Muling Ibalik ♧ Part 12

31 1 0
                                    

"Who told you to enter to my room.?Saan si Kerra tawagin mo siya ngayon din."singhal ang salubong ni Adam sa nurse na ito.Alam niyang may ibang pakay pa ang Ina niya.Kaya magiging harsh lage siya sa babae na ito.Para agad kusang umalis na ito.
"S-Sir Adam aalis na daw po siya.Kaya ako na lang gagawa nito.Expert po ako sa pagpapaligo ng pasyente po sa ospital."pilit ni Sheryl sa amo niyang hot temper pala.
"I said called Kerra right now.!Sino ba ang amo dito ikaw or ako.?"galit na binato ng babasaging bagay ni Adam si Sheryl bigla.
"Y-yes Sir tatawagin ko na po si Kerra."tinablan ng takot si Sheryl Muntik na siyang matamaan sa figurine na iyon.
"Sir bakit ka nagbasag.?Mahal yata itong binasag mo.Ano ba ang nangyari.?"mabilis si Kerra umakyat ng makarinig siya ng malakas na kalabog at sigaw ni Adam sa kwarto na ito.
"If you want like that marami akong collection na kagaya niyan.Sheryl Linisan mo na ang mga nabasag na iyan.At wag ka ng magpresenta na magpapaligo sa akin."biglang kalma ni Adam ayaw niyang pati si Kerra matakot sa sigaw niya.Si Kerra lang din naman ang nagpapakalma sa kanya.
"Y-yes Sir."masama ang tingin ni Sheryl kay Kerra.Pero di na siya makareklamo baka mapaalis siya doon.Di pala madali ang trabaho na ito.Kaya pala malaki binayad ni Donya Lenox sa kanya.Para akitin ang anak nito kaya pala.
Nang nasa banyo na sila Adam at Kerra.Natatawa si Kerra sa galit na si Adam.
"Takot kang mahawakan ng isang lintang kagaya nong Sheryl.?Bumaba ang taste pala ng mother mo ano.Parang di naman nurse ang ayos nong Sheryl na iyon."opinion ni Kerra na sinashampoo ang buhok ni Adam ngayon.Minamassage pa niya ang Anit na ito.
"Ano ba mapapala ng babae na iyon sa akin.Baldado na ako pati sa private part ko.Tingin niya malalandi pa niya ako."narerelax si Adam sa presensya ni Kerra at parang normal na dito ang pagpapaligo sa kanya.Nawala na ang awkwardness nito sa kanya ngayon.
"Malamang pera habol niya sayo.Di ko maintindihan ang mother mo.Ayaw niya sa akin dahil sabi niya gold digger daw ako.Pero naghire pa siya ng lintang nurse.Baliktad yata pag iisip ng mother mo ano Sir Adam.?"napapailing na lamang si Kerra sa trip ng Ina ni Adam.
"I agree na baliktad ang isip ng Ina ko."natatawang ani naman ni Adam alam niyang nagbibiro lamang si Kerra.
"Kung takot ka magapang ng isang linta mag lock ka kamo ng pinto.Wag mo na lang pansinin pagiging malandi noon.Para di ka mahighblood ng husto.Teka yong maliit na figurine sabi mo pwede mo akong bigyan.?Bukas maglilipat na kami ni Rhea magandang decoration yong binasag mo."dahil sa inisip na lang ni Kerra na magkaibigan na lamang sila ni Adam ngayon.Less stress siya ngayon dahil di na niya iniisip kung anuman ang sasabihin lage ng mga inlaws sa kanya dati.
Naiinis si Sheryl dahil naririnig niya ang tawanan nila Caleb at Kerra sa loob ng banyo.Samantalang sa kanya kay rude ni Caleb Lenox.Katulong lang naman si Kerra Madrigal kung tutuusin iniisip ni Sheryl na mas lamang siya kay Kerra sa status sa buhay.Kay tagal pa ng dalawa sa loob ng banyo.Paglabas maaliwalas na ang mukha ni Caleb.Fresh na itong tingnan ulit.
"Hey di ka pa tapos sa ginagawa mo.?Anong ginagawa mo pa sa kwarto ko.?"doon ka sa baba matulog sa nilaan ko para sa kwarto ng pumapasok dito sa penthouse ko.Two storey floor kasi ang penthouse na iyon.May kwarto para sa katulong na pinagawa ni Caleb.
"P-po di naman po katulong ang trabaho ko dito.?"reklamo ni Sheryl mismo kay Caleb.
"Kung magrereklamo ka mas mabuti pang umuwi ka na lang sa inyo.Di naman ako naghire sayo diba.?"magaspang namang ani ni Adam.
"Excuse me uuwi na ako Sir Adam."ayaw makialam si Kerra sa dalawa.Baka sabihin pa nitong Sheryl na ito na pakialamera siya.Tama naman ang ginawa ni Adam.Kabago bago pa lang ito feeling kung sino na itong makaasta.Wala din siyang pakialam kung sino ang papasok sa penthouse ni Adam.At kung sino papasukin nito sa buhay nito mismo.Masaya na siya dahil di na nagtatanong pa si Adam kung paano nakunan siya sa anak nila noon.
"Hello I'm home nagtake out na ako pinsan.Para di na magluto si Aling Lagring.Sino na naman siya.?"turo pa ni Geo sa babaeng nakauniform pang pang nurse.
"Dinala siya ni Mommy dito kanina.Private nurse ko daw para matahimik pumayag na ako.May sapat naman tagalinis dito.Di ko na sana kelangan itong nurse na ito.Pero alam mo naman ang Ina ko Geo sobrang maingay at pakialamera."inis na ani ni Adam.
"Ano pang tinatayo mo dito babae.?Bumaba ka na doon sa kwartong nakalaan sayo.Di ka pa ba na briefing na bawal kang umakyat dito sa kwarto ni Adam.?"tinulungan ni Geo ang pinsan para kusang umalis na lamang ang nurse na ito.Alam nilang may ibang motibo pa ang Ina ni Adam sa paghire ng private nurse para sa anak nito.Obviously naman na gustong paalisin ni Donya Lenox si Kerra mismo.Di lang nito masabi ng prangkahan sa pinsan niya.Kaya dinadaan na lang nito sa maduming tricks na naman.
"Y-yes Sir."natarantang bumaba ng mabilisan si Sheryl di lang pala si Adam Lenox ang rude kundi itong pinsan niya na ang alam niya ito si Geo Lenox.
Natatawang nagpaalam si Kerra dahil tinatakot nina Geo at Adam ang bagong pasok na nurse.Ni minsan kasi di siya nasigawan ni Adam.Di siya makapaniwala na natatakot ang mga katulong dito.
"Di man lang ba nagseselos si Kerra pinsan.?Di ka ba nababahala doon ha Adam.?"nag alala si Geo dahil walang pagseselos sa aura ni Kerra.
"Pinsan di naman talaga selosa si Kerra.At isa pa wala naman siyang dapat ikaselos.Ako ang seloso since then maaring weird nga si Kerra.But proud pa siya noon na marami daw nagpapantasya sa akin.Minsan nga nagtampo ako dahil di talaga siya selosa.Pero nasanay na ako sa ugali niya.At di naman Immature ang asawa ko Geo."nakangiti pang kwento ni Adam sa pinsan.
"Asawa aba ambisyoso ka na ngayon.Kung sabagay it's ok kung may pangarap ka sa buhay pinsan.Anyway pinsan nanuno yata ako sa punso.And I need your advice dahil first time kong maramdaman ito as in."lately nagulo ang mundo ni Geo ng makilala niya si Rhea for the first time.Di naman niya nararanasan na mainlove.Kaya di niya matumbok kung ano nararamdaman niya ngayon para sa dalaga.
"Ano iyan babae ba ang problema mo Geo.?May bago ba doon ei sobrang playboy mo naman pinsan."kibit balikat lang na ani ni Adam dito.
"No diba nong isang araw pumunta ako sa apartment nila Kerra.?Nadatnan ko lang doon yong kaibigan niya.Tapos ayon nga sinamahan ko din siyang maghanap kunwari ng condo unit na lilipatan nila.Simula noon lage ko lang nakikita mukha niya sa kawalan.Yong mga ngiti niya nakakagaan ng pakiramdam.Ayon dahil di ako mapakali inalam ko kung saan siya nagtatrabaho.Sa isang hotel restaurant pala natin Adam.Tapos nakita ko siya na may kaharutan na isang Co workers niya.Pakiramdam ko parang sasabog puso ko pinsan sa selos.I try to focus sa work ko pero mukha lage niya naiimagine ko talaga as in."frustrated na kwento ni Geo sa pinsan.
"Congrats pinsan I think inlove ka na.Teka naalala ko na sabi ni Kai na single daw iyong kaibigan niya.Kaso daw tulad niya allergic na sa mayayaman.Kasalanan ko talaga kung bakit yon na ang pananaw nina Kerra ngayon.Dahil hinahayaan ko sila Mommy noon na ibully na lamang si Kerra noon."malungkot na sambit ni Adam ng maalala niya ang paghihirap ni Kerra noon sa kamay ng kanyang Ina mismo.
"Hey ako ang may problema bakit nagself pitty ka na naman dyan.?Ano ba advice mo sa akin ha pinsan ngayong inlove na ako pala kay Rhea.?"seryosong tanong ni Geo.
"Sundin mo ang bulong ng puso mo Geo.Wag ka ng mag alinlangan pa.You should try to earn her trust.Malay mo type ka din nong kaibigan ni Kerra.At ito ang tandaan mo Geo wag kang makinig sa sulsol ng ibang tao.Kung saan ka masaya go for it pinsan.Wag mo akong tularan na nagsising pinakawalan ko pa si Kai noon."seryosong payo ni Adam base sa experience niya sa pagitan nila ni Kerra mismo.Kung mahal mo ang isang tao wag kang mag alinlangan na sumugal.Matalo ka man as least wala kang pagsisihan sa bandang huli.

Muling Ibalik Where stories live. Discover now