Eight ♥ - Doppleganger

5.9K 93 21
                                    

VINIEL'SPOV

Niyugyog ko si Shay. Seryoso ba to?! Nahimatay sya?! Puchang gala!

"Huy Shay! Gumising ka na! Wag naman ganyan!" -Ako

Kinapa ko yung ulo niya at sabay tanggal. GRABE. ANG LAMIG PARANG BANGKAY.

"Shay! Ano ba! Gising naman oh." -Ako

Nanginginig na siya bigla. SHET! ANO GAGAWIN KO? VINIEL, GAWA PARAAN OH.

"Ma....pa...."

May ibinubulong pa siya na hindi ko mainintindihan.

"Ano shay?" -Ako

At pagtapos non, wala na kong narinig mula sa kanya. Kaya ibunuhat ko na lang siya ng bridal style. Wala na kong magagawa eh kahit kasing bigat pa ng babaeng 'to ang sampung sako ng bigas.

*

Tinignan ko yung watch ko. 6:21 pm na. Mag iisang oras na di pa nagigigising 'tong babaeng 'to. Gising na teh!!! At yung nurse, sabi kukuha lang ng gamot, at yon, di na bumalik

"Mhm....."

Parang yung boses, kakabangon lang. Nakakaturn on. Joke. Pagkita ko, si bakekang pala. ^_^ Namulat muli ang mga mata niya at ang unang niya nakita ay ako. GUWAPO KO TALAGA. Naks!!

"Oh gising ka na pala. Salamat naman. Tara uwi na tayo." -Ako

Hinila hila ko siya sa kama nya. Tinignan niya ako ng masama at saka tinanggal yung kamay ko sa braso siya.

"Hoy!!! Bitiwan mo nga ako!!! Bastos talaga. Kita mo nang masakit yung ulo ng tao, hahatakin mo ako bigla? Ayus ka ah." -Shay

INIT ULO NAMAN NI MADAM.

"Ayus ka rin. Tignan mo anong oras na. 6:25 na oh. Ayahay ka pa jan." -Ako

"Sandali diba? Chill. Parang 'kala mo hinahabol ng kabayo eh. Kasalanan mo to nahimatay ako. Pilit ng pilit." -Shay

"Buti nga yon eh. Kung di ka nahimatay, edi sana nasa gym pa tayo ngayon." -Ako

"Tss...asa ka naman. Malamang nasa bahay na ko ngayon, nanonood ng adventure time." -Shay

AHAHHAHAHA PARANG BATA TALAGA. :)

"Oh gising ka na pala. :)" -Nurse Joy

Inabot ni ni nurse yung gamot kay bakekang.

"Oh eto. Inumin mo after you eat. Masakit pa ba ulo mo?" -Nurse

Napahawak si bakekang sa ulo nya at hinimas himas ito.

"Um...di na masyado. Puwede na ba kong umuwi?" -Shay

"Oo naman. Basta wag kalimutan ang gamot." -Nurse

Nakakakilabot naman yung smile ni nurse. Parang kasindak sindak.

"O s-sige mauna na kami. Salamat po." -Ako

Inalalayan ko si bakekang na maglakad. Bumaba na kami at paalis na sana kami nang biglang nakasalubong namin si....

















NURSE JOY!?!?!?!?! O_____________O Paano siya nakababa? Mas nauna pa nga ata kami sakanya.

"Nurse Joy!?" -Ako

"Oh? Gulat naman kayo. Gising ka na pala, Rachelle. Ito, gamot mo oh." -Nurse

Sabay inabot yung gamot kay bakekang. Nagulat si bakekang. Nagtataka rin siguro siya.

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon