6th Day

111K 1.6K 201
                                    

6th day

Past 12midnight na ako umalis sa bar ni Andrew. Hinintay ko munang umalis ang mga kasama ni Cloud. Yes, hindi siya nag iisa. Nung lumingon ako pagkarinig ko ng sinabi niya, nakalakad na siya kasama ng iba niyang kasama. Kung hindi ba naman bastos di ba?

Anyway, mga halos isang oras na sila nakaalis. Hindi ako agad lumabas kasi kilala ko naman si Cloud. Being the stalker that he is baka naghihintay pa siya sa labas kaya nagpalipas muna ako ng isang oras. Hindi naman siya siguro maghihintay ng isang oras sa labas ng bar di ba? Unless kung ganun siya ka pathetic at pinangangatawanan talaga niya ang pagiging stalker niya.

Naghihintay na ako sa may labas ng bar para makahanp ng taxi pero punuan lahat kasi nga naman, Friday night ngayon. Gimikan dito sa Makati. Tapos unti unting umambon. Patay ako nito mas mahihirapan akong sumakay. Tumingin tingin ako sa paligid para tingnan kung may masisilungan ako pero ilang meters pa ang layo ng waiting shed. Wala pa naman akong payong.

"Get in!" Halos mapatalon ako nung lumingon ako. YOU.MUST.BE.KIDDING.ME! What the fuck is he still doing here? Ilang seconds ko muna siyang tinitigan to make sure na hindia ko pinaglalaruan ng paningin ko.

"No thanks. I'll be hailing a taxi." Tapos pinara ang padaan na taxi pero sa kamalasan may sakay na ito. Unti unti na ding lumalakas ang kanina ambon lang. Magkakasakit ako nito eh. Bakit kasi di nagdadala ng payong May?

"I said get in Ayr!" Medyo tumaas na din ang boses niya. Galit na siya niyan? I pretended not hear him. Hah! Kung dati you can order me around, hindi na ngayon Cloud.

"Do I have to carry you para lang sumakay ka sa kotse? Nababasa ka na kaya wag mo ng pairalin ang tigas ng ulo mo!" Tumaas na talaga ang boses niya at alam kong galit na siya. Nung hindi ko padin siya pinansin, lumabas na siya ng kotse siya at nagmamadaling pumunta sa akin. Pero bago siya makalapit, nagmamadali akong binuksan ang passenger seat ng kotse niya at agad na sumakay.

Potek! I know that he is serious. Talagang bubuhatin niya ako para lang mangyari ang kagustuhan niya at ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong gumawa ng eksena sa gitna ng daan. Tapos na ako sa stage na yun. No more hysterics in public place. At isa pa, kung maaari lang ayaw kong madikit sa kanya.

Sumakay na din siya sa kotse nung nakasakay na ako.

"Tigas ng ulo mo! Seatbelt." Sabi ulit niya na sinunod ko naman. Baka pag nagmatigas pa ako, siya pa ang magsusuot ng seatbelt sa akin. No way!

"Saan ka?" he asked nung nagbabyahe na kami.

"Sa Cubao lang po Kuya." I said ng hindi tumitingin sa kanya. Sa harap lang ako nakatingin. Halos hindi na nga ako humihinga. The atmosphere inside the car is so charged na nahihirapan akong huminga.

"Are you insulting me?" Tiningnan niya ako saglit tapos bumalik ulit ang tingin sa kalsada.

"I'm not. I'm just answering your question." Walang kaamor amor na sabi ko. Nakatingin pa in ako sa kalsada.

"I'm not a damn taxi driver Ayr!" Ohhhh please stop calling me by that name. Don't remind me of the times when you used to call me that.

"Talaga? You're not? Eh ano ka lang? Stalker?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Iwas ako ng iwas sa kanya siya naman sunod ng sunod sa akin. Aba wala kaming patutunguhan kung ganun. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakaconcentrate lang siya sa pagdadrive.

"Pinatawag kita sa opisina di ba? Bakit hindi ka pumunta." Ayan na May. He is going to fire you. Right here. Right now.

"You called me after office hours. And the labor code says..." Nakita kong naningkit ang singkit niyang mga mata.

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon