Chapter XX

106K 1.8K 668
                                    

Sorry if hindi ako nakapag-update last sunday. I got sick and i had the virus called SORE EYES, hahah. kaya pasensya napo sa mga naghintay at thank you sa mga bumati :)



------

Alex POV

"Girl, hindi  ka ba uuwi?" tanong ni Bakla sa'kin. "Baka hinahanap kang Monster Doc na iyon."

Nagpalipas muna kami ng oras dahil ayoko pang-umuwi. Gusto ko pagdating ko tulog na ang lahat.

"Sige tutal naman 11 na.Siguro naman tulog na ang mga yun. Pasensya ka na, Bakla ah. Naistorbo pa tuloy kita," nahihiya kong sabi.

"Naku, ok lang. Ano pa't naging magkaibigan tayo? Teka, bakit ba kasi dun ka pa umuuwi? Pwede namang sa inyo na. Magpapakatanga ka talaga at kunwari di mo alam yung binabalak niya?"

"Jericho, kanina ka pa makatanga ah?!" Medyo natatawa kong sabi, "Nakakasakit ka na."

"Talagang sasaktan kita, para matauhan ka sa kakatawag sa'kin ng Jericho at dyan sa kahibangan mo. Kung kinakailangan iuntog kita, gagawin ko."

"Alam mo naman kasi kung bakit," nakapout kong sabi.

Natutuwa kasi ako sa kanya, gwapong lalaki pero kung makataas ng kilay wagas. Bakla nga naman.

"Tigilan mo yang pagpapacute mo at kakatingin mo sa'kin ng ganyan. Hindi na effective yan." Pagtataray niya ulit sa'kin. "Pwede naman kasi kitang pahiramin ng pera at hindi ko gagawin ang ginagawa sayo ng halimaw na yun."

"Kasi hindi tayo talo," dugtong ko. "Pero alam mo, mas okay nga kung sa ikaw na lang. Gwapo ka rin naman at may abs, actually crush nga kita." Pwera biro ko sa kanya. Umakto pa akong parang nagdi-day dream.

"Haiy, naku-naku. Tigilan mo kong bruha ka. Adonis ang type ko at hindi dyosang katulad ko. Eeewww ka ah." Maarte niyang sabi.

Natawa pa ako sa itsura niyang parang nandidiri.

"Pero no kidding, bakit nga ba hindi kalumapit sa'kin nung time na yun?"

"Hindi na kasi ako nakapag-isip, girl. Tapos noong inalok niya sa'kin yun talagang gipit na gipit na kami-"

"Kaya ikaw, kapit sa patalim. Kaya pati puso mo nasaksak, yan sugatan. Imbes na yung ano mo lang."

Natawa na naman ako dahil may nalalaman pa siyang panguso-nguso sa hindi niya mabanggit. Ang cute-cute niya lang sa ginagawa niyang kaartihan. Sa sobrang pagkaaliw ko sa kanya, hindi ko namalayang nakarating na kami sa labas ng mansyon ng mga Santiago. Naunang bumaba si Jericha, pagbaba koinalalayan ako nito. Lihim akong napangiti dahil kahit alam kong bakla siya hindi nawawala ang gentleness sa kanya.

Hindi tulad ng halimaw na yun!

"Payo lang hirl ah. Kapag kasi mahal mo, pwede mong ipaglaban. Pero sa kaso mong ginagamit ka na, pinagmumukha ka pang TANGA! Parang awa mo na, bakla. Iwan mo na." he emphasized the word TANGA. "Giving up it doesn't mean that you are weak, sometimes tha your strong enough to let go. So bakla, alam ko malakas ka, kaya iwan at iwas sa pagkatanga, ha?"

Nalungkot naman  ako sa sinabi niya. Oo, alam kong malakas ako, pero sa point na 'to kung si si Ronald ang mawawala parang hindi ko kaya. Ngayon palang nadudurog na ang puso ko. Martir na kung martir pero mahal ko na kasi. Kaya ko nga ba iwan ang mag-ama? Pero paano na nga kung bumalik ang ate ko at bawiin sila?

"Kahit hindi mo sabihin, Alexandra Mendoza. Alam ko may binabalak ka, pero sana sa balak mong yan alam mo kung ano kahihinatnan at sino ang maaapektuhan pagkatapos. Maraming masasaktan,"

My Pervert Doctor (Major Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant