Seven ❤ - Punishment

6.1K 93 7
                                    

VINIEL'SPOV

"Ok kainan na!" -Sir Embile

"Viniel! Viniel! Kuhaan mo naman ako doon ng chicken tas barbeque tas hotdog tas fruit salad tas spaghetti tas ano ano--" -Nik

"Teka teka teka. Dami naman ata. Para kang naglilihi ah?" -Ako

Tumawa sya at pinalo ako ng pabiro.

"G-Grabe ka naman. Gutom na kasi ako kanina pa." -Nik

"Edi ikaw na lang." -Ako

"Sige na pls. Aayusin ko pa kasi 'tong mga regalo eh." -Nik

"Tsss. Sige na nga." -Ako

Napakamot ako sa batok ko. Pumunta na ako doon sa table at kumuha ng paper plates tas spoon and fork. Kinuha ko na dalawang chicken, spaghetti, dalawang hotdog, barbeque tas fruit salad. Hinatid ko na ito kay Nik at inabot.

"Oh ito na oh." -Ako

"Ay meron pa. Meron pa. Kuha mo ko orange juice." --Nik

Napakamot ulit ako sa batok ko. Kumuha na ko ng plastic cup at nilagyan ito ng orange juice. Bumalik na ko kay Nik at inabot ito.

"Oh." -Ako

"Thank you patootie." -Nik

"Spaghetting pababa, pababa ng pababa...."

May nagpaparty ng napakalakas sa kabilang room. Parang galing kina Lewis eh.

"Wait lang ah." -Ako

Pumunta ako sa room nila Lewis at nakita ko na kumakanta si....









HALA! SI BAKEKANG! Mavideohan nga. Kupinuha ko phone ko tas nirecord ko na siya. Oh ha. Sumasayaw sayaw pa. HAHAHAHAHAHA. SHARE NA 'TO!

 Tumingin saakin si Perrie tas nganga na siya. Alam niyang lagot ako pero wala kong pake. Tas yon! Gumiling giling na siya. Di ko na napigilan, tumawa na ko ng malakas. Tumigil si bakekang sa performance nya at tinignan ako ng masama. Di lang basta ganon. As in parang puputok na siya sa galit.

"Takbo na, Viniel!" -Rence

"Wait. May pahabol message pa ko. Galing sumayaw ah." -Ako

At pagtapos non, tumakbo na ko.

"LINTEK KANG ASUNGOT KAAAAAAAAA!!!! PATAY KA SAKIN WAG KA LANG MAGPAPAHABOL!!!!!" -Shay

Di na tuyo girl tawag ko sa kanya. Bakekang na!! HAHAHA! Ba't totoo naman ah. ;) Ayon, hinahabol niya pa rin ako. Nagtatakbuhan kami sa corridor.

"Ms. Blancaflor and Mr. Monteverde."

EEEEEKK. Napatigil kamj sa pagtakbo at nanlaki ang mga mata namin nung nakita namin si Mrs. Salvosa. Yung supervisor ng high school.

"Um....hi, Ma'am." -Shay

WOW GALANG AH.

"Detention after the party." -Mrs. Salvosa

HAAAAA? DETENTION AGAD? DI KAMI PINAEXPLAIN??

"Pero Ma'am--" -Ako

"No buts. See me in my office after the party." -Mrs. Salvosa

At yon, walk out na. 

"Ikaw kasi eh!!! Buwisit!!!" -Shay

Piningot ni Bakekang tenga ko.

"Araaaaay! Ano ba! Eh kung di mo ko hinabol, di tayo madedetention!" -Ako

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon