Muling Ibalik ♧ Part 8

38 1 0
                                    

Pinagalitan naman ni Geo si Janella.Kabago bago pa nito palpak na ito.Sa kabilang office lang si Geo ukapado nila ni Adam ang buong 16th floor.Doon na din ang malaking conference room.Dahil nga para convenient lang kay Adam ang pagtatrabaho sa company building nila.They design buildings at any interiors landscape.Yong family bussiness nila marami ang mag aagawan kasi sa position doon.Kaya sila Adam at Geo nang matapos sa kursong Architectures tinayo nila iyong bussiness na namayagpag na din ngayon with in 5 years.
"Tse ang alam ko naman personal maid lang iyon ni Sir Adam.!"pagmamaktol ni Janella ng makausap ang ilang mga Co workers niya.
"Janella may alam ako na may ex gf si Sir Adam daw.Yon ang naririnig ko lage pag nag uusap silang dalawa.Baka yon yong babae na iyon diba.?"hula naman ni Lean sa katauhan ni Kerra.
"You mean bumaba ang taste ni Sir Adam.?Mas mainsecure pa ako kay Maam Kassandra kesa sa isang katulong duh."mayabang na saad ni Janella.
"Pero kung ganda ang labanan talbog ka naman nong maid Janella lolz."pag aasar pa ni Betty na di gusto ang ugali ni Janella talaga.
"Manahimik ka na lang Janella.Malamang di ka din tatagal kung ipapairal mo kalandian mo.Alam mo bang kung magalit si Adam two times tiyak na matatanggal ka na.Wala ng third times pa kaya ingat ingat.Basta ako  pokus na lang sa trabaho para sa Ekonomiya."paalala pa ni Lean na 3 yrs ng secretary ni Geo.Di siya sobrang ambisyosa tulad ni Janella mismo.
Samantalang nakaplaster na ang paso ni  Kerra sa binti.Buti na lang mild lang na paso iyon.But nagpareseta pa si Adam ng mga gamot para mabilis gumaling daw iyon.
"Sundalo ka maituturing pero bakit sobrang paranoid ka sa isang paso lang.?"natatawang tanong ni Kerra na nag alala pa rin.
"Kung ako napaso ok lang.Ei ikaw sobrang nipis iyang balat mo Kai.Sabi ng doctor wag mo muna daw basain ng tubig ok."bilin pa uli ni Adam.
"Opo magtrabaho ka na.Aayusin ko lang mga papel na kinalat mo Sir Adam."masinop sa gamit talaga si Kerra konting kalat lang di talaga siya mapakali.
"Sir tinimplahan na kita ng tea po."pumasok uli si Janella at may dalang tasa ng tea.
"Magtrabaho ka na ano ba.?From now on si Kerra na ang magtitimpla ng coffee or tea sa akin.Dahil sobrang careless mo.!"singhal bigla ni Adam dito.
"Y-yes Sir."halos lumundag si Janella sa pagkagulat.At mabilisan siya agad lumabas.
Halagpak naman tawa ni Kerra di niya akalain nakakatakot na boss pala si Adam.
"Kawawa naman empleyado mo lage mong nasisigawan.Di ko alam na terror ka pala na boss.Ni minsan di mo ako pinagtaasan ng boses kasi."namumula sa katatawa si Kerra sa reaksyon nong babae.
"Atleast napatawa kita nga pala bibili ako ng magandang desk mo.Para may mesa ka din at bibili tayo ng laptop mo."nakangiti nang ani ni Adam dahil naririnig niya muli ang tawa ni Kerra niya.
"Ok pag marami kang trabaho tutulungan kita kung meron akong magagawa."tuloy pag aayos ni Kerra sa mga gamit ni Adam.Nang buksan niya ang drawer nito pinigilan siya ni Adam bigla.Curious siya tuloy kung ano tinatago nito sa loob nong drawer na iyon.?May pilyo siyang naisip mamaya lihim niya titingnan iyon kung malingat si Adam mismo.
Kinakabahan naman si Adam dahil nandun ang album nila noon pa ni Kerra.Luma man iyon pero iyon ang treasure niya.Kay daming picture ni Kerra doon na stolen shots lang niya.Baka magalit pa ito pag nakikita ang album na iyon.Sa bawat picture may note na nakalagay kung anong occasion iyon.Nang maiwan nila Geo at Adam muna si Kerra sa office dahil may meeting daw ang mga ito sa conference room.Napangiti si Kerra kasi matitingnan na niya kung ano laman nong drawer ni Adam mismo.Naupo pa siya sa upuan ni Adam doon na pang CEO.Di pa niya nabubuklat ang album na iyon.May naririnig na siyang biglang sumigaw si Janella iyon.
"Hoy babae sobrang ambisyosa mo.Bakit ka nakaupo sa upuan ni Sir Adam.?Aba katulong ka naman umalis ka dyan at akin na ito.Hindi ka ba nag aaral ng manners man lang.?Ano ba ang natapos mo lang ha Kerra.?"binawi bigla ni Janella ang album na iyon at natapon iyon sa sahig mismo iyon.Nagkalat tuloy ang mga pictures ni Kerra 5 yrs ago.
"Bakit sinira mo ang album tang ina mo.!"tinulak ni Kerra ito at bumagsak si Janella sa sahig.Dahil sa mataas ang takong na ito natapilok ito.
"Walanghiya kang katulong ka.Di kita uurungan kung lalandiin mo si Sir Adam.!"sinabunutan ni Janella bigla ang buhok ni Kerra.Pero mabilis ang galaw nito nadiin siya nito sa sahig.Impit siyang naghihiyaw dahil nasa sahig na ang pagmumukha niya talaga.
Samantalang dali daling nagsumbong si Lean sa mga boss nila.Na nagsasabunutan daw sina Kerra at Janella ngayon.Nag alala ng husto sina Geo at Adam baka napaano na si Kerra.
"S-Sir Geo at Sir Adam help.Tinalian ni Kerra ang kamay at paa ko po mga Sir."umiiyak na ani ni Janella at may Pasa na din ang mukha niya.
"Kay gulo niya kasi titingnan ko lang naman itong album."nag eenjoy pa si Kerra sa album na gawa ni Adam.
"K-kasi Sir Adam naupo pa siya sa upuan ninyo.At pinakialaman niya ang drawer ninyo po."pagpapaliwanag pa ni Janella.
"Janella your fired.!Kanina lang binuhusan mo ng kape si Kerra.Ngayon naman ginugulo mo siya.Pack your things now at kunin mo na lang sa HR ang huling sahod mo.!"bulyaw pa ni Adam sa secretary niya.
"Sinabi ko naman sayo na manahimik ka na lang."tinatanggal ni Lean ang tali ni Janella.At nanghihinayang siya sa opportunity na sana ni Janella na maging secretary ng CEO.
"Bakit ako matanggal ei katulong lang naman siya Sir Adam.!"duro pa ni Janella kay Kerra.
"She is my special friend hindi lang siya katulong lang.Lean ilabas mo na iyang babae na iyan sa opisina ko."utos pa ni Adam sa secretary ni Geo.
"Therefore Kerra is Adam ex gf his first love."pagtatama pa ni Geo para mauntog na ang ulo nitong Janella na ito.Maraming nagdaan na social climber na secretary si Adam.Kaya ni isa walang tumagal dahil puro ambisyosa ang naging secretary nito.
Natigalgal sina Lean at Janella.Walang wala pala sila sa position ni Kerra kung tutuusin.Luhaan namang nilisan ni Janella ang company na iyon.Pero spy pala ito ni Gracie Lenox  doon.Kaya nakapasok siya ulit sa ibang department dahil may mabigat na backer daw siya.
"Alam ninyo ba siya si Kerra Madrigal yong social climber at gold digger na ex gf ni Sir Adam.?Kaya nga di siya gusto ni Madam Lenox.Tapos nagpabuntis pa siya sa ibang lalake.Ang kapal talaga ng pagmumukha niya ano.?Bumalik daw siya dito dahil di siya nasustentuhan nong nakabuntis sa kanya."paninirang puri ni Janella talaga kay Kerra akala niya maprotektahan siya ni Gracie Lenox mismo.
Kumalat ang chismis sa buong Company building.Kaya nong isang araw napuna talaga ni Kerra na iba ang tingin sa kanya ng mga empleyado doon.Tapos nagbubulungan pa ito pag dumadaan siya sa mga ito.
"What happen Lean anong meron bakit nila tila pinagchismisan si Kerra.?"tanong na talaga ni Geo sa napupuna niya.
"K-kasi po Sir si Janella nakabalik siya sa company.Ang sabi niya pinababalik siya ng HR head daw.Tapos sinisiraan niya si Kerra Madrigal po.Di ko Alam kung saan siya nakasagap ng chismis."sumbong na din ni Lean sa boss niya dahil nga sobrang yabang na ni Janella.Dahil chismis din backer nito ang pamilya Lenox.
"Lean pakitawag si Janella ngayon din sa office ko.!"galit na utos ni Geo sa secretary niya.
"Yes Sir."mabilis namang tumalima si Lean naman.
Sinabi naman ni Geo kay Adam ang ginawa ni Janella mismo.Kaya gigil din si Adam pinatawag ang Head ng HR mismo.
"Sinong maysabi sayo na pabalikin itong babae na ito sa company ha.?"bulyaw ang salubong ni Adam kay Mr.Santos.
"Sir Adam napag utosan lang po ako ni Maam Gracie po.Naisip ko po na sister naman po ninyo siya kaya nilipat ko na lang po siya sa HR department."inosenteng pagpapaliwanag ni Head ng HR.
Si Janella kanina pa tinext si Gracie pero walang reply ito.Ibig sabihin ba noon na iiwan siya nito sa ere.?

Muling Ibalik Where stories live. Discover now