Seventeenth Kiss ∞

16.6K 298 17
                                    

Akala ko di ako makakapag-ud pero eto na!! Salamat sa mga nagco-comment at nagvo-vote. <3

Vote, comment and enjoy.

***

-Yna-

 

 

Tapos na ang party at back to work na naman kami.

“Ma’am Venus magsisimula na po yung shoot nyo with Sir Josh”

Hindi ko na pinansin yung PA ni Frances at busy ako sa pag-aayos ng sarili ko.

Nasabi ko na ba sa inyo na model din si Josh?

Lumabas na ako at nakita ko si Lynd na sobrang sama ng mukha at nakatingin kay Josh.

Sa mga nakakalimot, sya na ang new photographer namin di ba. Nandito pa din kasi ang The Rhythm sa Batangas, pahinga muna daw.

“Ok Venus, Josh. Pwesto na!” tawag ni Yosh kaya umayos na kami.

“Hi miss!” sabi ni Josh at ngumiti ng nakakaloko.

May suot akong mask ngayon, as usual. Kalahati lang ng mukha ko ang kita at yung mata ko yung natatakpan.

Masquerade ball ang theme namin ngayon kaya medyo sweet ang mga pose. Malapit na kasing mag-valentines.

Kumapit ako sa braso ni Josh tapos sya naman ginawa yung pose nya.

Tumingin ako kay Lynd at ang asim talaga ng mukha. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang.

“He’s jealous” bulong sa akin ni Josh.

Ngumiti lang ako sa kanya at ginawa ang second pose.

Halos puro ‘layo ng konti’, ‘sobra namang lapit’ at kung ano-ano pa ang pinagsasabi ni Lynd sa amin sa buong shoot.

Ngayon lang shoot na at ito na talaga ang pinakamatindi.

“Pinagseselos mo talaga sya no?” natatawang bulong ni Josh.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon