Chapter 12----Lunch Date

7 1 0
                                    

Chapter 12----Lunch Date

CIERRA'S POV

"Ma'am, nandito na po tayo," gising ng driver sa akin.

Binuksan ko ang aking mga mata at namangha sa laki ng building. And by the way po, nakatulog ako. Sabi ko na kasi sa inyo... Ang layo ng office ng taong iyon! >___<

Bumaba na ako ng van at tumuloy sa elevator.

Habang nasa elevator ay narinig kong nagchichismisan ang mga employees ata ng company.

"Ang gwapo talaga ni Sir Logan. Alam mo ba, paghatid ko kanina ng files, ay nagsmile at nagthank you siya sa akin!" sabi ng isa na halata namang kinikilig at hinampas ang katabi niya.

"Huwag ka ngang masyadong matuwa diyan! Eh lately naman, ganyan si sir sa lahat. Ewan ko ba. Nabuhusan ng malamig na tubig!" sabi ng isang bitter at sumimangot iyong kinilig.

Pagbukas ng elevator ay nakita ko na si Logan sa di kalayuan.

Kinilig uli iyong isa.

"Oh, honey. You're here," bati nito.

Lumingon sakin ang dalawang babae at napa O_O

Ako naman ay (-_- ) (^_^)

Lumapit si Logan at hinalikan ako sa pisngi.

"Honey pala," bulong ko sa kanya. Tumawa naman ito.

Ang mga employees na nakarinig ay napa O_O

Ngayon lang ba nila narinig ang pagtawa nito? Haaay naku.

Inakbayan ako ni Logan papunta sa office niya. Malapit na kami nang may nakasalubong kaming babae.

Te, ang ganda niya. Super ganda. Nakakalalaki iyong kagandahan niya. Pero babae pa rin to.

Anyway, nagsmile siya sa akin at nagsmile back na man ako.

"Venus, Logan's business partner and best friend," sabi niya sabay abot ng kamay.

"Cierra. Logan's...fiancé."

Nagsmile uli siya at tiningnan ang kamay ko.

"Why aren't you wearing a ring?"

Tiningnan ko si Logan.

"She's keeping it at home." daling sagot ni Logan.

"Oo nga. Baka mawala ko pa, eh."

"I'll tell her to wear it more often. And Venus, if you don't mind, my fiancé and I would like to take our lunch now."

Nagsmile na naman si ganda... Ay, Venus pala at umalis na. Pumasok na rin kami ni Logan sa office.

May table for two na dun at may nakahanda ng pagkain.

"Nagtake out ka na naman. Pero thank you," sabi ko nang makaupo na kami.

"No big deal, Cierra," he smiled. "And huwag kang malungkot. Di ko naman nakalimutan ang ring mo eh."

Kinuha niya ang baby blue na box sa gilid ng table.

"I know this is just for the sake of businesses. But Cierra, will you..." tumayo siya at lumuhod sa harap ko.

Nakuuuuuu. Kinikilig na ako. Ano ba naman etooooo. Kalurkyyy. Namumula na ako.

"Will you do me the honor of being my other half for as long as you can?"

Tumango na lang ako. Inilagay niya ang Tiffany ring at bumalik na sa upuan niya.

"Logan, di na man sana to kailangan."

"Cierra, kahit naman ganito lang tayo, I won't let you feel like there was no engagement"

Kahit paano naman ay nakakatouch ang ginawa ni Logan. Para bang siya ang nagpasok sakin sa engagement na to eh ako naman.

"Logan, thank you."

"Your welcome. Kain na tayo?"

Tumango ako at sinimula na naming lamunin ang pagkain. Tama. Lamon is the term. 1pm na kaya. Tagal ko kasing dumating sa office niya -___-

"Cierra, ano ba parang di ka babae kung kumain. Akin na nga iyang pork chop."

Tinuhog-tuhog pa niya ang pork chop sa plate ko. Sarap na man kasi at ang dami na kayang nakakain nitong lalaking to!

"Di ba kailangan mo pang magwork out kasi may shoot ka sa Metro magazine next month? Iyang bilbil mo ba ang ipaparada mo sa buong Pilipinas?" at tumawa ako. Sumimangot naman si Logan.

"Sama ka na lang kaya sa shoot."

"Ano ka ba? Ikaw lang iyong negosyante eh. Bahala ka sa buhay mo. Akin na tong pork chop."

"Cierra naman eh! Hati tayo!"

Tiningnan ko siya ng masama. Tinignan rin niya ako ng mas masama.

"Sige na nga."

At hinati talaga namin ang pork chop. Kawawang baboy.

"Grabe. Ang baboy mo Cierra."

"Kung baboy ako. Di ko ma-imagine kung ano ka."

Tumawa si Logan. Maya-maya ay may kumatok at pumasok na secretary ata ni Logan. Super sexy rin. Nahiya tuloy ako sa kain ko. Ang sama pala ng tingin sakin. Tsssk. Siguro may gusto rin to. Naku.

"Sir, you have a ribbon cutting ceremony at your cousin's restaurant at 4pm."

Pagkarinig ko ng restaurant eh may tumunog na bell sa utak ko. Kinakareer ko na ata ang binibintang sa akin ni Logan na baboy ako.

"Ah yeah. I almost forgot. I'll just drive there myself. I'm gonna be with my fiancé anyway." sagot ni Logan.

"She's gonna be with you?!"

Kung makapag react si secretary parang...nakuuuu! Masabat nga...

"Ano na mang problema dun?" bigla kong sabi. I saw Logan smirk.

Di na sumagot ang secretary. Nagpaalam kay Logan at bigla nang umalis.

"Tapang naman ng asawa ko." at tumawa ito ng malakas.

(-_- )

"Uy. Magsalita ka nga." pinisil niya iyong cheeks ko.

(-_- )

"Cierra naman. Huwag ka nang magselos"

O_o ang kapaaal! At ako pa talaga ang nagselos?!

"Di ako nagseselos no. Kainis lang kasi parang ayaw akong makita ng secretarya mo. Secretarya mo ba talaga iyon?!"

At tumawa uli si Logan. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Tsssssk.

"Sama ba ako?" tanong ko sa kanya na ngayon ay nakaharap na sa computer niya.

"Ayaw mo?"

"May trabaho pa kasi ako. Sa diner. Hatid mo na lang ako."

"Di ka na magtatrabaho dun."

"Ano?!"

"Cierra. Once we go public, the press will keep chasing you. And I cannot let you go to work with such a risk."

"Pero Logan..."

"Cierra, trust me on this."

Di na lang ako nagsalita. Trust. Siguro dapat ko nang simulang pagkatiwalaan si Logan. 3pm na raw kami aalis kasi malapit rin naman iyong restaurant ng cousin niya.

Naglaro na lang ako ng Bounce sa cellphone ko. Wala namang problema sakin kung naka Blackberry Torch ang future husband ko.

Aanhin ko ang Blackberry kung walang Bounce?

Lusot ko lang iyon! Haha. Di ko talaga afford ang Blackberry! ^_^

Just Like CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon