Chapter XII

100K 1.2K 49
                                    

Alex POV

------

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Naihatid na namin ang hitad na babaeng na tinawag niyang Carmina. Tahimik lang din ito at masama pa rin ang tingin habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung anong toyo meron ang halimaw na ito. Hinila ko na siya kanina bago pa magkasuntukan sila ni Mark.

Mark, naalala ko na naman tuloy ang nagyari kanina.

Pagkatapos kong kumanta, nagulat na lang ako ng humirit sila ng kiss at hindi isa pang kanta. Hindi ba nila nagustuhan ang kanta ko kaya iba ang hiniling nila? Yumuko ako dahil naramdaman ko na naman ang pamumula ng mukha ko. Hinawakan naman ni Mark ang baba ko at tinitigan niya pa ako bago bumulong.

"You're blushing; beautiful lady and I love it. Now, can you trust me?"

Tumango lang ako.

"Close your eyes. Promise you won't regret it." Bulong pa niya.

Sinunod ko naman siya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Dumilat ako pero pinikit ko lang ulit ng makasalubong nito ang nagliliyab na mata ni MD.

"Ai kabayong bakla,"napadilat ako.

Bigla-bigla na lang siyang nagpreno, buti na lang naka- seatbelt kundi nasubsob na ako. Hindi ko rin namalayang nakapikit pala ako habang hawak-hawak ang labi kong hinalikan ni Mark at sinasariwa ang nangyari kanina.

"Damn, talagang hanggang ngayon feel na feel mo pa rin ang halik ng kuMark na yun?"

Tinignan ko lang siya ng masama at bumaba. Nasa tapat na pala kami ng bahay na hindi ko namamalayan. Pabagsak kong sinaraang pinto ng kotse niya. Hinahanap ko ang susi ng bahay sa bag ko ng bigla niya akong hablutin sa braso at marahas na hinarap sa kanya.

"Ano ba?"

Dinakmal pa niya ang kabilang braso ko. Tinitigan ko siya ng masama, hindi pa rin nawawala ang nagliliyab niyang mga mata.

"Bitawan mo nga ako!Ano bang problema mo?" singhal ko sa kanya.

Nagpupumiglas ako, kaso bawat paggalaw ko humihigpit pa lalo ang hawak niya sa'kin

"Bakit ka nakikipaglandian sa kanya? At sa harapan ko pa at ng mga kaibigan ko. Ang lakas din ng loob mo. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa malanding katulad mo, parehong-pareho kayo ng-"

Bago pa siya matapos natangal ko na ang ka nang kamay ko at sinampal ko siya. Pero lalo lang nagliyap ang mata niya. Kung nakakamatay lang ang mga titig na yun baka patay na ako ngayon.

Hinila niya ako palapit sa kanya at pinulupot ang kamay niya sa waist ko. Ang isang kamay naman niya sa batok ko. Hinalikan niya ako ng mariin.Halik na may galit at nagpaparusa. Pilit niyang pinabubuka ang bibig ko pero hindi ko ng patalo sa kanya. Pilit ko siyang tinutulak. Lalo niya lang pinaglapit ang mga katawan namin. Naramdaman kong may umagos na dugo sa labi ko ng kagatin niya. Isang malakas natulak ang ginawa ko at sa wakas, nabitawan niya rin ako.

"I hate you! I hate you!" sigaw ko.

Tumawa lang siya ng peke.

"Oo, alam ko. You hate me kasi si Mark ang gusto. Ang kayang mong utuin at landiin.Ang kapal ng mukha mong gagaguhin ako ng harap-harapan. At sa kaibigan ko pa! Malan-"

Isa pang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. this time sa kabila naman.

"Damn," gigil niyang sabi.

"Hindi ko siya nilalandi! At wala kang karapatan saktan ako! Hindi porke pumayag akong maging slave mo at pwede mo na akong saktan at pagsalitaan na parang hindi ako tao. Konting respeto lang. tao lang ako, nasasaktan din."

"Bakit?Naisip mo bang irespeto ako ng pumayag kang magpahalik sa KAIBIGAN KO? Naisip mo ba yun?Nakakagago ka lang." may diin niyang sabi.

"Bakit ikaw?Naiisip mo rin bayan ng nung paghintayin mo ko ng matagal dun habang nakikipaglandian ka sa kung sinong babae? Pinaghintay mo ako at pinagmukha mo akongtanga!" sumbat ko sa kanya.

Hindi na ako nakapagpigil. Ang sama-sama ng loob ko. Pinahid ko ang luhang naglandas sa mga mata ko. Nakita kong nalambot ang ekspresyon niya pero hindi ko yun pinansin. Tumalikod ako sa kanya at pumasok na ng bahay.

Nasa may hagdan na ako ng maramdaman ko ulit ang mga kamay niya sa braso ko at pinaharap sa kanya.

"I'm sorry," mahina pero sapat na para marinig ko.

"Ha?"

Gusto kong ulitin niya dahil baka nagkakamali lang ako ng dinig.

"Darn, I said I'm sorry!" naiinis na naman niyang ulit.

Tinalikuran ko siya ulit. Okay na sana kung di lang siya nagsungit ulit. Pero dahil hawak pa rin niya ang kamay ko kaya hindi din ako makaalis. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"I'm sorry, I'm so sorry." Mahinahon na niyang bulong sa tenga ko.

Bulong na nagbigay ng kakaibang kiliti sa sistema ko. Hindi ko maintindihan sa simpleng salitang yun, biglang nawala ang galit ko sa kanya.

Damn, this man. He knows what my heart's weakness. Pumikit lang ako habang hindi pa rin niya tinatanggal ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng init.Sobrang nasasabik ako sa kanya. Sabik na hindi ko naramdaman kay Mark ng halikan niya ako.

Oo,may nararamdaman ako kay Mark, pero naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung talagang gusto ko siya o natutuwa lang ako sa kanya? Pero mas gugustuhin ko ng mahulog kay Mark kaysa kay Ronald nawalang kasiguraduhan kung sasaluhin niya ba ako.

------

Next will be a BS. Private ko po sana kaso baka ayaw ninyo. i will post it sa weekend

*Haloha! Thank you po sa mga sumusuporta sa MPD. #50 in romance category na po tayo mga ka-monster! Thank you po sa inyo ng marami. Thank you sa mga votes and comments ninyo. :) I never expect this.

Tuloy pa rin po ah.

#teamMarLex or #teamRoLex?

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now