Twenty-first Kiss ∞

16.7K 304 22
                                    

Waaaaaaaaaaaahh eto na :))

Vote,comment and enjoy <3

***

[Song for this chappy ------>]

-Yna-

 

 

“Frances, pwedeng pa-cancel lahat ng shoot ko mamaya pati na din yung mga meetings ko with other clients” sabi ko kay Frances habang inaayos ko yung mga gamit ko sa table.

“Oh ano na namang balak mo? Kaka-bakasyon lang natin last week ah.”

“Nami-miss ko na sila Papa kaya bibisitahin ko muna sila”

Hinanap ko si Yosh pero busy sya dahil may kausap sa cellphone nya. Sinenyasan ko sya na mauna na ko.

Lalabas na sana ko kaso may biglang pumigil sa akin. Sino pa ba ang mahilig sumulpot kahit sa part 1 palang?

“Hatid na kita” sabi nya na parang hindi sya nag-aaya kundi nag-uutos.

Tiningnan ko lang sya ng masama.

“What---”

“No buts.. let’s go”

Hinila nya ko papunta sa sasakyan nya at sinakay.

Ano pa bang magagawa ko? Lagi naman akong talo sa kanya.

Umupo na ako ng ayos pero nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sa akin.. papalapit ng papalapit hanggang sa konti nalang ang agwat ng mukha namin.

Gusto ko syang itulak pero para akong nabato sa mga titig nya.

He smirked.

“Seatbelt.” sabi nya at kinabit iyon.

Akala ko pa naman kung ano yung gagawin nya.. assuming much Yna?

IHSAHMB2: The Bad Girl's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon