Muling Ibalik ♧ Part 4

14 1 0
                                    

"Tama siguro yong hula sa atin fren.Na ngayong taon swerte na tayo.Natanggap ako sa restaurant na lilipatan ko.Tapos sabi ni Tita Alma sila na daw bahala magsundo sa apo nila.Kunin mo na lang daw doon sa inyo si Karlo.Tanggapin mo na lang na mas mahal pa nila ang apo nila kesa sayo."biro ni Rhea para tumawa si Kerra.
"Ganun na nga siguro.Masaya na ako tinanggap nila nga anak ko.Di bale lang na ayaw pa nila sa akin."kibit balikat ni Kerra at tumawa rin.Masaya na siya minahal agad ng parents ang anak niya sa pagkadalaga.Pasasaan ba umaasa siyang matanggap siya muli ng mga magulang niya.
"Nga pala Kerra ano ito.?Saan ka bang party pupunta aba bongga itong gown mo.?"nanlaki mga mata ni Rhea sa laman ng box na dala dala ng kaibigan.
"Ayon sa contract namin sasamahan ko daw si Adam Lenox sa lahat ng party na dadaluhan niya.May dala akong chismis sayo pala.Nakalimutan ko kahapon ikwento."ikinuwento ni Kerra ang nangyari sa penthouse ni Adam noong isang araw.
"Oh my god tama hula ko walang alam si  Adam sa mga ginawa sayo nong mga babae na iyon pala.Uto uto din yong si Mrs.Lenox pala.Tama Kerra panahon na para harapin mo silang lahat.Ni peso naman wala kang kinuha sa kanila.Tinaguyod natin ang anak ninyo ng walang sustento mula sa kanila.Aba sasama pala ako sayo sisipain ko yong puday nong Kassandra na iyon at pati yong Gracie.!"naghahanap ng maisusuot agad si Rhea.
Natatawang pumayag na lamang si Kerra.Dahil rin kelangan niya ng lakas mula sa kaibigan.Para harapin ang bangungot sa buhay niya.Sinundo sila ng driver ni Lenox.Dadaan daw sila sa penthouse muna.Nakagayak na sila alas 9am pa lang.Yong kasal daw 11am pa.Kaya maaga pa silang dalawa.
"Sir sasama daw ang kaibigan ko.Si Rhea kaibigan ko sasamahan daw niya ako sa wedding nong kapatid mo."ani ni Kerra hiling niya pumayag ito.
"Its ok para naman di ka ma out of place doon.Nakaayos na pala kayo naghire sana ako ng make up artist."satisfied naman si Adam sa looks nong dalawang kaharap.
"Frustrated make up artist itong kaibigan ko.Kaya di na iyan kelangan po Sir."magalang na tanggi ni Kerra alam niya nakikiramdam lang si Rhea sa mga tao sa paligid niya.
"Ang ganda din pala itong kaibigan mo Kerra."parang nanuno sa punso si Geo bigla ng makita si Rhea.
"Asus Bola Sir di ako nadadala sa Bola.Kami ni Kerra allergic sa gwapo na mayaman pa.Pag nainlove ka sa mga kagaya ninyo.Kami lang ang kawawa."pinaparinggan talaga ni Rhea si Adam mismo.
Natameme sina Adam at Geo.Alam nilang kung ano ibig sabihin nito.Syempre saksi ito sa paghihirap ni Kerra noon.Nang 10:30am pumunta na silang apat sa wedding venue.Indoors na garden iyon at konti lang ang nandun pala.
"K-Kerra.?"namutla si Gracie nang makita si Kerra na kasama si Adam mismo ngayon.
"So Adam kaya pala gusto mong ikansel ang engagement ninyo ni Kassandra.Dahil nagkabalikan na kayo ng ex gf mo.?"mataray na salubong ni Karyl kina Adam.
"Excuse me di tayo close Karyl Sanchez.Para kausapin mo ako ng ganyan.Alam mo mismo kung bakit ko kinansel ang engagement namin.Gusto mo bang sabihin ko pa sa Maraming tao kung bakit.?"sarkastikong pagbabanta ni Adam kay Karyl.
Umatras si Karyl at natakot bigla kay Adam.Talagang terror pala ito at brutal na tao kung magsalita na.Ayaw din niyang mapahiya ang pamilya niya.Sila lang ang nakakaalam na may affairs sina Kassandra at Andrei kasi.Natahimik din si Gracie dahil marami siyang kasalan kay Adam.Isa siya sa dahilan kung bakit nasira ang image ni Kerra sa lahat.Dahil naiinggit siya dito nong college pa sila.Dahil popular na student si Kerra noon.Matalino,tahimik at maganda pa daw.Kaya naman tinulungan niya si Kassandra na ibully si Kerra Madrigal noon.Hanggang sa magdrop na ito sa University na pinapasukan nila.Siniraan nila kay Mrs.Lenox si Kerra.Kaya naman naengage sina Kassandra at Adam 2 yrs ago.
"Ang pandak pala nong Gracie noh fren.?Kala naman niya kagandahan talaga.Nagkulang naman sa height."bulong ni Rhea at nilait pa si Gracie.
"Ang alam ko ampon lang naman siya.Kaya iba ang itsura niya sa mga Lenox diba.?"hagikgik naman ni Kerra.
Narelax si Adam dahil di na awkward si Kerra sa party na iyon.Baka isama nila lage si Rhea din para di bored din si Kerra.
"Dito pala tayo maupo kay simple naman ng venue na ito.Teka parang sambakol pagmumukha nong gagu dude.?'turo pa ni Geo sa groom.
"Malamang napipilitan siyang pakasalan si Kassandra.Kung ako pinilit nila malamang walang groom dadalo nga."deretsahang ani ni Adam.
Mayamaya pa nagsimula na ang ceremony ng wedding na iyon.Kay tamis ng ngiti ng bride parang wala lang nangyari.
"Ay kay kapal ng mukha niya pala.Wala yatang hiya talaga iyang babae na iyan.Engage siya kay Adam ng 2 yrs.Tapos ngayon proud pa yata siyang iba ang groom niya.?"bulalas ni Rhea at pati ang iba nagbubulungan din tulad nila.
"Asa ka pang may hiya iyang babae na iyan Rhea duh."ismid naman saad ni Kerra.
Masaya ang bride pero parang namatayan naman ang groom  until matapos ang ceremony ng wedding na iyon.At lilipat na daw sila sa venue sa isang hotel daw.
"K-kerra Madrigal pwede ba tayong mag usap.?"di na nakatiis si Anastacia Lenox nilapitan na niya sina Kerra.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Mrs.Lenox.Wala kayong ipag alala katulong lang ako ni Sir Adam ngayon."sarkastikong ani ni Kerra kay Anastacia.
"Why are you so rude to my Mom ha Kerra.?"malditang sabad ni Gracie.
"Ang alam ko kayo ang naunang naging rude sa akin noon.At higit sa lahat wala akong utang sa inyo Gracie Lenox."matapang na ani ni Kerra sa mga ito.
"Anastacia don't bother them kung magkabalikan sila ano ba pakialam mo.?Matanda na iyang anak mo wag ka ng makialam pwede ba.?Ang pakialaman mo ako doon tayo may kakausapin lang ako."hinila na ni Aurelio ang asawa niyang pakialamera.
"Tse."malditang ani ni Gracie pero pasimple siyang sinipa sa paa ni Rhea.Kaya nadapa siya talaga at natatawa ang mga pinsan nilang babae sa kanya.Dali dali siya tumayo at pumunta sa daku nina Kassandra.
Napuna ni Kerra binibigyan pala ng freedom ni Mr.Lenox ang anak nito.So ang kotrabida lang yong mother nito at yong sister ni Adam.?Parang wala yatang alam si Aurelio Lenox sa nangyayari talaga.
"Aurelio gusto ko lang humingi ng tawad kay Kerra naman.Nakunan daw siya ng dahil sa akin.Pinatay ko ang apo natin Aurelio."pag amin na ni Anastacia sa asawa niya mismo.
"Ano may anak sana silang dalawa.?Mamaya kakausapin natin si Kerra ng masinsinan.Wag muna sa reception Anastacia.Kasal ngayon ni Andrei ok."gulat na ani ni Aurelio may apo na pala sana sila.Dalangin niyang di talaga ito namatay.Wala talaga siyang alam sa lovelife ng anak niya noon.Ang alam niya di gay ang anak niya dahil may ex gf ito.Si Kerra Madrigal daw ang pangalan nito.
Nababahala naman si Gracie dahil nagbalik na pala si Kerra.Kinausap niya si Kassandra kung ano na gagawin nila.?
"Easyhan mo lang Gracie ikaw ang anak ng mga Lenox.Di ka nila itakwil dahil lang kay Kerra Madrigal.Ako ok na ako naging Mrs.Lenox na ako.Atleast yong lalake na gusto ko ang naging asawa ko ngayon."hugas kamay na ni Kassandra.
"You are a selfish bitch Kassandra Sanchez.Kami lang ni Mommy ang hahayaan mo ngayon.?Ei ikaw naman ang mastermind sa pambubully noon ni Kerra diba.?"galit na ani na ni Gracie.
"Gracie hinaan mo ang boses mo.Kasal ko ngayon kalimutan mo muna ang nakaraan pwede ba."tinakpan agad ni Kassandra ang bibig ni Gracie.
"Bitiwan mo ako simula ngayon di na tayo bff Kassandra Sanchez."galit na nagwalk out na lamang si Gracie.
Sa reception venue boring para kina Rhea at Kerra ang party na iyon.
"Kung tulad natin ikakasal may palaro pa diba.?Itong kasal ng mayayaman kay boring pala."naghihikab na si Rhea.
"Nakakahawa ka kay aga pa para matulog Rhea."biro ni Kerra pero pati siya naghihikab din.Tama ang kaibigan niya boring ang party ng mayayaman talaga.Minsan siya sinama noon ni Adam.Pero ang napala niya humiliation lang.Buti ngayon pinagtatanggol na siya nito.
"Kuya Adam masaya ka na ba sa nakikita mo ngayon ha.?"lasing na si Andrei bigla lapit ito sa kanila.
"Diba gusto mo si Kassandra.?Tinikman mo nga siya ng paulit ulit diba.?"sarkastikong bwelta naman ni Adam.
"Mag ingat ka dahil itong Kerra mo ang isusunod ko.Pinatulan ko si Kassandra dahil gusto kong agawin ang lahat ng meron ka.Susunod na aagawin ko itong mahal mong Kerra."ngiting aso naman saad ni Andrei.
"Gagu di ako easy to get tulad nong asawa mo."isang sipa mula kay Kerra ang nagpabagsak bigla kay Andrei.Tuluyan itong nakatulong kay bilis noon na flying kick ni Kerra.Nag aral sila ni Rhea ng kung ano anong self defense.Para protektahan na nila ang isat isa.
Napanganga sina Geo at Adam sa nakikita nila.Mahinhin kasi noon si Kerra at tahimik lang.Ngayon sobrang lakas na pala ito.Isang palakpak ang ginawad ni Aurelio kay Kerra.Millitary din ito noon kaya naimpress siya sa pinakita ni Kerra.
"Dalhin na ninyo iyang gagu na iyan sa hotel room nila.Kassandra alagaan mo na iyang asawa mo.!"utos naman ni Aurelio sa manugang na niya.
"O-opo Daddy."tinablan ng takot si Kassandra kung masipa siya ni Kerra malamang madislocate na pagmumukha niya.
Si Gracie naman tila nagtago sa likod ni Anastacia Lenox ngayon.Bumahag na mga buntot ng mga mayayabang na prinsesa daw noon ika nga nila.Bansag pa nila ni Kerra noon si Cinderella daw.
"Adam dalhin mo si Kerra sa mansion natin ngayon na.Kakausapin lang namin siya ng Masinsinan."seryosong utos ni Aurelio sa panganay na anak.
"Bakit Dad aalukin ninyo ba siya ng million para layuan ulit ako.?"kunot noo na tanong ni Adam ayaw niyang sundin ang ama.
"Di ako ganun kagalante na magbibigay ng million para layuan ka.Bakit gagawin ko iyon ei wala akong pakialam sa lovelife mo naman kung meron man or wala.Basta gusto lang namin siyang makausap."casual na ani naman ni Aurelio.
"Sige pupunta po kami.!"matapang na sagot ni Rhea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Kerra.
"Darating po ako Mr.Lenox para klaruhin ko din ang side ko."wala na din takot si Kerra sa mga ito.Wala na iyong timid na babae na si Kerra noon.Binago siya ng pagsubok at masasabi niyang matatag na siya ngayon.
Si Gracie Lenox ang nanginginig at nanlalamig ngayon sa takot.Malalaman na ng lahat kung paano niya pinahirapan si Kerra Madrigal noon.

Muling Ibalik Where stories live. Discover now