Fifty-Five ♥ Special night: JS PROM

4.4K 71 8
                                    

BUWISET! ALAM MO YUNG SINULAT MO NA YUNG CHAP. 55 KAGABI TAPOS IPAPABLISH NALANG, DI PALA NASAVE. ANAK NG TOKWA NAMAN! =___________=

--

RACHELLE'SPOV

OMG OMG! Prom na!!!! Andito kami ngayon sa kuwarto namin kasi magaayos na kami. Naghire pala si Tita ng hair dresser at make up artist para sakin. Bakla siya at yung pangalan, George.

"Hija, maupo ka." -George

Umupo ako doon sa computer chair at niroll niya ako sa tapat ng table na may make up kit and such.

"Unahin natin ang hair or yung make up?" -George

"Hair nalang po muna para di po agad matunaw yung make up." -Ako

"Sige." -George

"Kuya George--" -Ako

"Georgina hija Georgina." -George

"Um...Georgina, ano po ba ang feeling ng prom? Masaya po ba?" -Ako

"Ay hija kung ako ang tatanungin mo, yes, sobrang kalerkey ang saya niya. Buti nga at pupunta ka. Sino ba ang partner mo hija?" -Georgina

"Um...yung boyfriend ko po at yung bestfriend niya." -Ako

"Ohh. Alam mo nung prom namin, it's like so kadirs like so ew kase lalaking lalaki ako eh gusto ko pa naman ako yung nakagown tapos pag ako yung napiling Ms JS Prom, may tiara ako oh diba bongga eh kaso so ewwy noon naka tuxedo ako eh pinangitan ko yung sayaw pero ako pa rin yung napiling Prom King. Tapos hinila ko yung Prom Queen sa labas, sabi ko trade kami,nakin yung tiara oh diba. haha." -Georgina

Nakakatuwa naman yung kuwento niya. Sana nga, masaya ako ngayong gabi. Yung tipong wala kang problemang iisipin. Lahat ng gagawin mo, magagawa mo.

"Masaya po talaga siguro yung prom noh." -Ako

"Oo naman gurl kaya enjoy your night. iwan mo sa bahay ang stress, dalhin mo yung happy you." -Georgina

Napangiti ako. Oo nga. Dapat happy muna ako kahit ngayon lang. Sana walang sasagabal sa gabing 'to. Pagtapos naman ayusin ni Georgina yung hair ko, make up naman

"Siguro, mas babagay sayo ang dark shadows. Magpapakita ang ibang ganda mo. Simple beauty ka kase eh." -Georgina

"Thank you. Sige ikaw na bahala magpaganda saakin. Trust naman kita." -Ako

Pagtapos nya akong imake up, tinulungan niya akong magbihis ng gown ko.

"Ay hija ang bongga naman ng damit mo. Prinsesang prinsesa." -Georgina

"Nirent ko lang po yan." -Ako

"Nakow. Bet ko itey. Panalow kaney." -Ako

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. OH EM! Parang di nga talaga ako. Nakakapanibago yung itchura ko. Hinawakan ko yung mukha ko dahan dahan. Ang smooth. Pinipigilan kong umiyak. Tears of joy lang. Natutuwa kasi kahit isang beses, nagbago ako. Hindi ako yung babaeng laking probinsya at palabunganga. Ako yung babaeng, sosyal at maganda.

"Oh ready ka na ba?" -Georgina

"Opo." -Ako

"Oh tara aalalayin na kita sa baba." -Georgina

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon