39. Saving Little Raindy

5.9K 101 13
                                    

39. Saving Little Raindy

SYNDI

"Dito tayo Syndi," 

Hinila ako ni Rain sa isang store, medyo old na yata ang store na iyun. Hawak parin niya yung kamay ko. Hinayaan ko nalang  siya magsasawa din yun sa kakahawak sa kamay ko. Wee? Ang sabihin mo gusto mo rin yan Syndi.. che! Di kaya! 

"Tignan mo?"itinaas niya yung isang malaking paint brush sa harap ko. "Ang ganda no?" ang laki lang ng ngiti ni Rain. Natawa tuloy ako. Para kasing di pa ito nakakita ng paint brush. "Oh bakit?" hinawakan nito ang mukha na parang my dumi sa pisngi nito. Mukha tuloy siyang cute na ewan "May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala" inagaw ko nalang yung paintbrush sa kamay nito at tinignan yun "Kailan ka nagsimulang magka-interes sa pagpinta Rain?" I looked at him "Noon di man lang kita nakikitang humahawak nito?"

"Hmm.. kailan ba yun? Ang pagkakatanda ko kasi merong isang taong di mawala sa isip ko noon." ngumiti siya saken "Kaya na ipinta ko siya bigla and then I became addicted with her expressions. Pa iba-iba kasi ang mood ng taong yun."

Ewan ko ba kung bakit naisip ko bigla si Myka. Aish, huwag mo ng dibdibin ang lahat Syndi wala ka ng pakialam kung sino man ang tinutukoy ni Rain. Peru bakit parang gusto kong paniwalain ang sarili na ako yun.

"Halika na," bigla na naman akong hinila ni Rain palabas.

"D-Di ka bibili?"

"Nope, mayaman naman si Jubbie I'm sure well prepared ang isang yun. Halika, may nakita ako doon oh." itinuro niya yung isang nagtitinda ng mga keychains at teddy bears sa sidewalk sa unahan. Halos yata ng side ng daanan may mga paninda at tindahan. Ang ganda nga tignan eh, tapos ang linis pa ng paligid.

"Ah yun," may inabot si Rain na parang maliit na keychain na teddy bear "Manang magkano ba ito?"

"Naku gwapo mura lang yan 30 pesos ang isa," kumuha si Manang ng isang teddy bear na di kalakihan at ipinakita yun kay Rain "Baka gusto mong bilhan ng ganito ang girlfriend mo?" may ngiting umiling lang si Rain sa matanda "Ito lang Manang" saka ito nagbayad.

"Ano yan?"

Itinaas nito ang keychain "Tadaan! Ang little RainDy natin. Akin na ang bag mo,"

"Ha? Bakit naman?"

"Basta, akin na.." nang di ko parin inabot ang sling bag ko eh siya na mismo mo ang humablot nun "Ang kupad ah," tapos ikinabit yung keychain sa bag ko. Napatingin lang ako kay Rain sakto namang umangat yung ulo niya at nagkatinginan kami. "Ikaw ha, di mo man lang sinabing naiwala mo si Raindy." bakit pati pag pout niya cute pa rin?

"Ano ka? Hindi kaya," di ko kaya nagawang itapon yun kahit inis na inis ako sayo noon "Naiwan ko sa Japan kaya huwag ka ng magdrama diyan." nauna na akong maglakad sa kanya.

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon