Four ❤ - Emote

7K 86 2
                                    

VINIEL'SPOV

Monday nanaman. Arrrgh!! >.< Katamad kaya pumasok. Ang aga aga pa akala mo nauubusan parati ng oras.

"Merry christmas pre." -Lewis.

"Merry christmas din." -Ako

Naglick lips ako tas yung bag ko, isang shoulder lang para astig.

"Ok class. Listen." -Sir Embile.

Pinalo palo niya yung wooden stick niya sa table para makuha niy attention namin. Lahat naman kami tumingin sa kanya.

"December 18 na ngayon noh so nagmamadali ang ating principal. Sa december 20 na ang christmas party natin which means, sa thursday. Para daw makapag christmas vacation na kayo ng maaga at bumalik sa January 7." -Sir Embile

Lahat kami nagbubulong bulongan na.

"Ok settle down Juniors. 2nd week of January will be your 3rd periodical test. Yung mga transferee nung this quarter lang especially Mr. Monteverde na kakatransfer lang last week, need to strive hard for this quarter. Icoconsider ko ng passing grade mo nung 1st and 2nd quarter pero you promise me na hindi mo ibabagsak ang 3rd and 4th quarter. Understand?" -Sir Embile

"Yes sir." -Ako

Natutuwa naman ako. Pasado na ko ng 1st and 2nd quarter it means, puwede ako maging 4th year next year! Yes!

"Magkakaroon tayo ng singing and dancing presentation sa christmas party. Meron tayong opening and closing prayer. Meron din games. Prizes. Exchange gifts. Photobooth and such. Ah, oo nga pala. Kailangan na natin pagusapan kung ano dadalhin nyong food sa thursday." -Sir Embile

"Ako po sir Spaghetti."

"Sir, chicken po ko."

"Sir hotdog na may marshmallow."

"Sir, ako po softdrinks at plastic cups."

"Ako naman po paper plates pati plastic spoon and forks."

"Ako po caldereta."

"Ako po buko pandan."

Samu't sari ang mga pagkain na binabanggit ng mga kaklase ko. Lahat yon ay nilista na ni sir.

"Ms. Velasco and Mr. Monteverde, ano na?" -Sir Embile

Mukhang kami na lang ang hindi pa nakakapagsabi ng dadalhin namin.

"Ha? Sir....um..." -Ako

Napakamot ako sa ulo ko. Ano nga ba dadalhin ko? Syempre sarili ko. Dejk.

"Um....sir masyado naman po sigurong marami yung food kasi marami naman tayo so, ako na lang po magdadala nung palayok tas candies at yung bat, si Viniel na lang daw magdadala ng mga pang prizes." -Nik

"Very well then. Lahat mg nasa lists are already official. Sino naman ang mag dadance at singing number?" -Sir Embile

Oops. Wala na ko diyan. O_____O

"Si Leanne po magaling kumanta. Kakanta daw po sya." Sabi nung babae sa likod.

"Ok. Leanne Espinosa. Another?" -Sir Embile

"Um....sir ako po. Sasayaw ako. Isasama ko po yung mga girls ko." -Nik

"Ok sige, ikaw ang bahala basta I'll list you na. Jenica Velasco." -Sir Embile

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon