Twentieth Kiss ∞

16.2K 305 11
                                    

Kapag nag-100k reads ang IHSAHMB mag-uud ako ng 5 chapters. Promise!!! *o*

Vote, comment and enjoy. <3



***

-Yna-

 

 

Natapos na kaming kumain. Gumawa ng apoy yung mga boys para may ilaw kami.

Ang sarap sa feeling ng ganito. Parang walang problema.. parang bata kami ulit at feeling ko parang hindi pa ako 21 ngayon.

“Guys!! Laro tayo!! Spin the bottle!!” -Chelle

Hahaha tingnan nyo, feel na feel talaga namin na bata pa kami. Kagaya nga ng sinasabi ko lagi.. minsan lang yan kaya pagbigyan.

“Tara!!”

Umupo kami ng pabilog at saka nilagay sa gitna yung maliit na lamesa.

Uupo sana ako sa tabi ni Josh pero nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin ni Lynd papunta sa kanya.

“Dito ka nga. Lagi ka nalang dun eh” bulong nya sa akin at hindi pa din nya binibitiwan yung kamay ko.

Nagsimula na yung laro at halos puro lokohan lang ang nangyayari. Gaya ng pinakiss si Yosh kay Zade at Chelle full support pa tapos si Keiji naman sumayaw ng cha-cha at kung ano-ano pa pero biglang nagseryoso ang lahat ng biglang tumapat sa akin.

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon