Fifty-Nine Part 2 ❤ - Plan

4.5K 78 18
                                    

RACHELLE'SPOV

"Lalayuan mo na ako."

"Lalayuan mo na ako."

"Lalayuan mo na ako."

"A-Ano?" -Ako

Nanigas ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi niya? Lakas nanaman ng trip niya ah.

"Narinig mo ako diba? Lalayuan mo na ako." -Viniel

Kahit tumagos yung sinabi niya, I still took it as a joke. Syempre, si Viniel yan eh. Lakas trip niyan. Sows.

"Tss....wag mo nga akong pagtripan. Layuan layuan. Ano 'to? Drama show? Tss...umayos ka kasi." -Ako

Napacross arms ako.

"Hindi ako nagbibiro." -Viniel

Humarap ako sa kanya at ngumiti tapos pinisil yung pisngi niya.

"Hihi. Ikaw pa, di nagbibiro? Wushuu. Tara na nga at kakain--" -Ako

Pero tinanggal niya yung kamay ko.

"Maniwala ka man o hindi. Hindi ako nagbibiro. Sabi mo mahal mo ko diba? Edi layuan mo na ako." -Viniel

Humarap ako sa kanya na nakasalubong ang dalawang kilay.

"Viniel bakit ka ba nagkakaganyan ha? Akala mo biro ang lahat? Kung hindi man, ano bang nangyayari sayo? Layuan? Bakit? Ano bang nagawa kong masama!? Sabihin mo Viniel hindi yung pinagtatabuyan mo ako! Masakit kasi Viniel!" -Ako

Papaiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Baka sabihin iyakin naman ako. Kailangan ko munang maging matapang.

"Wala. Wala kang ginawang masama. Gusto ko lang lubayan mo na ako. Umalis ka na sa buhay ko." -Viniel

"Ano!? Ano mo ba ako Viniel ha!? Basura lang na puwede mo itapon at kung kailan mo gusto!? Girlfriend mo ako!" -Ako

"Girlfriend kita hindi asawa. Kung ang asawa nakakapagdivorce, mayjowa pa kaya." -Viniel

"So nakikipagbreak ka saakin?" -Ako

Napatulo na ang mga luha ko.

"Wala ng rason pa para ipagpatuloy tong relasyon natin. Wala 'tong hahantungan." -Viniel

Diniin pa niya lalo. Sinaksak lalo ang puso ko. Napush yung mga luha kong tumulo.

"Bakit....Viniel? Ano bang nagawa kong mali? Pls sabihin mo. Wag naman ganito oh." -Ako

"Shay.........tanggapin na lang natin ang katotohanan na hindi tayo para sa isa't isa. Mag move on nalang tayo. Hindi na.............kita mahal. Kung mahal mo pa ako, lalayuan mo ako. Kasi doon ako masaya." -Viniel

"So ang iniisip mo lang yung sarili mo!? Napakamakasarili mo!!! Paano ako!? Laruan!? Sabihin mo nga Vinirl, ano ba ako sa buhay mo Viniel!? Basura!?" -Ako

"Shay......minahal kita. I loved you but......I think for now, not anymore." -Viniel

Habang hinahawakan niya yung pisngi ko at punasan ang mga luha ko ng thumb niya.

"Bitawan mo ako." -Ako

Tinanggal ko yung kamay niya at umalis. Umalis sa mall. Umalis sa buhay niya.

VINIEL'SPOV

Pagtapos umalis ni Shay, huminga ako ng malalim. Hinahawakan ko ang puso kong nadurog pati na ang tiyan komg kumikirot sa sakit. Dahil ito sa sakit ko.

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraOù les histoires vivent. Découvrez maintenant