Chapter 25: special chapter for Irene

129 16 3
                                    

IRENE

Sabay-sabay kaming napatingin lahat nang padabog na binitawan ni Kuya Bong ang kutsara't tinidor niya.

"Bonget..."

"Tito?"

Isa-isa niya kaming tinignan. Halos mamuo ang mga luha sa mga mata niya. Para bang kinurot ang puso ko dahil sa pagkakataon na ito, ngayon ko lang siya nakita na ganito ang ekspresyon.

Hindi ko malaman kung naiinis siya o nasasaktan, halo-halong emosyon ang ipinapakita ng mga mata niya. Kasabay nang walang kabuhay-buhay na katawan, para bang napaka hina niya.

"C-Can you all stop talking about other people?!"

"Stop talking! Stop filling my head with your damn voices! Nakakarindi na!"

Halos pasigaw na siya. Kaya naman, tahimik lamang kaming lahat na nakatingin sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang siya nanigaw at nagpakita ng ganitong kagalit at kahinang sitwasyon.

"Give me the peace and quiet space even just for a damn seconds. Nakakapagod kayo! Nakakapagod na!"

Tumayo na siya sa hapag-kainan

"What's happening to you?"

"Hindi ka ganyan, Bonget!"

"You looked so weak! Last week ka pang ganyan ah, parang napaka hina mo... tinatanong na ng halos lahat ng senador na parang wala kang kabuhay-buhay."

Mas lalong gumuhit ang galit kay kuya dahil sa sinabi ng mga kasama namin ngayon.

Napailing si kuya, "Hindi ba ako pwedeng maging mahina? Hindi ba ako pwedeng magreklamo? Hindi na ba ako pwedeng magalit?" Nang sabihin niya iyon, tumulo na ang luha na kanina pang namuo sa mga mata niya.

Napatayo na si Ate Liza at sinubukang hawakan siya pero lumayo ito.

"All I want is to have a quiet one when I was here. Bugbog na bugbog na ko sa trabaho at sa ingay ng paligid ko! Kahit dito lang... kahit sa inyo lang, maranasan ko naman sana ang kapayapaan." dagdag pa niya.

Tumayo na si Ate Imee.

"Pangulo ka! You are the president of this country for heaven sake! Don't expect for a quiet life, you are in the world of politics! You are a damn Marcos! Lalo na't huwag kang magpapakita ng ganyan na kahinaan."

Nahinto si kuya sa paglalakad at humarap ulit saamin.

"Damn being the president! Fuck being a Marcos! All my life, all I do is to be strong and brave for us... for the family! Mas inuuna ko kayo, mas inuuna ko ang bansa... nakakalimutan ko na ang sarili ko eh. Sandaling katahimikan lang, sandaling pahinga lang... hindi pwede?" Tuloy-tuloy ang agos ng luha niya habang nagsasalita.

"Kuya..." He is hurting. I felt his pain.

I started to cried, I want to calm him down. But, even Ate Liza can't stop him, how do I?

Together by Fate Where stories live. Discover now