Chapter XVI

95.5K 1.2K 100
                                    

------

Alex POV

Napaliwanag ko na sa mga magulang ko na anak ni Dr. Ronald ang bata at napagkamalan lang akong nanay niya.

"Alex, anak hindiako pwedeng magkamali, ramdam ko na may lukso ng dugo. Apo ko si Andrew, apo ko siya." naiyak na sabi ng nanay ko.

Naiyak na rin ako, hindi ko talagang kayang nakikitang umiiyak sila at nasasaktan. Niyakap ko siya.

"Nay, sabik lang kayo sa apo. Tahan na, pag-uwi ni ate makikita mo na rin ang pamangkin ko, ang apo ninyo." Napakalabo kasing mangyaring anak ng ate ko si Andrew, dahil ang alam ko kasama niya ang pamangkin ko. Nagpost pa siya ng picture nung bagong panganak pa siya dito bago mawala ang kominakasyon namin.

"Anak, hanapin mo na ang ate mo. Pauwiin mo na siya, bago pa mahuli ang lahat."

"Nay? Anong ibig ninyo pong sabihin?" nagtataka kong tanong.

Parang alam ko na ang tinutumbok niya, ayoko mang-isipin pero alam kong dun din ang punta nun. Tinignan ko ang lalaking masayang nakikipagkwentuhan kay Andrew at Mark. Hindi maitago ang saya niya sa mga mata. Alam kong sabik sa apo ang mga magulang ko, lalo na sa apong lalaki.

"Anak, ayaw ng inumin ng tatay mo ang mga gamot niya, lalo lang daw siyang pinapahirapan," lumuluha pa rin sabi ng nanay ko.

Napahiwalay ako sa sinabi niya, nagtataka akong tumingin sa mga mata niya.

"Pero nay, kailangan niya yun. Paano hihilom ang opera sa kanya?"

"Hindi," nakayukong sabi ng nanay ko.

"Anong hindi? Anong ibig ninyong sabihin?"

"Noong mga oras na yun, ayaw ng magpaopera ng tatay mo. KIinausap niya si Doc, sinabi niyang wag sabihin sayo." nakayuko pa rin niyang sabi.

"Pero bakit?" bigla akong nanlambot.

Ibig sabihin ba nito, nagbabayad ako kay Ronald sa wala?

"Ayaw na niyang lumaki ang utang natin sa ospital, dahil alam niyang ikaw lang ang mahihirapan. Nahihiya na siya sayo. Ayaw niyang nakikitang naghihirap tayo, lalo ka na. Ang dami mo ng sinakripisyo. Patawarin mo kami."

"Pero nay, tungkulin ko yun bilang anak. Kaya nga ako nagpaalila," kaya ko nga binigay ang sarili ko. Gusto ko sanang iduktong pero ayokong mag-alala pa sila. "Para gumaling si tatay.

Gusto ko sanang magalit sa kanila pero diba inalala lang din ng tatay ko na wag akong maghirap? Pero nahihiarapan na ako, nasasaktan. Gusto ko rin magalit kay Ronald, sinamantala niya ang pagkakataon pero di ko magawa dahil isang parte ng utak ko nagsasabing ginalang niya ang desisyon ng mga magulang ko. Binayaran din naman niya ang nabinbin naming upa dito sa bahay, plus the hospital bill and medicine. Pero bakit sakit pa rin? Napaglaruan ako, napagsamantalahan. Nasasaktan ako at the same time paghanga dahil sa nirespeto niya ang mga magulang ko at hindi pinabawaan simula ng mapunta ako sa kanya.

------

KASALUKUYANG kaming nasa kubo malapit sa gate ng compound namin. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko kay Mark at kung bakit nasa poder ako ni Ronald ngayon. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Hindi ko magawang sabihin sa mga magulang ko na isa akong sex slave ng lalaking tumulong sa'min. Na ang kapalit ng tulong na natanggap namin ay pagpapagamit ko ng katawan sa iba. Ayokong mag-alala at masaktan sila," umiiyak kong pahayag kay Mark. "Ayokong masaktan sila tulad ng ginawa ng ate ko."

Niyakap niya ako at hinagod ang likod para pakalmahin.

"I know you don't deserve this Alex, pero dahil sa mahal mo sila ginagawa mo." Pag-aalo niya sa'kin. "Hindi ako nagkamali na minahal kita, na ikaw ang pinili ng puso ko."

Natigilan ako. Tama ba ang narinig ko? Sinubukan kong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya pero lalo lang humigpit ang yakap niya.

"Mark-"

"Wala akong pakialam kung nakuha na ni Ronald ang, alam ko namang hindi pa kasama dun ang puso mo. Hayaan mo lang mahalin kita, please Alex let me be the one." naramdaman kong namasa ang balikat ko.

Umiiyak siya? Mahal ako ng lalaking 'to? Pero bakit wala akong naramdamang kilig nung sinabi niya yun? Alam ko may gusto ako sa kanya, humahanga ako sa kanya sa maraming katangian. Bakit nalulungkot ako para sa kanya?

'Dahil pagmamay-ari na ni Ronald hindi lang ang katawan mo, pati na rin ang puso mo,' sagot ng isang part ng utak ko.

Napapikit na lang ako, ginatihan ko siya ng yakap. Sana ikaw na lang si Ronald, sana ikaw na lang ang una kong nakita. Sana ikaw na lang ang minahal ng puso ko. I wished i could turn back time and i will make it right.

-------

Ronald's POV

I'm already here in front of the hut where I see Mark and Alex embraced. Pababa na sana ako ng matanaw ko sila. May bumangon na galit sa dibdid ko. Hindi na ako bumaba, hintayin ko na lang umuwi si Mark.

Wala naman talaga kaming lakad ni Carmina. Natukso lang akong sabihin yun dahil sa sinabi niya.

'I see jealous in Ate Alex eyes'

Nakaramdam ako ng tuwa sa kaalaman pinagseselosan niya ang sarili kong pinsan. Isipin ko lang na unti-unti ng kumakagat si Alex sa bitag ko. Pero ano 'to? Nakikipagyakapan na naman siya sa bestfriend ko.

Hindi ako nasasaktan pero, nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa tapat ng puso ko. Ginagago na naman ako. Magkasama pa sila dito. Dinahilan pa ang mga magulang niya, yun pala may usapan sila ng gago kong kaibigan. Tangna lang, nakakagago. Hindi pwede, hindi siya pwedeng makuha ng iba sa'kin. Hangga't di ko nakukuha ang gusto ko. Gagawin ko lahat wag lang siyang makuha ng iba sa'kin. Lalo na ni Mark, hindi siya deserving para sa kaibigan ko.


------

NAGISING ako dahil sa katok sa bintana ng kotse ko. Nakatulog pala ako, Fvck. Tinignan ko wrist watch ko, it's already eight. Nakatulog ako kakahintay na umuwi si Mark, hindi ba siya umuwi? Binaba ko ng bahagya ang bintana ko.

"Boss, pausog lang po ng kotse ninyo, may lalabas lang pong sasakyan." turan ng lalaking mukhang tambay sa kanto.

Agad ko namang inatras ang kotse ko. Bahagyang natabunan ang sasakyan ko ng isang malaking truck. Pag-alis nito nakita ko na lang si Mark, hinahalikan sa noo ang anak ko pati na rin si Alex. Kita ang pagkadismaya ni Andrew sa mukha at tuwa naman kay Alex sa ginawa ni Mark. Nasuntok ko na lang ang manibela ko. Damn him, i'll kill him. He trying to steal what's mine.

Umalis na si Mark, Sakay ng kotse niya. Kumaway pa ang mag-ina ko sa kanya. Mag-ina ko? Cut that crop. Ilang minuto lang pinalipas ko at napagpasiyahan kong bumaba na pagkatapos kong iparada kung saan nakaparada kanina ang sasakyan ni Mark at nagpakita na sa kanila.

"Ro-ronald?" gulat ni Alex.

------


Haloha! Happy day sa inyo at belated happy birthday kay Killua-kun. :) Thank you, thank you sa vote, comment, add and follow ninyo, kahit di ko na po hiniling binigay ninyo na po. Isang malaking THANK YOU!

Pm me sa gustong magpadedicate jan. Thanks again.


Chapter XXI teaser:

"I said 'I miss you' but it doesn't mean it's true." walang emosyon niyang sabi. "Hindi lahat ng sinasabi ko totoo at hindi lahat ng pinapakita ko totoo."

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now