Fifteenth Kiss ∞

16.9K 323 19
                                    

Wahahahahha happy 4k sa atin. :))

Comment lang kayo kung gusto nyo ng dedication.

Vote, comment and enjoy <3



***

Nagpalakpakan yung mga tao. Tumayo na ako at pumunta sa table na naka-assign para sa amin.

Nagsasalita na kasi yung mag-asawa sa harap.

Nandun si Frances, Yosh,  at Josh. Lumapit ako kay Josh at dun tumabi sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na sumunod sa akin si Lynd at tumabi sa right ko kasi si Josh ang nasa left ko.

“Uyy girl ang galing nyo kanina ah tapos aayaw-ayaw ka pa” asar ni Yosh. Binigyan ko lang sya ng aking death glare.

Kumain na kami. Nagke-kwentuhan lang sila pero ako tahimik lang. Marami na din ang nagpupunta sa gitna para magsayaw.

“Yna..” napalingon naman ako sa left side ko.

Ngumiti ako kay Josh at ngumiti din sya sa akin. Minsan nalang kami magkita ngayon kasi hindi na ko nakakapunta sa bar nya.

Inilahad nya yung kamay nya. Alam ko na ang gusto nyang sabihin kaya tinanggap ko na yun.

Dinala nya ako sa parte na wala gaanong sumasayaw. Slow lang yung music kaya ikinawit ko yung dalawang kamay ko sa batok nya tapos sya dun sa bewang ko.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon