Chapter 44 Blistering Night

3.5K 75 0
                                    

Chapter 44 Blistering Night


***ANALINE POV***

PINAGMASDAN ko ang kisame, hanggang ngayon ay hindi parin kumukupas ang kulay. Nagbabasakali kasi ako na mag-change color siya kaso ayaw e.


=__=


>__>


Ewan, ayaw talagang gumana ng utak ko. Katatapos ko lang kumain, nandito na ako ngayon sa silid ko, inaabala ang sarili sa paghiga. Kailangan ko raw magpahinga, iyon ang sabi ni Nate Joshua.


Hindi naman ako maka-kontra, baka saksakan niya ako ng tranquilizer para makatulog daw ako. Ayoko namang gawin niya yon. Hindi ako makapapayag! Subukan niya lang, babatukan ko siya! Magwawala ako at hindi kakain! Tsk! =3=


*KRINGGGG!*


*KRINGGGG!*


Nalipat ang mga mata ko sa phone ko na nasa tabi ko lang. Nag-iingay na naman siya.


*KRINGGGG!*


*KRINGGGG!*


Pahinamad na sinagot ko ito na hindi man lang tinitingnan ang pangalang nakalagay sa screen. Pagod na pagod na kasi ako. You know naman hindi ba, marami ang nangyari ngayong araw na ito... Mali pala ako, walang nangyari. Hindi man lang tumawag ang mga kidnappers, hindi na nagpaparamdam.


"Hel..." natigil ako sa pagsasalita matapos kong marinig na mag-ingay ang nasa kabilang linya. Nakaramdam ako ng labis-labis na panlalamig sa katawan. May nilalang akong naririnig. Ang natatanging nilalang na gusto kong ingudngod sa semento sa sobrang sama ng loob.


Speaking of the devil! +__+


"Annie bakit gising ka pa?" maang na napatingin ako kay Nate Joshua, nasa anyo niya ang pagtataka. Samantalang ako ay natutulala pa dito. "Sino ang kinakausap mo?"


Ewan, nahihirapan akong paganahin ang utak ko. May sinasabi ang nasa kabilang linya. Isang nakakatakot at napakahalagang bagay.


"Analine!" sabi ni Nate Joshua sa maawtoridad na tinig.


(Is it clear?) anang boses na nasa kabilang linya. Bago ko pa man ito masagot nakuha na niya sa akin ang phone ko.


"Hello? Hello?! Who are you?!" may halong inis sa tono niya, na parang kulang na lang ay umusok ang ilong sa sobrang sama ng loob. "Darn!" inis niyang usal, sabay layo ng phone sa tenga. Ako naman ang hinarap niya sa pagkakataong ito. "Who called you?!"


Ayokong sabihin. Hindi ko masabi!


"Darn! Analine!"


I'm so sorry!

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now