Ch. 1 - Pt. 8 - Warrant of Arrest?

294K 4.6K 395
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 8

Charice POV

  

Mamaya, medyo nag ingay na. Umalis na kasi yung mga hari -- daw. Mga haring _____ (fill in the blank). Ayan, so diretso kami sa paglinis ng kinain namin. Clean as you go eh *ngusu* 

"Patapon naman" - utos ni Bianca.

Tumingin ako sa kanya. Alam na =)

  

"Okaay, ako na po ang magtata--" *BANG* -- pintuan

Lahat tumigil. As in, parang freeze eh. Galing nga eh, parang walang kumikibo talaga! Posible pala yon? Pwede ng sumali sa Guiness! Yun nga lang, kailangan eh andyan yung mga pekeng hari para maging posible ang record. E kasi naman nu, di naman sila titigil ng ganyan kung di bumalik ang mga haring ____.

A. mukhang shunga

B. mukhang timang

C. mukhang ewan

D. all of the above

D! D! D!!! XD Anyway, may nakalimutan ata silang bilhin. Tumingin ako kay Bianca ng: Oh-bat-di-mo-pa-tinatapon look.

  

Nanlaki mata niya. Nagtaka ako kaya napatingin sa likod ko.

.

.

Yung JunSu?

  

"Charice name mo?" - tanong niya.

Napatingin lang ako. Di ko alam kung oo o hihindi ako. Ano ba yun, may nagawa ba ko? Eh masama bang maging Charice ang aking pangalan?

"O bakit?" - tanong ko gamit ang cold eyes ko.

Tumingin sya dun sa likod. Tiningnan niya yung mga iba pang hari. Lumapit sila. Lumapit yung tatlo. May narinig pa nga ako eh: "Mukhang maangas" sabi nung YoonJae?

  

"Sumama ka samin." - sabi nung JunSu.

Tapos bigla niyang hinawakan yung braso ko. Napatingin ako kay Bianca. Yung: may-ginawa-ba-ko-sa-mga-gagu? look. Tapos sinagot niya ko sa look na may-ginawa-ka-ba? Bigla nga rin yung reaksyon niya. Ano ito? Palitan lang ng tanong? Inulit nya lang eh!

  

"Anong apelyido mo?" - tanong nung Jaki.

"Mendoza?" - sagot ko(?)

Kuya, baka di ako yun di ba di ba diba? You should not do this to meee >___<

  

Hinatak nila ako. Ano ba toooooo? Bakit mag cucuting class ako? First day pa naman oh! Ayokong absent sa first class! First impression lasts!!!

Wanted ba sa kanila ang name na Charice? Sana pala ay di na lang yun ang name ko! Tutal ayoko pa namang mamatay dahil ganun ang name ko. Ayos pang mamatay ako dahil sa dark past ko. Pero eto? No waaayyyy! Baka bugbugin ako nung nambubugbog dito at yung nanununtok tapos naka-piring ako at naka-tali yung kamay ko T__T

Ay, parehas lang yung bugbog at suntok :|

Ano ba to nagiging pilosopo ako eh nasa panganib(?) na nga ako. Nasa labas na kami ng campus! At halos lahat ay sinusundan ako ng tingin.

  

"Sakay." - sabi nung -- kras ni Bianca. Yung Ji? G G G G beybeh beybeh beybeh.

Tiningnan lang sya.

"Ayaw mo?" - tanong niya.

Gumalaw agad ako baka masuntok pa ko nito. Kinuha ko ng 'pagalit' yung helmet sa kanya.

"Bakit mo kinuha helmet ko?" - Ji.

"Gusto ko eh." - sagot ko.

"Tsk, alisin mo yan." - Ji.

"Bakit?" - tanong ko :p

Tumingin sya na nakakatakot. Inalis ko yung helmet,

Tapos,

.

.

.

.

binigay ko sa kanya -- pero may plano na ako. Kekeke

  

"Bitawan mo" - Ji

Hinigpitan ko pa lalo yung hawak. Tumingin sa kanya at binitiwan yung helmet sa paa nya. Nilakasan ko yun kaya sure ako masakit. Malapit na ngang masira eh >:)

 "Oww!!! Pakshet!!!" - Ji

"Oh tol, ayos ka lang?!" - JunSu

Tapos naglapitan sila dun kay Ji. *smirks* Geh, pansinin niyo yan! Dahan dahan tayong umalis! Kekeke. Mga walang utak na mga hari nga naman oh!

Lumakad ako -- pabilis ng pabilis. Medyo malayo layo na ako sa kanya nung mapansin nila.

  

Nung nakita ko ang pagturo nung Ji --- TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Tumakbo ako ng pagka-bilis bilis. Nakita kong tumatakbo rin sila. Buti't mabilis akong tumakbo! Tapos nakakita ako ng bus. 

Nung bumukas, tumakbo ako dun papasok at ayun! Di yata nila ako nakita. Sumara na yung pintuan ng bus. Nung dumaan yung bus sa kanila na parang nag uusap-usap eh nakita ako nung Jaki. At tinuro yung bus pero dahil mabilis yung takbo ng bus, di nila ako na-abot. 

Yeeeeeeeeeeeees! >:D

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon