7th day

99.3K 1.6K 134
                                    

7th Day

"Miss May, punta ka daw muna dito sa taas." Napakunot ang noo ko nung tinawagan ako ng secretary ni Cloud. Company outing kasi ngayon and lahat ng empleyado nasa labas at hinihintay na lang na umalis ang sasakyan papuntang resort. Ano na naman ang kailangan ng ungas na yun? Ano na naman ang trip niya? Bwisit talaga. Napasimangot na lang ako at hindi yun nakaligtas sa mga kasamahan ko.

"Sheila, aakyat lang ako sa taas, pinapatawag ako ni Sir." Mukhang nagulat pa sila sa sinabi ko. Siyempre naman kasi lahat ng mga empleyado nagmamadaling makasakay sa bus kasi paalis na kami pero ito ako at pinatawag ng big boss.

Pagkaakyat ko sa taas, paalis na din si Sheila para siguro makauna sa upuan ng bus. Nakalimutan ko pa namang sabihin sa mga kasamahan ko na ireserve ako ng upuan. Haysss. Nakakaasar talaga. Nung makapasok na ako sa office niya, nakatayo siya sa gitna at muntik na akong mapasinghap when I saw him. He's wearing a white polo and a cream shorts. Nasanay akong nakikita ko siyang naka 3-piece suit palagi and his casual attire now almost take my breath away. Kelan ko nga siya nakitang nakasuot ng ganito? 4 years ago? And yet, my reaction is still the same. What is wrong with you May?

"Let's go." Tapos nauna na sa akin palabas. Nakatayo lang ako malapit sa pinto. Ano daw? Anong let's go? Para ano at pinapunta niya ako dito? Nung mapansin niya atang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko bumalik siya at hinatak na lang ako bigla. Nahimasmasan na lang ako nung malapit na kami sa elevator.

"Sir!" Inalis ko na din ang pagkakahawak niya sa kamay ko tapos kumunot ang noo niya.

"Bakit mo pa ako pinaakyat sa opisina mo tapos aalis ka rin pala?!" Hindi ko talaga mapigilan na pagtaasan siya ng boses. Kung ano ano na naman kasing kagaguhan ang pinaggagawa niya. Sinayang ko lang ang oras ko sa pag akyat sa opisina niya.

"Hinihintay lang talaga kita." Baliwalang sabi niya.

"Ano!?" Lalo namang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong hinihintay niya lang ako? Bwisit! Hindi ko maintindihan ang mood swings niya. Akala ko ba kilala ko na siya? Bakit ngayon nasusurpresa pa din ako sa mga pinaggagawa niya?

"Sa akin ka sasabay sa pagpunta sa resort."Casual pa ding sabi niya. What the fuck! Bakit ako sasabay sa kanya? Anong trip niya?

Bumukas na ang elevator pero tulala pa din ako kaya hinatak na lang niya ako papasok. Hindi pupwede ito. Nung last time nga na magkasama kami sa kotse niya halos hindi na ako makahinga, ngayon pa kayang mga aoat na oras ang byahe namin? Baka talagang matuluyan ako nito.

"Ang...ang mga gamit ko..." kailangan ko siyang takasan. Sigurado namang ayaw niyang sumama papuntang Department namin kung ayaw niyang matsismis di ba? At pagkadating ko doon tsaka ako tatakas.

"Napakuha ko na. Pagdating natin sa parking andun na ang mga gamit mo." Sabi pa niyang diretso lang ang tingin. Hindi ako makapaniwala. He really thinks of everything para wala na akong mailusot pa. Kung dati I found it thoughtful that he was able to look for my needs now I found it scary. And I don't understand why he is acting like this. Na para bang hindi nangyari yung apat na taon, na parang hindi kami nagbreak.

Mabuti sana kung maayos yung paghihiwalay namin kasi iisipin kong ginagawa niya ito for old time sake kasi magkakilala kami dati pero hindi lang ang nangyari sa bar ang dahilan kung bakit hindi na kami nagkabalikan. Masyadong madaming nangyari. Too many hurtful words had been said that I found it impossible to be even friends with him or kahit acquiantance man lang. Kaya hindi ko maintindihan why he is doing this as if everything didn't happen.

"Sir..sasama ako sa ibang empleyadong sasakay ng bus." Pero wala siyang reaksiyon sa sinabi ko na parang hindi niya ako narinig.

"The bus already left." Nagsalita siya sa wakas nung makababa na kami. And true enough, wala ng nagkukumpulang empleyado sa labas at wala ng bus na naghihintay. I secretly clenched my fist dahil wala na akong magagawa. Parang bigla akong napagod na makipagtalo at makipagsagutan sa kanya.

"Why are doing this Cloud?" I ask softly habang nakasandal sa upuan ng kotse niya at nakapikit. Nasa EDSA na kami at ngayon lang ako nagsalita ulit simula nung sumakay ako sa kotse niya.

"I think you already know the reason why May."

"Hindi ako manghuhula." Ayaw kong manghula. Ayaw kong mag assume. Tama na May., Whatever illusion you've had before are all illussions na wala ng pag asa pang maging totoo yun. You've learned it the hard kaya wala ng rason para paniwalaan mo pa yun.

"I want us to be together again." Napatingin ako bigla sa kanya. Beating around the bush is really not his style. Hindi pa din siya nagbago. He's always frank and straightforward. He didn't look at me. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. I looked at his profile, from his well-shaped brows, his chinky eyes, his prominent nose, and his pinkish lips. Many had envied me before because of him. Many wished me ill because eof him and during those times I fell like the luckiest girl in the world for having him. Sinabi ko pa dati sa sarili ko na hinding hindi ako magsisisi na siya ang minahal ko. But I did more than just regret.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at sumandal ulit sa upuan. A smile smile curved into my lips, until that smile turned into a grin and into a laughter, an insulting laughter. Until it become a bitter laugh.

"You are being funny Cloud." I felt his eyes at me. Hindi ko na kailangang dumilat. Alam ko kung kelan niya ako tinitingnan.

"I am not kidding May." Halos nakikita ko na ang lungkot sa mga mata niya.

"I know. That's why you're funny. You really think it's that easy huh? Na isang salita mo lang, I will come back rushing into your arms?" May panunuya na sa boses ko. Ganun lang ba kadali sa kanya ang lahat?

"I didn't expect you to do that May. Hindi maganda ang paghihiwalay natin but that was all in the past. I wish for us to start anew." My nostrils flared. Start anew?

"Start anew?" Pagak akong tumawa. A lump in my throat started to form, nagsimula na ding mag init ang mga mata ko. He really thinks that we could start anew? I blink plenty of times para lang mapigil na nagbabadya kong luha.

"You really think that we could start anew Cloud? Sa tingin mo ganun kadaling kalimutan ang lahat? Hindi na ako katulad ng dati Cloud. I am no longer a lovestruck teenager. I've learned my lesson the hard way and I don't have any plans of repeating that mistake again. If you think that it's as easy as it seems, then you are more foolish than I thought you are." Binaling ko na ang tingin ko sa bintana at hinagilap ang headseat at nagpatugtig sa ipod ko. Start anew? Sino ang sira ulong babalikan ang lahat ng sakit na naramdaman niya dati? Definitely not me. Not ever.

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon