Chapter 32 Intruder

3.8K 91 1
                                    

Chapter 32 Intruder


***ANALINE POV***

"BABY NATE?" napalingon ako sa umiiyak na nilalang. Nakaramdam ako ng labis-labis na lungkot at pagkadismaya matapos makita ang nagmamay-ari ng umiiyak na boses. Ang batang naririnig ko, hindi ito ang anak ko. Hindi siya si Nate.


Nang dahil sa labis-labis na pagkadismaya, hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Nagkamali lang ako. Sinalubong kasi ng mga mata ko ang napakapamilyar batang ito. Siya ang batang minsan nang umapi sa mga anak ko, ang isa sa mga anak ni Nate Joshua. Sa ngayon, niyayakap ng isang babae ang umiiyak na bata. Pinapatahan niya ito. Malamang, anak niya kasi ang umiiyak. Obligasyon niya ang bagay na iyon bilang ina.


"Timmarie..." Mahinang anas ni Nate Joshua. Kahit hindi ko siya tingnan batid ko na napapatingin siya sa dalawa, sa mag-ina niya.


I bit my lower lip.


Bakit ang unfair? Hinayaan ko naman sila a! Bakit naghihirap ako ngayon?!


"Wife..." parang talim na tumarak iyon sa puso ko.


Pwede ba na huwag silang maglandian sa mismong harap ko? Mahirap ba ang bagay na iyon?


Nang lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin, agad ko siyang tinulak ng buong lakas. Nakawala na rin ako sa kanya. Ngayon, nakikita ko na ng husto ang pagmumukha niya. Ewan ko ba kung bakit, parang may mali kasi dito. Parang may iba yata sa mukha niya, na parang hindi siya si Nate Joshua, pero parang siya naman.


"You..." aniya, binalak na naman akong lapitan.


Hindi niya ako pwedeng pigilan! Hindi ako magpapapigil sa kanya!


"Diyan ka lang Nate Joshua!" Inis kong sigaw. "Huwag kang makikialam sa away namin ng papa mo dahil nakasalalay dito ang mga anak ko!"


"Anak?" pansin ko ang pagsalubong ng mga kilay niya.


"Oo." Sinulyapan ko ang asawa niya na abala sa kakayakap sa anak nito. Muli kong sinulyapan si Nate Joshua. Binigyan ko siya ng isang mapang-uyam na ngiti bago ko siya iniwan at tinungo ang kinaroroonan ng ama niyang sakim.


Ayokong maging masama. Pero hindi ko na mapigilan. I can't stop the anger inside me. Napakawala nilang puso, pati mga anak ko ay dinamay pa. Ayos lang sa akin na ako na lang ang saktan nila basta huwag lang ang mga mata ko. Sila na lang ang meron ako tapos kukunin pa.


"Kakasuhan kita sa panggugulo mong ito Abellarde!" sigaw ng sekretarya ng matanda. Nananalim ang mga mata niya. Sa tinagal-tagal ng pagwawala ko, ngayon lang yata siya nag-ingay.


"Kakasuhan?" I smirk. Kung pagbabasihan ang mga nangyari sa akin, sa pamilya ko, sa mga anak ko. Ako ang may karapatang sabihin ang salitang iyan. "Ang lakas naman ng loob mo na sabihin ang bagay na iyan matapos ang lahat ng mga paghihirap ko! Nang pang-aapi ninyo! Ako?" I pointed myself. "Ipakukulong mo?!" *smirk*

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें