Muling Ibalik ♧ Part 7

47 1 0
                                    

Dahil sa nalaman ni Adam ang buong pangyayari na ngayon.Nawalan siyang ganang mabuhay pa.Di na kelangan na pala ni Kerra at ng anak niya ang protection niya.Nong naging baldado siya inspiration pa niya si Kerra para magpatuloy sa buhay.Umaasa lang pala siya sa wala.Buong araw tumutungga siya ng alak at walang kain kain.Kinabukasan nagtaka si Kerra dahil may doctor at nurse na nakasalubong niya sa sala.
"Manang Lagring ano nangyari.?"takang tanong ni Kerra sa katiwala.
"Buong araw si Sir Adam nag iinom tapos walang kain kain.Ngayon nagkasakit siya sobrang mataas Lagnat niya.Tumanggi siyang pumunta ng ospital Kerra."malungkot na Kwento ni Lagring.
"Ano.?"mabilisan inakyat ni Kerra ang amo nila.Naabutan niya si Geo na nagbabantay kay Adam.
"Kerra pwede ba kitang makausap saglit.?"seryosong tumingin si Geo kay Kerra.
"S-sige po Sir Geo."naupo naman si Kerra para makinig.
"Alam mo ba kung bakit natamaan ng Bala si Adam.?Dahil nawalan daw siya ng pokus nong hiniwalayan ka niya.Kinabukasan nagsisi daw siya sa ginawa niya.Hinanap ka niya para bawiin agad nasabi na niya.Pero bigla ka lang nawalan.Nang naging baldado na siya eager siyang gumaling.Para lang mahanap ka niya.Tinayo namin ang company para daw sa future ninyo.Sobrang saya niya na malaman ding may anak din kayo at kamukha pa niya.Lalo siyang nagpursige sa buhay at gusto din siya uli makalakad para sa inyo mag ina niya.But nong sinabi mong pinutol mo na ugnayan mo talaga sa kanya.Ayan wala na siyang ganang mabuhay pa.Sinabi niya lately lang kahit di kayo magkabalikan pa.Buong buhay niya kayong babantayan at lihim na protektahan.Ngayon di na daw ninyo kelangan ang protection niya.Kaya wala na daw saysay pang mabuhay sa mundo."umiiyak na kwento ni Geo saksi din siya sa puno ng pag asa niyang pinsan.Kahit baldado na ngunit dahil kay Kerra at sa anak nito.Pilit nitong bumangon muli.
"Kai I'm sorry nasaktan kita pala ng sobra.Di ko mapapatawad sarili ko."nagsasalita si Adam habang nakapikit.
"Ke lalake mong tao sobrang madrama ka.Bakit lahat ng sinasabi ko dinidibdib mo.?Dapat nga ipagtatuloy mo lang ginagawa mo.Malay mo lalambot pa ang puso ko.Di naman kasi ganun kadali ang kalimutan ang lahat Adam."napaiyak na yumakap si Kerra sa natutulog na si Adam.
Iniwan na ni Geo ang dalawa.May pag asa pa pala ang pinsan niya.Goodnews iyon sasabihin niya pag gumising na ito.Buong magdamag inalagaan ni Kerra si Adam.Di siya natulog kaya pagod siya kinabukasan.Nagising naman si Adam na may nakadagan na sa kanya.Laking tuwa niya ng masilayan niya ang magandang mukha ni Kerra.Pinisil niya ilong nito akala niya nanaginip pa siya.Pero totoo iyon dahil nasampal siya bigla nito.
"Ano ba natutulog yong tao.!"lalo pang nagrerelax si Kerra sa matipunong katawan ni Adam.
Narealize ni Adam na di siya nanaginip.Kaya di na siya gumalaw pa.Tulad ng dati nagagalit si Kerra na ginugulo niya sa pagtulog ito.Kaya hinahayaan niyang matulog pa ito.Mga 11am nang magising si Kerra.Napabalikwas siya ng bangon dahil ginawa niyang kama pala si Adam.
"Sorry Sir Adam napasarap tulog ko.Masyado kasing mataas ang lagnat mo kagabi.Tinawagan ako ni Sir Geo.Teka titingnan ko kung wala ka na bang lagnat."kumuha ng thermometer si Kerra at sini check ang temperature ni Adam.Napabuntonghinga siya dahil wala na itong lagnat.
"Pasensya ka na naabala pa kita."may lungkot sa boses ni Adam naalala niyang tinuldukan na ni Kerra ang namagitan sa kanila noong nakaraang araw mismo.Inaalagaan lang siya nito dahil personal maid niya ito.Yon lang yon at masakit tanggapin sa puso ni Adam na walang kahulugan iyon.
"Teka lutuan kita ng lugaw para may laman sikmura mo."dali daling lumabas ng kwarto si Kerra.
Pumasok naman si Geo na nakangiti pa.
"Dude masaya ka ba inalagaan ka ni Kerra buong magdamag.?"masayang tanong ni Geo sa pinsan.
"Paano ako magiging masaya walang kahulugan ang pag aalaga niya sa akin diba.?Ginagawa lang niya ang trabaho lang naman niya."gusto uli maiyak si Adam abot kamay na sana niya mag ina na nahanap na niya.Bagaman tila kay layo na ng mga ito sa puso niya.
"Nope alam kong mag self pity ka talaga.Kaya nirecord ko talaga sinabi niya.Konti lang pero matutuwa ka."piniplay ni Geo ang recording nito kagabe.
"Thank you pinsan nakalimutan ko na di vocal si Kerra sa nararamdaman niya sa akin.Pero sinasabi niya pala talaga kung iba nakikinig."parang nabunutan ng tinik sa puso si Adam.Tama dapat niyang suyuin ang mag ina niya hanggang patawarin siya ng mga ito.Bakit ba siya agad agad susuko.?
"Chill ka lang magkunwari kang di mo pa alam ok.Alam ko mahal ka pa ni Kerra.Talagang mabilis siyang pumunta dito nong sinabi kong wala kang kain at maysakit.Umiiyak talaga siya ng makita ka niyang nakadextrose."masaya si Geo na may pag asa pa ang lovelife ng pinsan niya.
"Nandito na ang lugaw mo sasabayan na lang kitang kumain para may gana ka."dumating na si Kerra na may dalang tray ng pagkain.
"Sige pinsan inalam ko lang lagay mo.Pupunta ulit ako sa company natin."lihim na kumidat pa si Geo sa pinsan niya.
"Pwede ko na bang tanggalin dextrose ko.?"paalam pa ni Adam para sa kanya asawa na niya si Kerra.May anak na sila kulang na lang kasal sa pagitan nilang dalawa.
"Sabi ng doctor dapat ubusin daw ang laman ng dextrose bago tanggalin.Mag CR ka ba sasamahan na kita."casual na dahan dahan tinayo ni Kerra ito.
"Thank you."Kay saya ng puso ni Adam ng magulat siya na tinulungan pa siya nitong hubarin ang shorts niya at boxer.
"Bakit mahihiya ka pa ei nakita ko na iyan.Alam ko na kung bakit ako hinahire mo maging personal maid mo.Dahil awkward ka ba kung iba ang makakita niyan.?"hagikgik pa ni Kerra.
"You silly woman of course I'm shy maghubad sa harapan ng nurse nga ei."hinila pa ni Adam ang ilong ni Kerra na gustong gusto niya pisilin dati pa.
"Adam kalimutan na natin ang nakaraan.Para makapagmove on na tayong dalawa.Pwede naman tayong maging friends na lang diba.?"biglang naging seryoso si Kerra.
"S-sige."bumuntonghininga na lamang si Adam.Dahil ang totoo ayaw niyang maging kaibigan na lamang si Kerra.Ito ang buhay niya at pag asa.But then he can't say those words in his mind.Mag effort siya ng husto para magbalik ang dating pagmamahalan nila.Wala siyang pakialam kung gaano pa iyon katagal.
Kinabukasan pwede ng pumasok si Adam.At sumama naman si Kerra na dito.Nagbaon siya ng snacks pa daw nila.Hinayaan na lamang ni Adam kung anong gawin nito.Atleast kasama na niya ito araw araw.
"Sir goodmorning buti nakapasok ka na po ngayon.This is your coffee Sir.!"isang sexy na secretary ang sumalubong sa kanila.Bago pa lang doon si Janella kaya magpapaimpress siya ng husto sa boss niya.Di naman iyon lage nasa opisina daw nito.Madalas kasi si Adam sa penthouse lang nito nagtatrabaho.Kaya excited si Janella makasama ang boss niya.
"Bawal pa sa kanya ang coffee Miss.Ako na lang magtitimpla sa kanya ng tea."kinuha naman ni Kerra ang coffee ng biglang tinabig pasimple ang kamay niya sa babaeng ito.Natapon sa may legs niya ang mainit na kape.At napahiyaw siya.
"What are you doing.?Bakit sobrang careless ka.?Call a doctor right now Janella."sigaw naman ni Adam sa secretary at dali daling tinulungan si Kerra.
"Y-yes Sir."nataranta namang tumalima agad si Janella.Ang alam kasi niya cancel na ang engagement ng boss niya at nong fiancee nitong si Kassandra Sanchez.Pero bakit sobrang concern ang amo niya sa alalay nito.
Hinubad talaga ni Adam ang pantalon ni Kerra.At Napamura siya dahil namumula ang makinis na legs nito dahil sa paso.Nilapatan niya ito agad ng first aid.Mabilis siya dahil military nga siya noon.Kahit pa nakawheelchair siya di iyon balakid kung si Kerra ang nasasaktan or nasusugatan sa harapan niya.
"Mahapdi ba.?"hinihipan pa ni Adam ang paso ni Kerra.
Natulala naman si Kerra dahil walang pagbabago pala si Adam sa kanya.Noon din kahit kunting sugat lang magkaroon siya.Ito ang matataranta ng husto kahit sundalo pa ito.Buti naman dumating agad ang doctor.Dahil baka mahalikan pa niya ang lalake sa harapan niya ngayon.Yon ang katangian kung bakit minahal niya si Adam Lenox.Yong sobrang caring sa kanya di bale na iyong sarili nito.Basta priority daw siya nito.Kaya siguro yon ang dahilan kung bakit hiniwalayan siya nito.Dahil minsan sinabi niya na di niya kaya ang long distance relationship.Gusto nga na lang niya sumama sa Baracks ni Adam noon.Gusto siguro ni Adam unahin muna ni Kerra ang sarili bago siya.But then pinaghiwalay talaga sila ng tadhana.

Muling Ibalik Where stories live. Discover now