Chapter 13----Ribbon Cutting

5 0 0
                                    

Chapter 13----Ribbon Cutting

LOGAN'S POV

After I sent all the necessary emails, I decided to check on Cierra na currently busy sa couch sa office ko.

What is she playing? A red ball bouncing around? Pfft. So childish of this girl.

"Hoy Cierra!"

I called from behind. Napatalon siya sa sobrang shock at natapon ang phone niya. Ang weak naman ng phone na iyon. It literally fell apart.

Nakita ko siyang mangiyak-iyak habang nakatingin sa phone niya.

"Cierra." I shook her. "Uy Cierra. Huwag ka nang magalit. I'll replace that as soon as we finish the ribbon cutting." Di pa rin siya nagsalita.

"Or if you want you can have my phone," I got my phone from my pocket at ibinigay sa kanya. "Here."

Tumingin uli siya sa akin. Her silence and her stare are driving me insane!!!

Tapos umiyak siya at hinampas ako nang hinampas.

"Walang bounce ang cellphone mo!!!" at umiyak siya nang mas malakas.

"Tigil na nga. Ano bang gusto mo sa game na iyon? Eh ang lame nun ah!"

Di ata nakatulong. Eh mas along humagulhol eh. Niyakap ko na lang. Ano pa ba magagawa ko?

Bumukas ang pinto at nakita ko ang secretary ko. Sinenyasan ko na lang na lumabas. After a few minutes ay tumigil na siya and she let herself go from the hug.

"Sorry na."

"Okay lang iyon!" ^_^

Bipolar ata ang fiancé ko.

"Logan..."

"Yeah?"

"Huwag mo na akong isama. Ang pangit ko na. Wala naman akong dalang make-up."

Make-up...make-up... I've been hearing an office rumor about make-up...think Logan, think... Got it!

"Hold on." I told her at lumabas ako ng office. Lahat sila napalingon sakin.

"Who is the person I've heard na nagtitinda ng make-up sa office?"

They all looked at each other. I saw a fat employee na pinagpawisan.

"You!" I pointed at her. "Are you selling make-up?"

Lumapit siya sa akin at lumuhod.

"Ser! Sorry na ho! Alam kong bawal but...kailangan ko po talaga ng extra income!" ang she hugged my leg.

Pinatayo ko siya.

"Are your products hypo allergenic?" tumango ito. "Are you sure they're safe?" tumango uli ito.

"Revlon ang mga products ko sir"

"Okay then. Give me the best you have. My wife needs them. I'll pay you double."

She got so excited that she ran to grab her products. She went inside the office for Cierra to choose. Pero dahil hindi marunong pumili ay ang employee pa ang nagrecommend at nagmake-up kay Cierra.

Napa 0_0 ako nang makita si Cierra.

She looked even more beautiful.

"Uy, Logan. Ano. Okay na ba?" tanong ni Cierra sakin.

Di pa rin ako makapagsalita.

"Logaaaaan!" sigaw nito.

"Ma'am nagagandahan lang ho si sir sa inyo," sabi ng employee na kinikilig.

I saw Cierra blushed. I found myself blushing too. I shook my head and paid the employee.

"Let's go," sabi ko kay Cierra and I held her hand. Di naman ako manhid not to feel the stares as we pass the office.

CIERRA'S POV

Wooooow. Ang ganda ng restaurant. Five star ata to.

"Stop drooling," narinig kong sabi ni Logan.

Eh ang ganda eh. It was so grand na para bang nasa loob ng palasyo. Nameet ko ang ilan sa cousins ni Logan. Ang gagwapo at gaganda. Nasa genes pala talaga to. Hihihi.

After a while ay may press na nagsidatingan. Agad nilang pinagkaguluhan si Logan pagkatapos ng ribbon cutting. Logan held my hand. Nang first night ko kasi sa condo niya, he made me understand bakit di akong gustong pagkaguluhan ng press. Businessman naman daw siya at di artista.

"Logan Garcia, who is she?" tanong ng isang reporter. Ako siguro iyong tinutukoy. Wala namang ibang babae sa tabi niya.

"We are here for the restaurant. It is not necessary for my private life to outshine our main purpose for today."

At hinigpitan ni Logan ang hawak sakin. Nakakalito rin pala ang mga flashes ng camera.

"Hey cous. It's fine. Just make the announcement. Para they'll stop bothering your..." singit ng cousin ni Logan.

Everyone was silent for a moment.

Tiningnan ako ni Logan at tumingin rin ako sa kanya.

At ginawa niya ang never ko inaasahan na gagawin niya...

He kissed me.

*_*

"She's my fiancé. We're getting married next week," at itinaas ni Logan ang kamay ko para makita nila ang ring ko. And he dragged me out of the restaurant.

Sa sasakyan ay di pa rin kami nagsasalita.

Talk of awkward.

"Cierra. Sorry." was all he said.

Masisisi ko ba naman siya? Eh nagustuhan ko rin naman....bwahahahahaha.

"Okay lang Logan."

"I really didn't mean to disrespect you."

I pinch his cheeks.

"Ang kulit, ah!" tumawa ako. "Okay lang sabi, eh!"

"Cierra! Masaaaaakit!" at pinisil niya ang cheeks ko nang sobrang lakas.

Teka. Ang sakit sakit na nun! Makaganti nga!

At iyon. Nagpinch kami ng cheeks ng isa't isa. Mga thirty minutes rin iyon bago kami tuluyang umuwi. Napagod kami kaya nakatulog na rin after naming manuod ng isang movie habang Kumakain ng dinner.

Friday naman bukas. Sa wakas! haha

Actually, di ko inaasahan na ganito ako kasaya sa engagement. Kahit friends lang ang turingan namin ni Logan, at least we enjoy each other's company.

Just Like CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon