Chapter 29

139 15 1
                                    

When the president left, I immediately prepared everything for lunch with Tita Irene and Tito Greg. Well, this is my simple appreciation for them, I want this kind of bond. You know, family time. It's been almost 7 years since I was with people I love eating together - with the Berkan.

While I was finalizing the table set up and all, I got a message from Tita Irene.

From: Tita Irene

On our way there, anak. Can't wait to taste your specialty kare-kare. Love you.

Nang mabasa ko ito, medyo nagtaka ako. Bakit alam ni Tita Irene na kare-kare ang niluto ko? Kinda weird.

Hindi ko na lang pinansin pa ito. Habang hinihintay ko naman sila, naisipin ko na tawagan na lang muna si Bong.

"Bakit di sumasagot?" tanong ko sa sarili ko. Hindi kasi siya sumasagot. Isang ring lang naman kasi, sumasagot na to eh.

Gagawa na naman siya nang pag-aawayan namin? Hays. Ibinagsak ko na lamang ang phone ko sa mesa.

Ilang sandali pa, tumunog naman na ang doorbell. Huminga lamang ako bago ako lumabas ng bahay.

Na badtrip ako rito kay Bonget!

"Tita!" I hugged Tita Irene when I saw her. Kaagad naman hinanap ng mata ko si Tito Greg. Nasa sasakyan pa ba? "Si Tito Greg po? Nasa sasakyan p —" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang makita ko ang lumabas sa driver seat ng sasakyan nina Tita Irene.

It's Bong...

What the hell is he doing here? Where's Tito Greg?

He immediately went to us, without any hesitation he gave me a hug and beso.

"Mr. President..." I called him in a most formal tone.

He smiled at me then, both of them - him and Tita Irene smiled to each other.

"S-Si Tito Greg po?" tanong ko kay Tita Irene. Hindi ko ipinahalata ang nararamdaman ko ngayon na kasama niya ang pangulo.

"He's out of town. Sayang nga raw at hindi siya makakapag-lunch with us. Bawi na lang daw siya next time." Napatango na lamang ako. "Hindi ka ba masaya na si kuya ang kasama ko? Ang kasama natin ngayon?" Hindi ako nakasagot agad nang itanong iyon ni Tita Irene.

Nagkatinginan kami ni Bong. Nakangisi pa siya!

Patago ko siyang inirapan, "A-Ahm... tita, pasok na po tayo? Mr. President, pasok na po tayo." sabi ko na lamang.

Pumasok naman na kaming tatlo sa loob.

Parang gusto ko namang hatakin at palabasin ang pangulo nang tuloy-tuloy talaga siyang naghubad ng sapatos at inilagay pa niya ang sapatos niya sa shoe shelf katabi ng sapatos ko at sinuot ang pambahay na tsinelas na sa kanya naman talaga kapag nandito siya.

Gusto ko siyang panlakihan ng mata dahil sa ginagawa niya dahil baka makahalata si Tita Irene na sanay na sanay siya at kabisado niya itong bahay.

"A-Ahm... Mr. President..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumuloy pa siya sa kusina at kinuha ang tasa na ginagamit niya rito sa bahay.

Tinignan ko si Tita Irene kung nakakahalata ba siya o ano. Baka naguguluhan na rin siya sa kinikilos ni Bong.

She's not even confuse. She's smiling like she was on the edge of laughing out loud.

"Tita, let's eat na po." Naupo na si Tita Irene sa dining. Kaagad naman ako tumungo sa kusina kung saan nandoon pa rin si Bong. Anong ginagawa non?

Nakita ko siya na nagti-timple ng juice!

"Bong, what are you doing? Baka makahalata si Tita Irene sayo. Huwag kang magulo. I mean, masyado mong pinapakita na kabisado mo itong bahay." stress kong sambit, pabulong ako. "Anak ng tokwa! Nagtimpla ka pa ng juice." dagdag ko pa.

Nahinto siya sa ginagawa niya at nakapamewang na humarap saakin. "Honey my love so sweet..." aniya sa napaka lambing na tono.

Hindi ako nakaangal at iniwan niya na ako, pinuntahan niya na si Tita Irene dala-dala ang juice na tinimpla niya, kasama pa ang tasa niya.

Nagpunta na rin ako sa dining. Nadatnan kong nagtatawanan silang dalawa. Nahinto sila nang lumapit na ako.

"Tita, juice kayo or soda?" tanong ko.

My whole system felt nervous when the president suddenly pulled the chair and offered it to me, he even held my waist guiding me to sit there.

Napapalunok na lamang ako at nakababa ang tingin.

"Your favorite, Kuya Bonget. Kare-kare." Kuya...

Shit. This is awkward! Trust me.

"Clarey cooks the best kare-kare." the president answered. "And, she's the best girlfriend."

I automatically let go of the spoon I holding when he said that. I looked at him with so much fear, my heart pounding.

It feels like my breath became so hard for me. I can't even now look to Tita Irene to see her reaction.

"She's the best fiancé for you." Tita Irene said in a very soft and sweet tone.

My tears burst when I heard that.

Tita held my hand so tight. "Alam ko na, Clarey. Don't be scared."

Tumayo ako sa upuan at napaluhod kay Tita Irene upang mapantayan siya, hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. "Sorry, tita... tita, mahal namin..." putol-putol na pagsasalita ko, umiiyak na naman ako.

"Mahal niyo ang isa't isa. Mahal na mahal. Ramdam ko yon. Nakikita ko." Si Tita Irene na ang nagpatuloy. Hinawakan niya ako sa pisngi, nakangiti siya saakin habang pinupunasan ang luha ko. "I'm not mad, Clarey. Hindi ako galit, anak."

Para bang nabawasan ang bigat sa puso ko. Para akong nabunutan ng isang tinik. Parang lumulutang ako sa saya.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Bong saamin. "Thank you, Irene. Thank you." he hugged her little sister. So, it means that Tita Irene already knew about us.

Kaya pala walang takot si Bong sa mga kilos niya. Kaya siya ang kasama ngayon ni Tita Irene.

"I love you both." Tita Irene told us. Then, we hugged.

Hindi na rin nakapagpigil si Bong at hinatak ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang napaka higpit.

"Hep! Not too much, kuya! Grabe ka naman makahawak eh. Kuya ah, sinasabi ko sayo. Subukan mo lang talaga. Hayaan mo munang maging doctor yan bago ka umano diyan." reklamo ni Tita Irene. Natawa ako dahil dito.

Ako naman ang hinarap ni tita, "Clarey, huwag mo munang isuko ang ano diyan ah..." Ang ano raw? Nagtatanong akong tumingin kay tita. "Ang bataan kasi. Basta yung ano. Mag doctor ka muna. Hayaan niyo munang maging legal kayo sa lahat. Si Tito Greg mo pa, hindi natin alam kung same reaction ba niyan kami."

Nagkatitigan kami ng pangulo.

"Huwag niyong sabihin na... isinuko mo na Clarey? At ikaw kuya, pumuntos kana agad?!" hindi makapaniwalang patuloy ni tita marahil nakita at napansin niya ang reaksyon namin.

Isinuko ko na ang Bataan, kung alam lang talaga ni Tita Irene. Pero, buti isang beses pa lang naman. Wala naman nabuo, diba?

"Irene, relax. Trust me, okay? Trust us." pagpapakalma ng pangulo sa kanyang nakababatang kapatid.

Napaupo ulit si tita sa dining at nagpatuloy sa pagkain. "Hay nako! Hindi ko alam kung paano ko kinakaya ang mga rebelasyong to!" stress na sambit niya.

Nagtawanan lang kami. Nagpatuloy sa pagkain.

Ang mahalaga ngayon, kahit isang tao lang may nakakaalam ng tungkol saamin. May nakakaintindi saamin.

Kahit sa isang tao lang, malaya kami.

Yung tipong kahit sa harapan lamang ng isang taong ito, hindi namin kailangan magpanggap at magkunwari.

Together by Fate Where stories live. Discover now