Chapter 4 Mistaken

5.1K 116 2
                                    

Chapter 4 Mistaken


***ANALINE POV***

HINDI makapaniwalang tinitigan ko ang newspaper. Naibalita dito ang kaguluhang naganap kagabi. Nagkagulo daw sa party at ang masama pa, ang tatlo kong kaibigan ang sangkot.


Hindi lang ako sumipot tapos ito na kaagad? Whew! Intense! >__<


My friend Krezyl Zane Saavedra a.k.a ZYLE a.k.a KZ Vedra. Siya pala ang sikat na fashion designer. Ang malala pa, na-ospital siya at nasa critical na kalagayan.


Ang tangengot ko talaga, bakit hindi ko man lang naisip na magkapangalan ang dalawa? Sa hinaba-haba ng pagsasamahan naming dalawa, ito pa?! >__<


"Ma'am, here's your fashion magazine." inilagay ng secretary ko iyon sa mesa.


"Thanks." Tiningnan ko ang loob. Muntik nang lumuwa ang mga mata ko matapos kong makita ang pagmumukha ng isa ko pang kaibigan. I'm darn sure, kahit makapal ang make up nito dito... natitiyak ko na si Dannica ito!


Hindi makapaniwalang nabitawan ko ang magazine. Four years kong nakasama ang mga bruhang ito, tapos pinaglihiman pa ako?!


Napabuga ako ng marahas at hindi makapaniwalang sinulyapan ulit ang magazine.


"Zyle is a fashion designer. Dannica is a model?" This time hindi ko napigilan ang matawa. Wala naman akong dapat na ikasama ng loob. Kasi ako, minsan nang naglihim. Marami ding inilihim.


Nangingiting inilatag ko ang pwetan sa disk ko.


"Ang iba kaya... may inililihim din?" Si Jhuvel? Ganun din naman, she's a heiress. "Apat pa lang kami." ^__^


Excited ako don sa iba! ^__^


I took my phone and went outside. Bibisitahin ko muna si Zyle. I know that she'll survive. Matapang kaya yun.


Balak ko sanang buksan ang pinto kaso kusang bumukas yun. Sa sobrang gulat napaatras ako nang hindi oras. Hindi tama ang pagkaka-atras ko kasi na-out of balance ako. Naputol yata si hills. Bweno, wala akong panahon para intindihin yun. Ang katawan ko... Babagsak ito.


Uwaaah! Swimming na walang tubig ang peg ko! >__<


Ipinikit ko ang mga mata nang dahil sa takot. Ito na, itong, ito na! Kaso sa pagtataka ko, may naramdaman akong kakaiba. May kung ano akong naramdaman sa baywang ko at ang bango ng hanging tumatama sa pisngi ko.


"Clumsy..."


Naimulat ko nang hindi oras ang mga mata ko. Parang gusto kong ipikit ulit kasi... kaharap ko ang lalaki kagabi, ang lalaking kamukha ng kakilala ko.


"J-Josh?" napatitig ako ng husto sa mukha niya. Lalo na sa lips niya. Argh! There's one part of me... telling me to kiss him!

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now