Muling Ibalik ♧ Part 11

10 0 0
                                    

Nainis na si Rhea dahil may tao na naman sa labas ng apartment nila.Naabala ang pagtulog niya kamo.
"Sino ka na naman aber.?Wala dito si Kerra nasa trabaho kaya bumalik ka na lang sa ibang araw."inis na sambit ni Rhea kahit di pa nakakapagsalita yong lalake nasa harapan niya.
"Ikaw ba si Rhea ang kaibigan ni Kerra.?Teka di ka dapat nagbubukas ng pinto sa gayong ayos mo."bahagyang tinulak ni Geo si Rhea papasok sa loob ng apartment ng mga ito.Dahil sobrang nipis ng suot nito at wala pa itong bra.Klaro ang umbok ng hinaharap ni Rhea pinagpala kasi ito din ng hinaharap.
"Oh my god rapist ka ba.Tatawag ako ng pulis saan na ba celpon ko.?"nataranta si Rhea uso pa naman ang pumapasok sa isang bahay at nang rape ng mga babae ngayon.
"Calm down pinsan ako ni Adam.Andito ako para dalhin ang ilang mga laruan ni Karlo.Nandun pa sa kotse ko yong iba pwede bang magbihis ka muna.Tapos can you help me na kunin ang mga iyon.?"nakangiti pang request ni Geo.
"O-ok."mabilisan pumasok si Rhea sa kwarto niya tapos tinawagan si Kerra.Confirm pinsan nga iyon ni Adam yong nasa sala nila.Mabilisan lang siyang nagbihis ng pambahay lang.Tuluyan ng nagising diwa niya.Bilib na siya sa kaibigan niya dahil puro pogi ang kakilala nito.
"Kilala mo ba iyong lalake nanggaling kanina.?"tanong ni Geo ang tinutukoy si Andrei na galing kanina lang doon sa apartment na iyon.
"Hindi pero malamang kilala iyon ni Kerra.Tatanungin ko siya mamaya.Teka kay daming laruan naman nito.Kung di mo tatanungin lilipat na kami ng bahay.Naghahanap pa kami ng magandang bahay yong malapit lang sa skul ni Karlo.Para mabilis ko siyang masundo agad."inaayos ni Rhea sa sala ang mga laruan na regalo nitong binata na ito.
"May alam akong condo unit.I think dahil delikado na ang panahon ngayon.Mas ok sa inyo yong tirahan na safe diba.?"nagkaroon ng opportunity si Geo na tumulong sa mga ito.
"Saan.?Naisip din naman ni Kerra iyong condo na lang.Dahil may playground sa loob ng condominium diba.?Pero sobrang mahal naman yong tinitingnan naming unit."nanghihinayang naman si Rhea dahil safe doon ang inaanak niya na maglaro sa playground ng condominium.
"May alam ako 20 percent discount.Free ako ngayon pwede kitang samahan doon."ani agad ni Geo parang pabor sa kanila ang pagkakataon na ito.Di obvious na tutulong sila sa mga ito.
"Sure tatanungin ko lang mamaya si Kerra kung papayag siya.Titingnan muna natin teka magbihis muna ako."di na din palalampasin ni Rhea kung may murang condo unit nga.
Tinext din ni Geo si Adam dadalhin niya si Rhea sa exclusive condominium nila.Para malapit na ang mga ito sa kanila.
"Dito ang gusto namin ni Kerra malapit sa skul ni Karlo sana.Pero mahal dito sobra."ani ni Rhea na relax na sa presensya ni Geo.
"Swerte kayo dahil may 20 percent discount ngayon."pinili ni Geo ang medyo di luxury na condo para di mahalata nito ang agenda niya.Kinausap na din niya ang manager doon na umakting sa harapan ni Rhea.
"Ang ganda may tatlong kwarto at malawak ang sala.Teka video call ko muna si Kerra.Hello Kerra ano sa tingin mo diba maganda.?"pinakita ni Rhea ang condo unit na may 20 percent discount daw.
"Rhea pumirma ka agad aba bihira lang ang may discount.Malapit iyan sa skul ni Karlo diba.?May sapat na tayong pera naman pambili sa condo unit na iyan."Kay saya ni Kerra dahil swerte nga sila ni Rhea ngayong taon.
"Ok dream house natin dito diba.?Safe dito kesa sa apartment natin.Sige bye na baka nakadisturbo ako sa trabaho mo."sobrang saya ni Rhea at nagpapasalamat kay Geo.Sa wakas may pag aari na silang condo unit ni Kerra.Next goal nila kotse para di na sila din magcommute lage.Simula noon din katextmate na niya si Geo.Aba di siya tumatanggi sa pogi na kagaya nito.
Samantalang kay saya at sigla ni Kerra habang nagtatrabaho.Napuna iyon ni Adam at curious na nagtanong siya.
"Nakabili na kami ng condo unit.Teka malapit lang iyon dito."inisip ni Kerra kung anong address iyon.At nagulat siya dahil sa kabilang building lang ang unit na nabili ni Rhea sa penthouse ni Adam.
"What's wrong.?"kinakabahan si Adam baka nakakahalata si Kerra sa ginawa ni Geo.
"Nasa kabilang building lang yong unit namin.Ang saya di na ako magcommute pa kung papasok.Taxi lang nakakapasok dito talaga.Malayo yong sakayan ng jeep dito papunta sa apartment.Siguro swerte nga kami ni Rhea ngayong taon.!"nakangiting ani ni Kerra kay Adam.
"Good for both of you."nakahinga ng maluwag si Adam dahil di na nahalata ni Kerra ang ginawa ni Geo.Babalatuhan niya ang pinsan niya dahil sa ginawa nito.Napapalapit na siya ng tuluyan kay Kerra ulit.Ngayon simple at masaya na ang pamumuhay ni Kerra.Di na niya hahayaan na guluhin pa ito ng mismong Ina niya.
Simula ulit ng pagkakaibigan nina Kerra at Adam.Kampante na si Kerra na di inuungkat ni Adam ang tunay na pagkatao ni Karlo.Pero umeksena na naman si Anastacia.May dala itong private nurse para daw ito ang mag aalaga kay Adam.At papaalisin niya si Kerra sa penthouse na iyon.
"Mommy ano na naman ginagawa ninyo dito sa pamamahay ko.?"malamig na tanong ni Adam sa Ina.
"Kahit galit ka pa sa akin Adam baliktarin mo pa ang mundo.May pakialam pa talaga ako sayo.Anak siya si Sheryl ang magiging private nurse mo simula ngayon.May experience siya at knowledge siya kesa kay Kerra I think.Siya dapat ang mag aalaga sayo."Mas gugustuhin pa ni Anastacia na iba ang patulan ni Adam kesa sa babaeng ayaw niya.
"Mas ok iyong may private nurse ka Sir Adam.Para di na magalit sa akin ang Ina mo.Personal maid mo lang naman ako.Kaya dapat marelax iyang mother mo kung nandito iyang nurse na iyan dito.Ayokong sabihin ng iba nilalandi kita dahil gusto ko ng financial support.Gusto kong patunayan sa kanila na di ako gold digger.!"sabad ni Kerra na galit na nakatingin kay Anastacia Lenox.Ang babaeng nagpapahirap pati sa pamilya niya din noon.Ayaw niyang maulit pa ang nangyari noon.Nang kinontra niya lage si Anastacia.Pati ang pamilya niya pinahirapan nito ng husto.
"Sige papayag na ako pero pagpumalpak iyang nurse na iyan Mommy.May karapatan akong paalisin agad siya sa penthouse ko."pumayag na lamang si Adam dahil alam niyang si Kerra na naman ang kawawa.Hinahanapan din niya ng malaking mali pa ang Ina niya.Para tuluyan ng magalit ang Daddy niya dito.Sabi kasi ni Geo tanggap na ni Don Lenox si Kerra.At dapat makuha pa niya ang sympathy ng kanyang ama.Para mapigilan na ang mahadera at pakialamera niyang Ina.
Lihim naman napangiti si Sheryl.Pagkakataon na niya itong makabingwit daw ng mayamang lalake.Wala siyang pakialam kung baldado man si Adam Lenox.Ang mahalaga ang kayaman nito.Kukunin niya ang loob ni Anastacia Lenox.Baka sakaling mapabilis maabot niya ang ambisyon niyang maging asawa nga ni Adam.Para sa kanya madali lang ang landiin ito.At pag naakit niya si Adam malamang ma itsapwera na itong ex gf nitong si Kerra Madrigal.Walang alam si Sheryl sa history nina Adam at Kerra.Ang alam lang niya madaling karibal si Kerra naman.Dahil para namang at say itong manamit kesa sa kanya.Di niya alam walang plano si Anastacia magkaroon ng manugang na walang sinabi sa lipunan.Bagaman mahirap sa kalagayan nga ni Adam makapag asawa ng gusto ni Anastacia.Gusto lang nitong maitsapwera ni Adam si Kerra Madrigal daw.Malaki ang binayad ni Anastacia kay Sheryl.Para lang makuha ang loob daw ng anak nito.Para kay Sheryl sisiw lang daw ito sa kanya.Sinimulan na niya ito ngayong gabe.Bago kasi mag off sa trabaho pala si Kerra.Pinapaliguan pa niya si Adam.
"Kerra ako na ang gagawa niyan.Pwede ka nang umalis."umastang mistress si Sheryl sa bahay na iyon agad.Kahit unang araw pa niya iyon.
"Sige pero aalis ako pag natapos ka na paliguan si Sir Adam."binigay agad ni Kerra ang kelangan para paliguan na sana si Adam.Kaya lang umepal agad itong nurse na ito.Di pa siya umalis baka tawagin siya ni Adam mahirap na.
Inismiran naman ni Sheryl at pakinding kinding pa siyang umakyat sa kwarto ni Adam.Sinigurado din niyang sexy ang uniform niya bilang nurse kuno ni Adam.Para mabilisan niyang maakit ito at maitsapwera na si Kerra agad.

Muling Ibalik Where stories live. Discover now