Chapter XIV

113K 1.3K 68
                                    

(Wag po kayong magulat kung nakadi-dedicate sa inyo yung mga next chapters it does mean na you support this story from the start. Pathank you ko yan :))

-----

Alex POV

NAPADILAT ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ko, 9 na pala ng umaga. Bumangon na ako dumiretso sa banyo. Hubo't hubad pa rin pala ako. Nakatulog ako sa sobrang pagod at pag-iyak kagabi. Ilang gabi na bang ganito? 7 o 8 weeks, ang tanggal ko na palang nagtitiis.

Halos gabi-gabi ng may nangyayari sa'min simula ng gabing pagkatapos ng party ni JP. Pero lagi niyang pinamumuka sa'kin na kanya lang ako. Nakaramdam na naman ako ng hindi pamilyar na sakit sa dibdib ko. Hindi ko magawang magtanong dahil alam ko naman na ang sagot sa mga yun.

Agad na akong naligo, magpapaalam ako sa kanya. Uuwi muna ako sa bahay namin. Namimiss ko na ang mga magulang ko at kapatid. Sasamahan daw ako ni Mark ngayon. Si Mark na lagi kong kausap sa gabing pagkatapos akong parausan at iwan ni Ronald. Si Mark, na lagi kong karamay pagnalulungkot ako. Si Mark, na laging anyan para sa'kin, siya na nagpapakita ng pagmamahal sa'kin di ko magawang suklian ang pagmamahal na yun dahil may Ronald na nakapagitan sa'min.

Isipin ko pa lang yun na sasaktan na naman ako. Alam kong hindi ito sa hindi ako malayang magmahal ngayon kundi dahil unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Sana siya na lang ang una kong nakita.

------

NAKARINIG ako ng batang tumatawa sa baba. Nagtaka ako, ano bang araw ngayon? Friday pa lang diba? Bakit nandito si Andrew? Shit paano ako makakaalis nito? Ai, bahala na si batman.

"Mommy," masiglang sigaw ni Andrew pagkakita sa'kin.

"Hello, baby! Good morning. Kaninaka pa?" malambing kong tanong.

Niyakap ko siya. Yakap na parang sobrang miss ko kahit nung Sunday lang kami huling magkasama.

"Not really. Just a few minutes ago, I think."Nag-isip pa niyang sabi.

"Sinong naghatid sa baby ko? Si grandma?Asan siya?"

"No mommy, si Tita Carmina," turo niya sa babaing nakaupo sa sofa.

Ngayon ko lang napansin ang hitad na 'to. Ngumiti siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Inakay ko lang si Andrew sa kitchen para mag-almusal. Hindi na ako nag-abalang alukin siya, para ano? Baka lagyan ko pa ng lason ang kakainin niya. Nagsisimula na kaming kumain ng biglang –

"Bakit hindi mo pinapakain ang bisita natin?"

Hindi ko na kailangan lumingon para tignan kong sino may ari ng baritonong boses ng nagsalita. Pero hindi ko maiwasan lumingon, kahit malayo ako sa kanya amoy na amoy ko ang pabango niya. Nakakaakit.

Nilingon ko na siya, nasa tabi niya ang babaeng hitad. Nakabihis siya at mukhang aalis sila. Tsk, nakakasira sila ng araw. Naghanda na lang ako ng makakain nila. Tahimikl ang ako pati si Andrew, parang alam niyang may awkward sa'ming tatlo.

Tinapos ko na ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Tumayo na ako at niligpit ang kinainan ko. Kasalukuyan na silang kumakain habang naghaharutan at bulungan. Nainis ako, nasa harap ng pagkain, naglalandian kung hindi ba naman mga bastos. Sarap buhusan ng kape.Humarap ako sakanila.

"Ahhem," agaw pansin ko sa kanila.

"What?" walang emosyon niyang sabi.

Natulala ako, lagi naman siyang ganyan pero parang di ako nasasanay. Ang sakit lang kasi kanina ang ganda ng mood niya habang kausap ang hitad pero pagdating sa'kin ang lamig niya. Puta siya paggabi lang siya mainit sa'kin. At to the point na ganyan ang papakita niyang ugali sa'kin sa harap ng babae niya at ni Andrew.

My Pervert Doctor (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon