. Tapos ngayon...


I sigh.


Ikinalulungkot ko ito lagi. Nakikipagkita na lang ako sa mga kaibigan ko para maibsan ang lungkot. Kahit paano may nakakalimutan ako ngunit kapag ako na lang mag-isa... ayon na naman. Nalulungkot na naman ako.


I sigh again.


Sa mga nagtataka nandito nga pala ako sa loob ng hospital. Binibisita ko na naman si Zyle. Kahapon lang ay nagising na siya. Ngayon? Wala na siya. Naglaho ang bruhang yun. Umeskapo yata.


Tsk! =__=


Ahemm, bago ko ulit makalimutan. Hindi ba minsan ko nang nasabi na siyam kaming magkakaibigan? I've already introduce four of them. Krezyl Zane a.k.a Zyle, the fashion designer. Dannica Diane, the model, we use to call her DANNICA para maikli. Next is Jhuveleen a.k.a Jhuvel, my childhood friend, she's a heiress slash photographer. Ika-fourth si Rowena a.k.a ROWIE, siya ang may pinaka-mysterious na katauhan. Smiling face na medyo creepy.


Yung nandito ay sina Jhoe Ann a.k.a JHOEY, she said before that she's an ordinary worker. Jhudelyn Rose a.k.a Jhude and Jhennifer Rose a.k.a Jheff... they're twins. Mas maamo nga lang si Jhude kesa kay Jheff kaso may pagkakataong sumusungit si Jhude.


=__=


Ang pinakahuli ay si Keyn Micah, kaaalis lang niya. Mukhang naguguluhan sa pagkawala ni Zyle, magpinsan kasi ang dalawa. Meaning kung mayaman si Zyle, tiyak na mayaman din ito. Bye the way, minsan KEYN o hindi kaya ay MICAH ang tinatawag namin sa kanya.


Ang gulo no? Iba't iba ang traits namin, buti na lang nagkakasundo kami kahit paaano.


"O ano...." natigil ako sa kakaisip. Napatitig ako sa kasasalita lang. It's Jheff. "Umuwi na lang tayo... Para kasing wala na tayong mapapala dito. Tiyak na nagtatago na si Zyle sa atin."

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon