18th Day

79K 1.6K 172
                                    

18th day.

I should have been happy. Ilang beses ko bang pinanalangin na sana maranasan din niya ang sakit na naramdaman ko? Tuwing nakikita ko si Sky na nangangapa, halos isumpa ko ang ama niya. Sa mga panahong walang wala ako at pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pampadala para sa gatas niya sinusumpa ko si Cloud na sana hindi siya kailan man maging masaya, na sana maranasan niya ang pagkamiserable na naranasan ko. Inaamin ko, isa sa mga rason kung bakit hindi na ako ulit nagpakita sa kanya after nung huling tawag ko ay dahil sa pride. Kung tutuusin pwede kong kainin ang pride ko at sabihin sa kanya na nagkaanak kami para hindi na ako mahirapan. Para hindi maranasan ni Sky ang paghihirap na naranasan niya. Pero hindi ko ginawa yun. I hang on to my pride na sa tingin ko ay yun na lang ang natira sa akin. Pinilit kong kinaya ang lahat dahil sa kaibuturan ng puso ko, gusto kong ipakita kay Cloud na kakayanin ko kahit wala siya sa buhay ko, namin ng anak niya. Na mabubuhay kami ng anak niya at hindi namin siya kailangan. Pero ano? Sa huli sa kanya din naman ako tatakbo. Kahit na alam ko darating ang araw na tatakbo ako sa kanya at kakainin ko ang lahat ng pride ko. I just prolonged the agony of my suffering just to save my pride.

At ngayong nakikita ko siyang nasasaktan habang nakatingin sa anak namin. Dapat masaya ako dahil as wakas nakita ko na din ang sakit sa mga mata niya na pinapangarap ko dati. Na kahit papaano nakaganti na din ako sa lahat ng pasakit na nadanasan ko. Pero bakit ganito? Ngayong nakikita ko na siyang nasasaktan, bakit hindi ako masaya? Bakit nalulungkot pa din ako? Bakit nasasaktan din ako. And also, I am dreading his words dahil alam kong susumbatan niya ako sa pagtago ko sa kanya kay Sky.

At ngayon, ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko papasok ng room. We just looked at each other. Muntik pa akong tumakbo palayo nung maglakad siya papunta sa akin.I am so scared and so guilty.

"Can we talk?" Sabi niya sa malungkot at gumagaralgal na boses. Napalunok ako and I just nodded. Sabay kaming naglakad palabas ng hospital papuntang parking.

"Do you want to eat first?" He asked after he turned on the engine of his car.

"No. Hindi ako nagugutom. We can talk here. Ayaw ko ng lumayo kasi kakausapin ko pa si Sky." Alam ko naman na hindi kami makakapag usap ng maayos kung nasa restaurant na kami. We need a place na kami lang dalawa na kahit magsigawan kami walang makakarinig. And we cannot do that in Sky's room nor in a restaurant. Ayaw ko ring bumalik sa opisina niya o sa condo niya or kahit sa bahay ko. I want this over and done with right here, right now.

I heard him sigh. Then silence. Walang nagsasalita. Hinihintay kong sigawan niya ako dahil sa paglilihim ko tungkol sa anak namin. I prepared myself for his wrath habang nasa byahe ako kanina. Naghanda pa ako ng mga isasagot. Kung kailangang magsumbatan kami, so be it.

"I'm sorry." Napatingin ako bigla sa sinabi niya. Nagulat ako sa pagsosorry niya. Hindi ko inakalang yun ang unang salitang sasabihin niya. I expected his wrath.

"Nalaman ko lang kagabi ang tungkol kay Sky. No, that's not even an excuse sa mga ginawa ko sa'yo. I should have been mad at you for not telling me about her but then I realized, wala akong karapatang magalit." His voice broke and fresh tears fall down on his face. Naninikip na din ang dibdib ko.

"A-At naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun na lang ang pag iwas mo sa akin. Kung bakit ayaw mo nang makipagbalikan sa akin. I understand, if you could no longer forgive me kasi kahit ako, hindi ko alam kung papaano ko din patatawarin ang sarili ko. At kahit siguro itago mo si Sky sa akin habang buhay, wala pa din akong karapatang magalit. Kahit gaano kasakit para sa akin, kasi ano ba naman ngayon ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa sakit na dinanas mo." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit siguro gaano kasakit ang ginawa niya sa akin hindi ko pa din maiiwasang masaktan kapag nakikita ko siyang nasasaktan dahil hanggang ngayon siya lang ang lalakign minahal ko.

"I don't have a plan of keeping Sky from you forever. Dahil alam ko naman na darating ang panahon na malalaman mo din ang totoo. And I can't change the fact that you are her father." I said matter of factly and controlling my voice from cracking.

"And I don't deserve it right? I don't deserve to be her father, just like I don't deserve you." Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya at sinabunutan ang sarili niya tapos sumandal sa driver's seat. I wanted to comfort him because I can almost feel his pain pero I am having second thoughts. Kailangan ba niya ang comfort na galing sa akin?

"Hindi ko alam kung paano bumawi May. I don't even know where to start. Ni hindi ko alam kung papayagan mong gawin ko yun. But please...I beg you to please allow me to do so. Hayaan mo akong maging ama kay Sky." Hindi ko inaasahan na magmamakaawa siya sa akin. I expected him to be mad at me. Na sigawan niya ako at pagsasabihan ng mga masasamang salita. But for him to beg like this...hindi ko alam kung ano ang irereact ko. I wasn't prepared for this kind of conversation.

Pero pag ganito na, ano ba dapat ang sasabihin at gagawin ko? Would I still continue to uphold my pride?Para saan? Para sa ano? Alam kong nasasaktan na siya at alam ko na kung magmamatigas ako mas lalo ko siyang masasaktan at kahit papaano makakaganti ako but then again for what? Sasaya ba ako pag makikita ko siyang naghihirap? Would it give me fulfillment? Di ba napatunayan ko na kanina na nasasaktan din ako nung nakita ko siyang nasasaktan. Would I subject ourselves again to that kind of pain?

At kahit hindi ko na isipin ang sarili ko, ang isipin ko na lang ay ang anak ko. Hanggang kailan ko ipagkakait sa kanya ang karapatan niyang makilala ang ama niya? Hanggang kailan ko ipagkakait ang mabigyan siya ng magandang buhay na hindi ko sigurado kung maibibigay ko sa kanya. Hanggang kailan ko pagkakaitan ang dalawang taong importante sa buhay ko? Nagbigay na rin lang ako ng pagmamahal, bakit hindi ko pa lubos lubusin?

"Cloud, I know that I've been selfish for not telling you about Sky. At kahit baliktarin ko ang mundo hindi mababago ang katotohanan na ikaw ang ama niya and I think I owe it to her na malaman na may ama siya at maramdaman ang pagkakaroon ng isang ama. At kahit gustuhin ko pa, hindi ko maiaalis ang karapatan mo sa kanya bilang ama at hindi ko na yun ipagdadamot sa'yo." I saw relief in his face.

"Thank You May." Nagulat ako when he suddenly hugged me. I wasn't able to control my tears. Para ding gumaan ang dibdib ko. Ang hirap pala ng ganun. Yung may tinatago ka sa isang tao. Ang bigat sa dibdib. And now I felt relieved. Hindi ko na din mapigilan ang tuwa sa dibdib ko.

I hugged him back and cried more because for the first time after four years, I felt like coming home. 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon