Twelve ❤ - It hurts

5.7K 74 8
                                    

RACHELLE'SPOV

Eto ako ngayon. Nakaka isang linggo na simula nung EK. Ayoko na iflashback yung mga nangyari. Wala na muna akong communication with Prince Generation. Sila Perrie at Colette muna nkakausap ko. Kasi pag naririnig ko pangalan ni bansot, kumukulo dugo ko.

"Hoy! Rishel! Magtrabaho ka nga dito! Tulungan mo akong magsampay ng mga ito. Tignan mo itong kapatid mo, tinutulungan ako maglaba. Ikaw, kumilos ka." -Lola

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kailangan ko na nga kumilos, nanaba na ko.

"Opo lola!" -Ako

Pumunta na ako kung saan naglalaba sila Lola.

"O iyan. Kunin mo iyan mga nakalagay riyan sa planggana at isampay mo sa labas. Madali ka!" -Lola

Lola, Maka Donya Angelica ang peg? Lumabas na ako at kumuha ng hanger at mga ipit. Nagsimula na akong magsampay ng mga damit.

"S-Shay?"

Tinignan ko kung sino yung tumawag saakin. NAGIINIT NANAMAN ULO KO. Bakit andito yan!?!?

"Anong ginagawa mo dito!?" -Ako

"Gusto ko lang magsorry." -Viniel

"Ikaw? Magsosorry? Hoy ano 'to, isang malaking lokohan nanaman!? Viniel puwede ba tigilan mo na ko! Ayoko na parang may connection tayo sa isa't isa! Umalis ka na!" -Ako

"Shay, pls, patawarin mo na ko. Di ko naman sinasadya lahat ng ginawa ko sayo. Alam mo, nakakasakit ka rin eh. Di naman ako masamang tao na inaakala mo." -Viniel

"At ako pa nakakasakit. Alam mo Viniel, mabait ako sa mga taong mabait. Pero mabangis ako sa taong walang maganda maidudulot saakin!" -Ako

"Pls shay pls! Luluhod ako dito! Mapatawad mo lang ko!" -Viniel

"Sige. Luhod!" -Ako

Lumuhod nga talaga siya. Ang uto uto talaga nito.

"Uto uto!" -Ako

"Ha? Shay pls!" -Viniel

Hinawakan niya pa yung binti ko.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!" -Ako

"Pls shay!" -Viniel

"Bitiwan mo ko sabi eh!" -Ako

Naramdaman kong parang may bumatok saakin.

"Anong bitiwan? Tinutulungan nga kita magsampay eh di mo nga maabot."

Si Lewis pala. ~_~ Daydream lang pala yon. TSSSS.

"Oh? Lewis. Makabatok lang ah. Ano ginagawa mo dito?" -Ako

"Binibisita ka. Actually, gusto kang makausap." -Lewis

"Ha? O sige, pasok ka." -Ako

"Hindi. Kahit dito na lang tayo maupo. Aalis na rin naman ako eh. May lakad pa kami ni Perrie." -Lewis

"Kayo na!?" -Ako

"Malapit na." -Lewis

PAK! Bintukan ko siya. Loko 'tong Lewis na 'to ah.

"Wag mo sasaktan bestfriend ko, mapapatay ko kayong mga prinsipe." -Ako

"Grabe naman 'to. De serioso na. Pumunta ako dito para.....pagusapan si Viniel." -Lewis

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon