Twenty-fourth Kiss ∞

15.1K 300 16
                                    

3rd :)

Vote, comment and enjoy.

***

-Yna-

 

 

Nakayakap pa din ako sa kanya. Ayokong makita nya na umiiyak ako.

“O-oyy umiiyak ka ba?”

Hayyy, bakit pagdating sa akin ang lakas nyang makiramdam?

Tinanggal nya yung pagkakayakap namin pero hindi ako bumitaw. Pinunasan ko yung mga mata ko.

“Hayaan mo muna tayong ganito. Please”

Pumayag naman sya at niyakap ako pabalik.

Malaki ang pinagbago ko simula nung magkita kami. Naging tanga na naman ako ulit at kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko masyado talagang nangingibabaw ang puso ko.

Halos 30 minutes na kaming ganun at tahimik lang. Kaya nung okay na ako, ako na yung unang bumitaw at ngumiti sa kanya.

“Salamat.”

Tumango lang sya at ngumiti lang din.

Nagulat ako ng lumabas kami ng EK.

“Uyy, aalis na tayo? Hindi man lang ba tayo sasakay ng rides o kung ano pa man?”

Tumawa sya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Mukha ba akong nagjo-joke?

“Akala ko ba ayaw mo ha? Yun lang kasi yung pinunta natin saka may iba pa tayong date” sabi nya sabay kindat.

Err, kinilabutan naman ako dun sa kindat nya. Saan naman kaya nya ko balak dalhin? At ano na namang kakornihan kaya ang gagawin nya?

Hindi nalang ako nagsalita at hinintay ko nalang kung saan sya hihinto.

Matagal-tagal din yung biyahe. Pumikit lang ako pero hindi ako nakatulog. Naramdaman ko nalang na huminto kami.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon