Chapter XXVII

8.6K 213 201
                                    


- - - - -

Alex POV

Tapos nang magpacheck-up si Nana, pero iniwan niya ako dito sa covered court dahil na rin sa pakiusap ni Mark.

Hindi ko siya iniiwas, ayoko lang talaga ng magkarun ng kahit anong koneksyon at kinalaman kay Ronald.

Naguluhan ka ba?

Don't worry ako din naman.

"Alex, pasensya na kung naghintay ka nang ma---"

"Okay lang, Mark. Sana naman akong naghihintay," putol ko sa sasabihin niya.

I'm not mad at him. I think I'm just don't want the idea that I'm with him now, that's why I'm being sarcastic. And I'm just a little bit disappointed.

Aish, bakit ko ba in iisip na magpapakita siya sakin. Hindi nga yata ako naalala ng taong yun.

Masaya na siya, masaya na sila.

"Kamusta ka naman?" tanong niya, habang nakangiti. He never ever change, Mark is Mark.

"Okay lang naman, happy naman. Ikaw?" medyo awkward kong tanong.

"I'm good, laging nasa medical mission like this. Ahm, can we just walk and find some quiet place?" sabi niya sabay tingin sakin na parang nanghihingi ng permiso.

"Sure, sure. I know a place where its quiet."

Tahimik lang kami habang naglalakad papunta ng bukal, kung saan Tahimik at makakapagrelax siya sa view.

Tahimik kami na parang kapwa nakikiramdam sa isa't isa.

"Ilang buwan na ang tiyan mo?" basag niya sa katahimikan.

"Actually, I'm about to give birth this month. 3 weeks lalabas na si AJ"

"AJ?" nagtataka niyang tanong.

"Opo, AJ ang nickname ng baby ko."

Tumango tango na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating kami ng bukal na hindi nagsasalita. Tahimik ang bukal, dahil walang mga na liligo dahil may mga pasok ang bata at iba pa.

Naalala ko nung unang 5 years old ako at unang punta ko dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naalala ko nung unang 5 years old ako at unang punta ko dito. Napangiti ako nang hindi namamalayan.

"May naalala ka?" tanong niya. "Ngayon lang kita ulit nakita ng ngumiti ng ganyan."

"Naalala ko lang nung bata ako, unang beses akong dinala ng nanay dito. Iyakin pa ako nun at hindi mahiwala sa saya ng nanay ko. Hanggang ngayon naman iyakin pa rin ako," mapa it kong ngiti. "Pero at least hindi na akong laging naka dikit sa saya ng nanay ko. Sa susunod may anghel na rin na ka kapit sakin."

Pinahid ko agad ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Nagiging emosyonal ako everytime na naaalala ko ang mga magulang ko.

"Miss na miss ko na sila. Miss na miss ko na ang nanay, lalo na ang tatay." at tuluyan na nga akong humagulgul.

"Bakit ka umalis?" tanong niya habang tinatapik tapik ang likod ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Dahil ba sa bumalik na ang ate mo?"

Hindi pa rin ako umimik.

"O dahil nahihiya ka sa nangyari sayo?" tumigil siya saglit at tumingin sakin ng seryoso. "Iniwan mo sila, yung mga taong totoo ng nagmamahal sayo dahil nagkamali ka. Katulad ng ginagwa ng ate mo sa kanila."

Natigilan ako sa sinabi niya. Katulad na rin ba ako ng ate ko, pagkatapos magkamali umalis para itago at lumayo sa kahihiyan? Wala rin pala akong pinagkaiba sa ate ko. Hindi ko man lang nabigyan ng chance na sabihin sa kanila ang nagyari sakin. Natatakot akong husgahan. Hindi ng ibang tao, kundi ng sarili kong mga magulang. Ayoko ng madismaya sila, pero mas nakakadismaya ata na hindi ko sila pinagkakatiwalaan.

Lalo akong naiyak sa pinarealize niya sakin.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" tanong niya ulit. "Sumasama ako sa mga medical mission dahil nagbabakasakaling akong matagpuan kita sa mga lugar na napupuntahan ko. But it's not for my own purpose. I'm doing it for your parents. I'd never ask them where are you, or kung nakakausap ka ba nila. Hindi din nila hiniling nahanapin ka, kusa kong ginagawa to. Mahal kita at gusto kita ng makita."

Seryoso niyang sabi at humarap sakin.

"But its not about me, you need to go home."

Bumaha ng pagtataka sa utak ko.

"Hindi ako uu--"

"It's about you and your parents. They need you, your father needs you."

Kinabahan ako. Bakit ako kailangan ng tatay ko? Sa pagkakaalam ko nung huli kming nag-usap sa bahay na ulit nakatira ang ate. That was two weeks ago, at hindi ko na sila nakausap ulit.

"Mark, anong ngyari sa tatay ko?" hinawakan ko na siya sa magkabilang braso at hysterical na umiiyak.

Ayoko ng na iisip ko.

- - - - - -

After naming mag-usap ni Mark nagpasya akong sumama na sa kanya ng umuwi. Sinamahan ako ni Nana. Hindi siya pmayag na hindi makasama, baka daw mapano ako.

Tinawagan ni Mark ang doctor ko kung safe pa akong magbyahe.

Habang nasa sasakyan papunta ng Airport, sinabi sakin ni Nana na nakakausap niya ang nanay. Sinabi niya nandito ako sa Bicol at buntis ako. Pero imbes na magalit daw ay nag-alala pa sila at tinanong kung ok lang ako. At iniintindi nila ang desisyon Kong lumayo.

Araw-araw daw nila akong kinakamusta kay Nana kung ayos lang ba kami ng apo nila. Kung malusog ba ako at kumakain sa ayos.

Kaya pala sabi ni tatay...

"Nak, kung san ka masaya susupurtahan ka namin. Kapag kailangan mo ng karamay nandito lang kami, lagi namin kayong iintindihin. Kaya sana wag ninyong kalimutan na mahal na mahal kita, mahal ka namin ng nanay mo."

Kaya pala ganun na lang ang sabi niya.

I'm being selfish, I'm just listening to my own thoughts. Iniwan ko sila dahil nahihiya ako sa kanila. Iniwan ko sila dahil sa sarili kong kapakanan. Hindi ko naisip na anyan sila, handang makinig at umalalay sakin. Dahil pamilya ko sila, dahil magulang ko sila. Handa silang intindihin kung ano man ang pgkakamali ko. 💔😢

- - - - - -

Kazuko's Note

Hi mga ka Pervert.
Happy father's day sa mga tatay ninyo at sa mga tatay na nagbabasa ng mga ginawa ko.

Ang hirap gawin ng part na 'to for me.

But still thank you for the waiting, I hope you still like it.

Happy father's day tay.
I miss you.

This is dedicated to
seventillions

My Pervert Doctor (Major Editing)Where stories live. Discover now