Muling Ibalik ♧ Part 10

17 1 0
                                    

Nang malaman ni Geo na andun ang pamangkin niya sa penthouse ni Adam.Excited siya bumili ng maraming mga laruan pars dito.
"Hey ako ang naunang humawak nito."reklamo ni Geo sa isang babae na hinablot ang Lego na laruan na nahawakan na niya.
"Mr. marami namang laruan dyan.Birthday kasi ng inaanak ko next week.At ito ang request niyang bilhin ko sa birthday daw niya."nagpapaawa effect naman si Rhea.
"No ikaw maghanap ng iba.Para sa pamangkin ko ito.!"binawi naman ni Geo ang laruan at mabilisan nagbayad na siya sa counter.
"So rude putcha sorry Karlo my dear.Naunahan si Ninang sa toys mo."nalungkot na bulalas ni Rhea siya yong tipong iniispoiled si Karlo.Si Kerra naman taga kontrol sa gastos nila.Pero birthday ng inaanak niya next week.Kaya pinag ipunan niya talaga ang pambili ng mamahaling laruan para dito.
Kay daming bitbit si Geo ng pumasok sa penthouse.
"Sir Geo kanino po itong madaming laruan.?"takang tanong ni Lagring sa isang amo niyang nakatira lang sa baba ng penthouse na iyon.
"Ah balita ko nandito ang anak ni Kerra.?Saan na siya Manang.?"excited na tanong ni Geo.
"Sir nasa study room po sila.Mahilig kasi sa libro si Karlo.Lalo na yong Manga mini books.Tinitingnan lang niya kasi yong picture at binabasahan lang ng Ninang niya."nakangiting sagot ni Kerra na naghahanda ng tanghalian nila.
"Ok pakitulungan na lang ninyo ako sa mga laruan.Marami akong collection na Manga books.Pwede ko siyang basahan yata minsan diba Kerra.?"Kay lapad ng ngiti ni Geo sa wakas may pamangkin na siya.
"Sir kung gusto ninyo ng bata mag asawa na kayo."biro pa ni Kerra.
"Naghihintay lang ako darating ang soulmate ko Kerra."pabiro pang kumindat si Geo gusto niya mag asawa na mahal niya yong tao.Di iyong irereto lang sa kanya ng mother niya.Patay na ang ama niya na kapatid ng father ni Adam.Bagaman yong Ina niya buhay pa.Nireto nito sa kanya yong pamangkin ng step father niya daw.But ayaw niya sa babae na iyon.Walang pinagkaiba sa mga babae sa Alta syudad.
"Same sa bff ko naghahanap ng soulmate kasi matanda na daw siya."natatawa pang ani ni Kerra.
Nag eenjoy si Adam na basahan ng historical book ang anak nila.Like him mahilig daw ito sa libro.
"Hello I'm here can you introduce me to your little buddy Adam.?"nakangiting ani ni Geo na hawak ang Lego na sobrang lake.
"Wow iyan ang gusto kong ipa buy sa Ninang ko."nanlaki ang mga mata ni Karlo ng makita ang Lego na hawak ni Geo.
"You like this talaga for you ito baby boy."ani naman ni Geo at masayang ibinigay sa bata ang laruan.
"No I'm a big boy now.Hinahanapan ni Ninang ng bf ang Mama ko.Para magkaroon na ako ng baby sister."masayang ani pa ni Karlo.
"You want a baby sister.?"amused na tanong ni Adam pero nalungkot siya dahil nawalan na siya ng kakayahan na magkaanak yata ulit.But sabi naman ng Doctor may 30 percent pang pag asa na gumaling siya.
"Yeah but ayaw ni Mama mag bf.Pero pwede naman si Ninang magbigay ng baby sister daw sa akin.!"pumalakpak pa si Karlo.
"Kung anu ano ang tinuturo ng Ninang mo sayo pala buddy."napapailing na lamang si Geo.
"No she teaches me what life is.She is my precious Ninang instead.!"pagtatanggol naman ni Karlo sa Ninang niya.
"I'm sorry my bad ok."hingi agad ni Geo ng paumanhin dahil katulong pala ni Kerra yong Rhea sa pagpapalaki sa pamangkin niya.Gusto nga nilang pasalamatan ito sa kabutihan nito.
"Mga Sir handa na po ang tanghalian.Come Karlo it's time to eat para makainom ka agad ng medicine."tawag na ni Kerra sa mga ito.
"Nga pala Kerra para sa anak mo ang lahat ng mga laruan na binili ko."nakangiting ani ni Geo.
"Naku Sir Geo maliit lang ang apartment namin.Masikip na kung dadalhin namin ang lahat ng laruan sa sala."tanggi naman ni Kerra agad.
"Mama can I have this one."request ni Karlo na karga na ang malaking box ng Lego.
"Kai dito na lang yong mga laruan.Every weekend pwede mo bang dalhin si Karlo dito sa bahay.?"biglang request ni Adam kay Kerra.
"H-ha.?"gulat na tanong ni Kerra.
"I'm sorry Tito Adam I have a taekwando class and violin class every weekend po."inosente namang ani ni Karlo.
"Kerra sobrang bata pa si Karlo para maging busy sa buhay niya."parang kontra naman si Geo dahil loaded ang 4 yrs old na bata sa classes pala nito.
"Agree po ako Sir but gusto niya iyon kasi.Kaya oo lage si Rhea sa gusto ng inaanak niya.Mamumulubi na kami sa batang ito.Buti na lang nakita ko ang trabaho na ito."biro naman ni Kerra.
"Bakit di mo sabihin sa father ni Karlo na kelangan mo ng sustento Kai.?"seryosong tingin ni Adam kay Kerra.Tulad ng inaasahan niya umiiwas ito ng tingin sa kanya.
"He is busy protecting our country.Kaya di kinontak ni Mama ang Dada ko.And Mama said maybe he have already family in his own.So we should bother him."biglang naging matandang bata si Karlo.
"I see."nalungkot bigla si Adam sa nalaman niya.
"If ever makita mo ang Dada mo buddy.Anong sasabihin mo sa kanya.?"seryosong interrogation na ni Geo sa anak nila Adam since mature na pala pag iisip nito.
"Nothing.He don't know my existing either po.And I don't want to leave my Ninang and Mama po."biglang yakap ni Karlo sa Ina niya.
"Thats enough Geo tinatakot mo ang bata."saway na ni Adam sa pinsan niya.
"Oh I'm sorry."kibit balikat na lamang ni Geo.Tama ang hula ng pinsan niya takot lang si Kerra na kunin ni Adam ang anak nito.Kaya di na nito inabala pa ang pinsan niya in terms of financial needs.
Sa kabilang banda nabalitaan ni Andrei na nasa Pinas na si Kerra Madrigal pala.Ang babaeng first love din niya.Si Kerra lang ang magpapalambot sa puso ni Andrei Lenox.Bagaman balakid na si Kassandra sa mga plano niya.Kasal na sila nito ngayon at palihim na lamang niyang pinaimbestigahan ang tinitirhan nina Kerra ngayon.
"Sir Andrei nasa maliit na apartment lang sila nakatira.At ang information na nakalap ko.May anak daw si Kerra Madrigal."pagbabalita nong assistant ni Andrei sa kanya.Siya na ang CEO ng Lenox interprises bagaman di pa bilib ang mga stockholder sa kanya.Dahil sa status niya din na isang bastardong anak lang daw sa Chairman nila.Kaya nag iingat si Andrei at malaking bagay din naging asawa niya si Kassandra Sanchez.Nakuha niya ang tiwala ng ama nito na kaibigan mismo ni Don Lenox.Sinalo din niya kasi sa kahihiyan ang bunsong anak nito.
"I see."gusto ni Andrei na tulungan ng palihim si Kerra.Kaya isang araw pumunta siya sa apartment nito.
"Sino ba hinahanap ninyo Sir.?"kunot ang noo ni Rhea dahil inaantok pa siya.Sa umaga natutulog siya dahil pag gabe ang shift niya sa restaurant na pinapasukan niya.Di nila alam na pagmamay ari iyon din nila Adam at Geo Lenox ang restaurant din na iyon.
"Dito ba nakatira si Kerra Madrigal.?"tanong agad ni Andrei umaasa siyang makikita niya agad si Kerra.Nong college sila medyo matatawag silang dalawa na magkaibigan.Nang bigla na lamang nawala ito.Kasabay ng balita na naghiwalay sina Adam at Kerra.Hula niya may masamang ginawa si Anastacia Lenox sa dalaga.Dahil biglang nagdrop out ito sa University nila na di nila malaman ang dahilan.Gaya ng naranasan ng Ina niya.Siguro naging brutal si Anastacia kay Kerro noon.Kaya ito napipilitang umalis na lamang sa bansang Pinas.
"Sino naman ka aber Sir.?"tumaas ang kilay ni Rhea ayaw niyang sagutin ang tanong nitong lalake na ito.
"Kaibigan ako noon ni Kerra.Pakisabi nagpunta ako dito.Pakibigay na lamang ang calling card ko ok."ayaw naman takutin ni Andrei ang kasama ni Kerra.Kaya iniwan na lang niya yong calling card niya.
Nasalubong naman ni Geo si Andrei sa labas ng Kanto ng apartment nila Kerra.Nagpunta siya doon para bigyan ng gift ang Ninang ng mahal na pamangkin niya.
"Anong ginagawa mo dito Andrei.?"madililim ang aura na tanong ni Geo sa half brother ni Adam mismo.
"Mind your own bussiness Geo Lenox."nilagpasan lang ni Andrei ito at di talaga niya ito nirerespeto kahit 3 yrs ang tanda nito sa kanya.Wala siyang balak respetuhin ang pabor kay Adam Lenox sa totoo lang.

Muling Ibalik Where stories live. Discover now