Thirty-second Kiss ∞

14.8K 267 9
                                    

2nd ud. Baka nalagpasan nyo yung thirty-first kiss. Paalala lang :))

Vote, comment and enjoy.

***

-Ella-

 

 

Halos mapaiyak na ko sa nakikita ko. Ilang ko beses ko na ba syang nakikitang ganyan?

*boooooogsh*

Nakakatakot si Lynd. Sobrang galit yung itsura nya. Ano na naman bang problema?

“Ate..”

Napayakap nalang ako kay Yohann. Akala ko ba tapos na at walang ng problemang darating. Pero ano na naman to?

“Hayaan nalang muna natin sya. Siguro kailangan nya yan”

Tumango nalang ako. Sobrang dami nang pinagdaanan ni Lynd. Lagi nalang nyang ginagawang sandalan ang alak kapag may problema sya kaya siguro kailangan nya yan ngayon.

Medyo kumalma na sya at hindi na sya nagbabato pero umiinom pa din sya.

Hindi pa din sya tumitigil sa pag-iyak. Gusto ko syang yakapin pero natatakot ako. Kailangan nya din sigurong mapag-isa.

Aakyat na sana kami kaso nakarinig ako ng katok.

“Yna..”

-Yna-

 

 

Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Akala ko buo na yung loob ko na kausapin sya pero ngayong nasa harap na ko ng bahay nila biglang umatras yung tapang ko.

Hayy eh nandito na ko kaya gagawin ko nalang.

Kumatok ako at si Ate Ella yung nagbukas sa akin.

“Yna..”

Hindi ko na sya pinansin at pumasok na ako agad. Mamaya ko na sila kakausapin kailangan ko muna syang makausap.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon