Chapter 11

113 9 0
                                    

SANDRO

"Bakit ngayon ka lang, Sands? Tapos na yung meeting." pagsasalita ni Gov. Matt. Kadarating ko lang ngayon dito sa munisipyo galing sa kung ano mang nakita ko kanina.

Sa totoo lang, gulong-gulo na ako. Hindi ko alam ang iisipin at gagawin ko. Gusto kong manigaw at magalit pero natatakot ako na baka sa oras na ipaalam ko sa lahat ang tungkol sa kanila, maging mas matapang ang tatay ko na humarap para kay Stella.

Sa nararamdaman at nakikita ko, kayang-kayang iwan lahat ni pops para kay Stella. Ibang-iba siya sa kung Bongbong Marcos na kilala ko, sa tatay ko na kilala ko. Ni hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito kay mommy, na magagawa niyang sirain ang pamilya namin.

They're married for 30 years for heaven sake!

"Hey!" Tinapik ako ni Gov. Matt. "Okay ka lang ba?" tanong niya pa.

Naupo ako at napahilot ng sintido.

"Do you admire my dad and mom's relationship? Well, their marriage... do you admire it?" tanong ko bigla sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanya.

Natawa si Gov. Matt at naupo sa tabi ko. "Ano bang tanong yan? Sandro! Malamang! I admired Uncle Bong and Tita Liza relationship. Yung marriage nila, literal na for the lifetime... baka nga into another life pa."

Napabuntong-hininga ako at parang sasabog na. Gusto kong sabihin ito sa kanya pero baka hindi siya maniwala at sabihan pa akong nasisiraan.

"I need to go." Mabilis akong tumayo at iniwan si Gov. Matt.

Dali-dali akong lumabas at sumakay ng sasakyan, patungo ako sa bahay. Kailangan kong sabihin ito kay mommy. Hangga't maaga pa ay mapigilan na ito. Isa pa, hindi ako papayag na hindi saakin si Stella lalo na masira ang pamilya namin.

"Where's mom?" tanong ko kay Simon nang makarating ako sa bahay.

"Nasa office niya." sagot niya.

Umakyat na ako at sumisigaw pa habang nasa hagdan. Halos lumabas naman na ang tao rito sa bahay dahil sa kung anong inaasta ko ngayon.

"Mommy!"

"Mom!"

Sumunod si Simon saakin at inis na inis na dahil sa ingay ko. "Can you please lower your voice?"

Tinignan ko siya. "Tangina! May kung anong nangyayari na... wala ka pa ring alam." Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na siya.

"I'm just asking you to lower your —" Hindi na naituloy ni Simon ang sinasabi niya nang lumapit si mommy saamin.

"What's happening? Sandro? Simon?" pumagitna siya saamin.

Mabilis kong niyakap si mommy at tuluyan na akong naiyak. "Mom, I'm sorry... sorry."

"Sands..." Hinatak ko naman si mommy sa office niya upang doon kami mag-usap sahil nag-uusisa na ang lahat ng tao na nandito.

"Mom... si pops." parang batang pagsusumbong ko.

"Anong nangyari, anak? What about your dad?" tanong niya. Malumanay at hindi mababakas ang pagtatanong sa boses niya. Teka, huwag niyang sabihin na alam niya na?

"H-He's having an affair." I spill the tea.

I looked at her, she just breathed heavily and stood up.

"Paano mo nasabi?" tanong niya. Nag-iba ang ekspresyon niya. Parang gusto niya akong tawanan.

Pero, may mali talaga...

"Nakita ko..." sagot ko. Doon, nanlaki ang mata niya. "N-Nakita ko na parang may kinikita siyang babae pero... hindi ko alam kung sino." Sa puntong ito, nagsinungaling ako. Hindi ko inamin na nakita ko ang babae at si Stella ito.

Kahit papaano, ayokong masaktan si Stella. Alam kong sa oras na malaman ni mommy to, si Stella ang pupuntiryahin niya.

Tumalikod si mommy at napatingin sa pictue nilang dalawa ni pops na nandito.

"You think your dad was serious about his affair?" she asked.

Pinunasan ko ang luha ko. "I think so. Ni hindi ko lubos maisip na kayang gawin yon ni pops. M-Mom, napaka faitful niya." sagot ko.

"Sabagay, rentahan ba naman ng tatay mo ang buong isla ng Amanpulo para sa babae niya." Gulat na gulat ako sa sinabi ni mom.

Ginawa yon ni pops? Nirentahan niya ang buong Amanpulo para kay Stella?

"W-What are you s-saying?" So, alam niya? Alam niya bang si Stella ito?

"Nakarating saakin na nirentahan ng tatay mo ang buong isla ng Amanpulo. Yung dalawang araw na kinuha niya, kasama niya yung babae niya." mahinang sagot niya.

Nasisiraan na ba ng ulo ang tatay ko? Paano kung may nakakita sa kanila roon?

Tsaka, gumastos siya ng napaka laki para kay Stella? Hindi ganoon si pops. Ang kuripot non, naalala ko pa noong nagkaroon ng rumors na nirentahan din niya raw ang isang isala para sa victory party. Natatawa na lamang kami dahil alam naming hindi gagawin ni pops yon kahit pa para sa pamilya tapos para sa babae niya? Ibang klase!

"K-Kilala mo ba yung babae niya?" Natatakot kong tanong.

Tumingin si mom saakin. "H-Hindi... pero, baka kilala mo."

Nagbaba ako ng paningin. "H-Hindi ko kilala, mom. Nakita ko lang na may kasama siya... hindi ko nakita yung mukha."

Napabuntong-hininga si mommy. "Alamin mo." Tinignan ko siya. "Seryoso ang tatay mo sa babaeng yon, Sandro. Ramdam kong kaya niyang talikuran ang lahat para sa babae niya... para sa babaeng yon."

Para bang nanlambot ako sa sinabi ni mommy. Handa ba talagang talikuran ni pops lahat para kay Stella? Ipaglalaban ba ni pops ang relasyon nilang yon?

Napahilamos ako ng mukha. "This is disgusting!"

Tinapik ako ni mommy. "Walang faithful na lalaki sa napaka landi na babae, Sandro. Ahas ang babaeng yon... kung sino man siya."

Together by Fate Where stories live. Discover now